read.cash Log in
@Aj13 more from that month

Happy Halloween Naawa ako sa bunso namin talaga namang hindi na namin sya maasikaso dahil may mga pasok din kami. Nakita ko kanina nag aayos sya mag isa . Yung Costume nya hiniram nya lang sa Kaibigan nya . Pinahiram daw talaga sya nang kusa kasi daw may bagong Costume yung si Gab na kaibigan nya dito. Mabuti nalang talaga palakaibigan yang bunso namin. Kaninang umaga nakita ko aga nya nagising ,naligo tapos kumain. Pagkatapos nagbihis at nag ayos nang sarili. Sya na yung naglagay nang art make up sa mukha nya . Best in art kasi po yan mga boss ,magaling sa mga drawing at malikhain. Kitams naman sa mukha nya oh, sya lang nakaisip nyan. Nakuha ko pala tong pictures nila sa Gc pinasa ng Teacher nila. Andun ako sa gc nila tsaka si Zei.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.