Good evening mga boss . Ngayon nalang ulit nagkaroon nang oras makapag update dito.May ise share lang po ako. Kamusta po kayo? Kami ayon nakaraos na po sa unang exam 3 subjects din kanina. Ginabi na ako nang uwi kanina dahil nag cleaners pa . Pagod ang katawan ko pag uwi ,ba naman yung sinakyan namin na jeep nasiraan ,malayo layo pa sa bahay kase mismong palengke nasiraan. Tapos sabi nung driver unang labas pa naman daw nya yun tapos ganun pa nangyare. Isinusuli nya yung pamasahe namin pero ewan ko bakit parang awang awa ako kay Manong ,kaya kahit pagod hindi ko na kinuha pamasahe ko.Naglakad nalang ako pauwi. Pati ibang pasahero hindi na din nila kinuha pabalik pamasahe nila. Nakaimpluwensya pa ako at masaya naman ako. May edad na din po mga boss si Manong Driver. Anong konek nang picture ,syemprw po ito yung naabutan ko kanina pag uwi ko. Nagluto si Tito Nang saging na may malagkit sa loob . Ngayon po ay ubos na yan. Natyempuhan ko lang na andiyo si Tito at nagluluto kaya napicturan ko. Sinadya daw nya gabi na magluto dahil nga para sabay sabay kamo mag snack. Snack na kanila sa akin ay Dinner palang .
No comments yet