Happy Fiesta Cavite City Kamusta po mga ate ,kuya kaibigan at sa mga ayaw sa akin . Sino dito ang taga cavite city tara po dto sa bahay. May kaunting salo salo .Hindi po ito handa para sa fiesta kundi salo salo lang dahil madami kaming naraket ni Zei ,tsaka nagpadala din si Mama. Hindi namin iniexpect talaga na bibigyan kami ni Mama pang gala. Nga pala itong food package na ito ay libre sa amin dahil tumulong kami para tumaas ang sales nang restaurant nang Kaibigan namin. Nagulat nga kami pinapili kami nang food package. Ang paborito ni Lola pansit at kay Matt naman spaghetti tapos sa aming lahat Lumpia kaya yan binigay sa amin. And meron pa kami natanggap na tig 500 mula kay Mama plus kay tito pa binigyan din kami tig 500. Plus dito sa restaurant nang aming kaibigan binigyan pa kami allowance daw sa school. Sobrang daming blessing after namin sa exam humanap na kami ng raket dahil twice nag suspende ang klase kaya nabored kami ni Zei ayon tuloy pumasok kami sa catering ,yun nga sa restaurant ng Mama nang kaibigan namin. Mayaman sila kaya madami silang negosyo. May computer shop din sila. Napahaba na kwento ko , binawi ko lang dahil tagal ko hindi nakapost sobrang busy na talaga sa school at sa raket . Kailangan namin tulungan si Mama dahil lumalaki na gastos sa amin .
No comments yet