Pasa Resume
Nung nakaraang gabi pa ako nagpasa nang Resume ko ,until now wala pa natawag.
Napagalitan pa ako ni Mama ba naman bakit daw gabi ako magpapasa.
San daw ako nakakita na nag aapply nang gabi.
Ey sa gabi lagi uwi ko galing School at hirap sumakay minsan gawa nang punuan lagi ang jeep.
Tapos sabi din nung kaibigan ko na crew dyan sa Mcdo pede naman daw gabi kasi daw andun ang Manager na pwede ko din agad makausap.
Totoo naman andun nga yung manager at sa kanya mismo ako nagpasa.
Tatawagan nlang daw ako at ayusin ko daw schedule ko.
May pag asa kaya pag ganun?
Sana ,sana tawagan na ako .
Bukod sa magpapasko na ey kailangam ko din tulungan si Mama .
Alam ko at nararamdaman ko na hindi na naman yun makakauwi ngayong pasko dahil ang mahal daw namg pamasahe tapos ipapamasahe nya daw ipapadala nalang sa amin para makabili kami mga kailangan namin.
Naawa ako na hindi ko maintindihan kaya nagpipilit ako magtrabaho kahit part time lang.
Babalik sana ako sa pangingisda kaya lang hindi nan kakayanin namg oras at tsaka kailangan madaling araw gising na ako .Hindi kakayanin sa oras talaga.
Kaya maghihintay ako namg tawag ni Mcdo sa akin.
Uwian na kaya heto tambay muna ako dito sa Park.
Hinihintay ko din si Louie dahil may sisingilin ako sa hiniram nyang pera sa akin.
Kailangan ko na at magpapagupit din ako.
Nasita na ako kanina ni Maam .
Sarap talaga tumambay dito dahol presko ang hangin dahil sa mga puno sa paligid .
Maliwanag na din ,hindi katulad dati na matatakot ka dumaan sa sobrang dilim.
Paano walaan Lang pailaw dating Mayor dito.
Puro pang sarili ang iniisip.
Ngayon ibang iba na , nabuhay ang Cavite City.
Welcome to Samonte park mga boss.
Ilang araw din pala akong walang post dito.
Focus po ako aa paghahanap nang part time job.
Sana matanggap ako sa Mcdo .
Kailangan ko talaga magpart time dahil madami need sa school.
Nahihiya na ako humingi sa Mama ko .Gusto ko syang tulungan.
Ay nga po pala baka want ninyo bumisita dito sa amin sa cavite city .
Naku hindi po kayo magsisi dahil super laki na po nang pinagbago nang aming Lugar lalo na ang park talagang buhay na buhay .
May mga lical bamd din na libreng tumutogtog sa baywalk kaya ang sarap dito magpalipas nang oras at magpahangin.
Nakakagutom nga lang dahil madami ding food stall dito .
Tara po pasyal na.kayo dto sa amin.
HALE is in our Town Cavite City
Happy fiesta Cavite City.
Sa wakas nabuhay at naging masaya na naman dito sa aming lungsod.
Mabuti at suspended din ang klase namin bukas kaya it's ok na magpuyat tonight .
Wooaahh minsan lang ito mangyare kaya hindi namin talaga ito papalampasin .
Tara mga boss makijamming na tayo sa HALE .
Happy Fiesta Cavite City
Kamusta po mga ate ,kuya kaibigan at sa mga ayaw sa akin .
Sino dito ang taga cavite city tara po dto sa bahay.
May kaunting salo salo .Hindi po ito handa para sa fiesta kundi salo salo lang dahil madami kaming naraket ni Zei ,tsaka nagpadala din si Mama.
Hindi namin iniexpect talaga na bibigyan kami ni Mama pang gala.
Nga pala itong food package na ito ay libre sa amin dahil tumulong kami para tumaas ang sales nang restaurant nang Kaibigan namin.
Nagulat nga kami pinapili kami nang food package.
Ang paborito ni Lola pansit at kay Matt naman spaghetti tapos sa aming lahat Lumpia kaya yan binigay sa amin.
And meron pa kami natanggap na tig 500 mula kay Mama plus kay tito pa binigyan din kami tig 500.
Plus dito sa restaurant nang aming kaibigan binigyan pa kami allowance daw sa school.
Sobrang daming blessing after namin sa exam humanap na kami ng raket dahil twice nag suspende ang klase kaya nabored kami ni Zei ayon tuloy pumasok kami sa catering ,yun nga sa restaurant ng Mama nang kaibigan namin.
Mayaman sila kaya madami silang negosyo.
May computer shop din sila.
Napahaba na kwento ko , binawi ko lang dahil tagal ko hindi nakapost sobrang busy na talaga sa school at sa raket .
Kailangan namin tulungan si Mama dahil lumalaki na gastos sa amin .
Fiesta Feels na Sa Cavite City .
Nakakatuwa at buhay na buhay na ang ganda ng Cavite City.
Muling nagliwanag ang aming hometown.
Salamat sa butihin ning Mayor Denver Chua at wala na ang mala ghost town naming bayan.
Ngayon gaganahan na ang mga taga ibang lugar o bayan na bumisita dito sa amin.
Marami na ang magagandang pasyalan.
Safe din dahil madaming mga tanod at pulis ang nag roronda bawat sulok at s amga pasyalan dito.
Kaya sa mga friend ko dito ,halina kita kits tayo dito sa fiesta malapitna po .Nextweek na po ang fiesta dito sa amin.
Good morning Noisemates .
Flex ko lang po iyong alaga ni Tito.
Ang kanyang fur baby na so Milky.
Kaya yan tinawag na Milky dahil sobrang puti nang balahibo ,pati katawan nya maputi.
Yan po ay nag iiba iba ang kulay ng mata.
Kapag mainit sobrang nagpipink yung taynga nya at katawan.
Tapos ganyan kulay nang mata nya medyo blueish na may pagka gray kapag sya ay relax.
Kapag malamig naman kulay blue yan.
Kapag mainit naman may pagkareddish at kapag natatakot sya 2 dalawang mata mgkaiba nang kulay.
May picture ako nyan na iba iba ang kulay kaya lang nabura ni Matt dito sa cp ko nung pinalaro ko sya dito.
Baby pa kasi po sya noon at madalas daw paluin nang mga bata ,kaya din siguro sya nabingi.
Good morning mga tao π
Maaga na naman ako inutusan ni tito pra bumili nang pagkain ni Milky.
Kaua ayam ang sosyal ng aso ni Tito sarap nang pagkain nya.
Hindi po talaga yan tinitipif ni Tito sa pagkain tsaka may vitamins din.
Kaya lang yung aso ni Tito pabingi bingi.
Hndi yun nakakarinig kaya kahit anong tawag mo hindi talaga maririnig.
Inabuso daw kase yun nung maliit pa.
Inadopt lng ni tito kase naawa tapos ngayon napamahal na kay Tito.
Good evening mga boss .
Kamusta po dito?
Ok na po pala diyo sa amin dahil may kuryente na. Pero suspended pa din po ang klase .Bale amg balik namin sa School ay sa Nov.7 pa.
Kaya mahaba haba pa ang araw ng bakasyon namin.
Ayan namiss din ni Lola ang pinsan naming baby.
Sya po pala mga boss si Amarah,anak mg bunso nina mama sa babae.
Pinauwi sadya sila dto sa bahay sabi nia dahil nabahaan sila dun.
Hindi makapagtinda si kuya payat dahol pati kotse nila nasira dahil nga nabahaan.
Wala na sila pang gastos kaya dto na muna sila sa amin.
Kinakaya naman sabi ni Mama kesa daw magutuman sila dun sa kanila.
Ganyan si Mama napakabait ,at matulungin sa mga kapatid kaya hangang hanga kami sa Mama namin.Ang lakas pati ng loob.
Late Tanghalian mga mate
Kain po tayo medyo late na naubusan kami ng gas.
Gulay at prutong tilapya po tapos dessert ni alola yung papaya .
Amdito po kami kina Tito ngayon nagluto dahil nga wala pa kami budget para pambili ng gas .
Si mama hindi pa daw sya nakasahod dahil holiday nasobrahan sa delay ang sahod nya.
Kamusta po kayo?
Nakikicharhe palang din kami at wala pa din po kuryente dito sa amin.
Update lang po mga boss dito sa amin sa Cavite City.
Buong Cavite City po ay walang kuryente .
Lahat kami mga lowbat at heto ako naglalakad lakad kanina para maghanap na pede kamo makapagcharge.
May nakita naman ako 20 pesos isang oras.Ang tindi nila maningil kase power generator daw gamit at sarili nilang charger ang ggamitin para makapagcharge ka .Ba naman sa 20 pesos namin iba ibang percentage ng battery ang cp namin kahit sabay sabay kami nagcharge.Ako ,si Zei at si Tito .
Sa akin 35% ,kay Zei 36% kay Tito pinakamababa 30%.
Nabadtrip tuloy si Tito .
Umuwi na kami ok na to para makapag update lang kay mama at baka nag aalala na.
Nakakabyahe na po pala dito ang mga bus ,pero ang motor pedw na din kaya lang hindi sila papadaanin sa may noveleta sa checkpoint dahil mataas pa din ang tubig doon.
Ayan lang po mga boss at salamat po sa mababait na donator naka $1na po ako at nakuha ko na po pinangload ko po ngayon.Salamat po ulit.
Tipid tipid muna kami sa battery ng cp at ang mahal ng pa charge.
Good morning mga boss ,mga ate at kuya .
Kamusta po kayo?kami dito ay ayos lang .
Napuyat lang talaga dahil nagbabantay ako baka liparin yung bubungan namin.
Pero awa ng Lord ok naman nabaklas lang yung ilang pako at naayos ko na din kanina.
Almusal na po tayo pala.
Nagluto si Tito hindi ko alam anong tawag dito basta tinapay ito may hotdog sa loob at may cheese.
Tasty bread po ito na pinaikot ikot ni Tito.
Mag effort talaga sya magluto dahil nahpatulong sya sa amin dto sa tindahan nya dahil pinasok ng tubig . Medyo may amoy yung tubig dahil galing sa kanal.
Maitim at daming basura.
Di ko na pinicturan dahil ako man ay nandidiri.
Baka mandiri lang kayo.
Kain nalang po tayo,pameryenda lang ito ni tito.
Please help us pray.
Kamusta po kayo mga boss?
No.3 po dto sa amin sa cavite.
Ang noveleta po ay lubog na ,sa pangalawang photo yan sa gc po yan
May mga sasakyan na po na inanod at may mga tao sa loob hindi sila makalabas .
Our situation right now .Kanina pa po ako wlang pahinga kakabantay baka may mangyare.
Sobrang lakas po nang ulan at hangin.
mga bubong nang aming kapitbahay nagliparan na .
Ako po yan kanina nag ayos ako sa may bubong may tinali ako dahil yung isang yero sa bubong namin hindi pa naman totally tanggal pero nililipad lipad na yung kalahati.
Nagyon lang po ako nakapag update dito dahil brownout kanina at nagtitipid ako sa battery.
Nagpapicturw din ako kay Zei para send kay Mama.
Nakakakaba pag ganito .
Mga kasama ko dito sa bahay kailangan ko din bantayan ,isang senior ,isang bata at kami ni Zei.
Si tito hindi na makauwi dito at wala nang madaanan mga sasakyan kaya dun nalang sya nag stay sa Tindahan nya .
Mag iingat po kayo mga boss.
Ingatan nawa tayong lahat ni God.
Goodnight po mga boss sabi nang bunso namin .
Ayan wala naman pasok bukas pero ang aga pa din nakatulog.
Napagod daw sya sa kakalaro kanina sa room nila .
Mga naka costume sila pang Halloween e.
Amg lamig dito sa amin kanina pa naulan.
Signal no.1 po dito sa amin sa cavite.
Kaya kanina suspemde6 ang klase namin.
Plus long weekend pa .
Balik namin sa Nov.2 na .
Nov.2 na yung exam namin gagawin dahil nga sinuspende yung klase kanina.
Kamusta naman po mga boss sa inyong lugar?
Happy Halloween
Naawa ako sa bunso namin talaga namang hindi na namin sya maasikaso dahil may mga pasok din kami.
Nakita ko kanina nag aayos sya mag isa .
Yung Costume nya hiniram nya lang sa Kaibigan nya .
Pinahiram daw talaga sya nang kusa kasi daw may bagong Costume yung si Gab na kaibigan nya dito.
Mabuti nalang talaga palakaibigan yang bunso namin.
Kaninang umaga nakita ko aga nya nagising ,naligo tapos kumain.
Pagkatapos nagbihis at nag ayos nang sarili.
Sya na yung naglagay nang art make up sa mukha nya .
Best in art kasi po yan mga boss ,magaling sa mga drawing at malikhain.
Kitams naman sa mukha nya oh, sya lang nakaisip nyan.
Nakuha ko pala tong pictures nila sa Gc pinasa ng Teacher nila.
Andun ako sa gc nila tsaka si Zei.
Good evening mga boss .
Ngayon nalang ulit nagkaroon nang oras makapag update dito.May ise share lang po ako.
Kamusta po kayo? Kami ayon nakaraos na po sa unang exam 3 subjects din kanina.
Ginabi na ako nang uwi kanina dahil nag cleaners pa .
Pagod ang katawan ko pag uwi ,ba naman yung sinakyan namin na jeep nasiraan ,malayo layo pa sa bahay kase mismong palengke nasiraan.
Tapos sabi nung driver unang labas pa naman daw nya yun tapos ganun pa nangyare.
Isinusuli nya yung pamasahe namin pero ewan ko bakit parang awang awa ako kay Manong ,kaya kahit pagod hindi ko na kinuha pamasahe ko.Naglakad nalang ako pauwi.
Pati ibang pasahero hindi na din nila kinuha pabalik pamasahe nila.
Nakaimpluwensya pa ako at masaya naman ako.
May edad na din po mga boss si Manong Driver.
Anong konek nang picture ,syemprw po ito yung naabutan ko kanina pag uwi ko.
Nagluto si Tito Nang saging na may malagkit sa loob .
Ngayon po ay ubos na yan.
Natyempuhan ko lang na andiyo si Tito at nagluluto kaya napicturan ko.
Sinadya daw nya gabi na magluto dahil nga para sabay sabay kamo mag snack.
Snack na kanila sa akin ay Dinner palang .
ATM inside the Room
God bless and Goodluck self .
Patunayan mong kaya monh imaintain ang average grade na 94.
At isa pa nasimulan mo na kaya ituloy tuloy mo na hanggang sa tagumpay ay makamit mo na .
Sabi ni Mama pala sa akin ,kapag nagtapos daw ako na matataas ang grades o nasa topl list ako ,mga Company na daw ang hahabol sa akin para bigyan ako nang trabaho.
Totoo naman yun dahil nagse search ako at nanunuod nang mga college graduation o minsan sa vlog hindi ka pala talaga mahirapan mag apply kapag maganda ang grado mo at kung nasa top list kapa.
Kay naman laban self ,patunayan mong nagbago kana at seryoso kana sa buhay.
Hayaan mo yung mga kamag anak mo na dating minamaliit ka at sinasabihan na wala ka daw mararating.
Inpirasyon ko po mga boss yung panghahamak sa akin nang mga pinsan ko na nakagraduate na ng college tpos call center agent na ,tpos yung iba naman mga college palang din.
Hindi masama loob ko sa kanila dahil para challenge yun.
Mas lalo lang nila pinalakas loob ko para magsikap pa.
Review Time muna bago matulog.
Parehas naming exam ni bunso bukas .
Goodluck sa aming dalawa .Si Zei sa Friday pa daw sila .
Yan o pagkasipag mag review .Natutuwa po mga boss sa bunso namin yung teacher nila .
Syempre ba naman napaka active daw sa Room nila .
Kapag may tinatanong o may pinapasagot ang teacher nila lagi syang nataas nang kamay para sumagot. Minsan nga daw nagsasawa na yung teacher nya sya nalang palagi ang nasagot at nataas nang kamay.
Hindi po sa pagyayabang ay simula po Kendir yan hindi pa yan nawala sa Honor list.
Kahapon din nagchat ang teacher nya sa Mama namin na yun nga po natutuwa daw si Sir Jude at napakahusay ni Matthew sa klase.
Kahit daw transfer lang hindi daw nahihiya .
Ay sadya pong friendly yang bunso namin.
Kahit nung kakalipat lang namin dito sa inuupahan naming bahay ay wala pa isang linggo dami na nyang kakilala dito .hahaha
Napakadaldal din nyan .Minsan naiinis na si Lola kasi dami nyang kwento palagi.
Yung Tumaas na ang balue ni BCH pero yung laman nang wallet mo kapiranggot lang .
Sige lang push push lang ganyan talaga pag busy sa aralin madalang maka update.
Kamusta po kayo mga boss .
Check nyo si BCH sa mga may HOLD po dyan it's time para mag convert na kayo .
Baka bukas o mamaya lang biglang mag Dip naku ay sayang.
Tapos bilo nalang po ulit kapag nag dip then Sell kapag nag taas ulit value .
Nanood po ako sa youtube paano magtrade kaya lang wala pang akong pang trade sa ngayon.
Pa.midnight Snack ni Tito .
Tamang Pizza lang ako at kay Tito po yung kape dyan .
Gusto ko din sana nang kape ,yung matapang at kaya ako ipaglaban ππ haha .
Sino kaya magtitimpla sa akin nang kapeng matapang.?
Tutulog na po ako after namin mag snack .
Goodnight po sa mga gumagawa na nang Mapa dyan ππ
Our Ulam yesterday and kanina bago ako pumasok.
Flex kolang mga boss yung ulam namin kanina bago ako pumasok.
Escabeche dawang tawag sa luto nayan yung nasa unang picture po.
Si Tito ang nagluto dahil maaga sya dito kanina sa bahay .
Tapos sa second photo naman ay ulam namin kahapon.
Hindi ko maiflex kahapon at naubusan nang load po kaya wala akong update kahit gabi na .
Nakasingitlangako ngayon nang oras dahil wala si Maam.
Kamusta po pala kayo dito mga boss?
Pasensya na po at busy malapit na exam namin.
Kwentuhan po tayo paghindina ako busy sa mga aralin.
Good morning mga boss .
Bumili lang ako pansit para sa almusal .Ipalaman nalang sa pandesal .
Kasya na ito sa aming tatlo.
Si lola po kasi iba ang almusal nun.
maglalaga daw sya nang saging at kamote .
Maaga pasok ni bunso kanina pa yun umalis .
Kanina ko pa din ito binili.
Pinicturan ko lng tapos pinakain na si bunso
Goodnight mga boss .
Flex ko lang itong sideview picture ko .
Parang Gusto ko ng ....? Kanta po yan kayo na bahala magdugtong .hehe
Maaga pa gigising mamaya at may pasok na naman .
Kaya po mauuna na po akong matulog .
Pahinga na din kayoga boss lalo napo yung mga may trabaho .
Lumpiang Shanghai
For da cook nang Lumpia ang Ferson.haha
Kainit nang panahon tapos taga kusina pa ako .
Pero ok na tapos na maluto ang ulam.
Yara na po at kumain.
Nagpadala si Mama kahapon budget pamg ulam namin daw ngayon 500 .
Wow pang ulam lang 500 at magluto daw kamo nang gusto namin. Ay di naglumpia si Tito .
Ako lang ang nagluto .
Lapang na mga boss habang mainit pa si Lumpia at habang meron pa .
Mamaya to parang binagyo na .
Good morning mga boss
Karaniwang nagluluto ako ngayon nang Lumpiang Shanghai for our ulam ,as my Tito instructed me also.
Habang nakasalang pa si Lumpia nagcheck muna ako nang BCH .
At yan po Naka Sara Duterte po sya ngayon.
Green na green since last night pala naka Vice President Sara D.sya
Sarap sana kung may HODL hehe .
Keep pumping My Love BCH .
Have a blessed Sunday po mga boss.
Mainit na tanghali mga boss .
Grabe kayo natutuwa po ako dahil kahit busy ako sa School at bihira lamang po makapag post o update dito ay hindi nyo pa din ako nakalimutan bahagian nang nyong mga biyaya.
Maliit na halaga pero para sa akin malaking tulong yan ,nagta try kasi po talaga ako makaipon dahil magpapasko may ilang bagay din akong gustong mabili na sana hindi ko na hihingiin pa kay Mama.
Malayo pa naman ang December makakaipon pa ako dahil sa inyo.
Napakabait nyo po at pasensya na po wala po akong pangbalik sa inyo kundi ang Taos puso ko lang po na pasasalamat talaga.
Good morning po
Flex ko lmg po si Tito Ron ang super bait namin na Tito .
Katuwang ni Mama sa pagpapalaki at pagpapa aral sa amin .
Financial aspect laging anjan si Tito pag need ni Mama nang mahihiraman.
Maaga pa kami ng walk na sa park kasama ang aso nilang may deperensya sa pandinig.
Si milky po yung aso ,kahit anong tawag mo dyan hindi nya maririnig kasi bata palang may problema na yang aso no Tito.
Bigay lang yan sa kanya nang kapitbahay nila.
Nagusguhan ni Tito kasi sobrang puti at paiba iba ang kulay nang Mata nyan.
Depende sa panahon.
Minsan red, blue, orange ,gray at pink.
Normal eyes nya grry na may pagkablue.
Certificate of Academic Excellence
Yeyy Congrats Self.
Worth it lahat nang pagsisikap.
Simula palang ito .
Obtaining average grade of 94 for the first Semester.
Hindi ko talaga iniexpect na ganito kataas ang makukuha kung average for the first Semester.
Kaya pala sabi mg Adviser ko pasok daw ako ng maaga .
Surprise pala .
Masaya sa pakiramdam dahil yung puyat kaka research, puyat kaka gawa nang mga aralin at gastos sa mga project ay super worth it.
Abutin natin self hanggang dulo.
Cavite City Food Park is now Open.
Ang pinakahihintay mang lahat nang CaviteΓ±o especially nang mga lohitimong taga Cavite City.
Ito na po nag open na ang Cavite City Food Park located at the back of Cavite City hall.
Ang daming tao at ang saya dahil talaga namang nabuhay na muli ang dating sigla sa Cavite City after ilang taon, inabot na yata ng dekada na walang unlad ang Cavite City dahil sa dating Mayor na bulok.
Ngayon po napalitan na ang Mayor namin.
Yan po bago naming Mayor yung naka kulay blue Tshirt, si Mayor Denver Chua.
Muling Nabuhay ang Ganda ng aming lungsod ng Cavite City.
Simula nung bago pa magpandemic parang ghost town na ang Cavite City sobrang lungkot.
Ang Park walang kaayusan.Maging ang kalsada daming sira pero hindi pinapansin.
Ngayon lahat napalitan na .Unti unti nang bumabalik ang dating sigla.
Mabuti nalang nanlo si Mayor Denver Chua.
Kaya nabubuhay na at bumabalik na ang dating ganda at sigla nang aming lungsod.
Masaya na ulit mamasyal sa park.
Gumagana na ulit ang Fountain.
Mainis ang kalsada at nagawan na nang paraan yung mga sira sira.
Kaya ayan ipinasyal ko din bunso namin na si Matt .