read.cash Log in
@Aj13 more from that month

Pasa Resume Nung nakaraang gabi pa ako nagpasa nang Resume ko ,until now wala pa natawag. Napagalitan pa ako ni Mama ba naman bakit daw gabi ako magpapasa. San daw ako nakakita na nag aapply nang gabi. Ey sa gabi lagi uwi ko galing School at hirap sumakay minsan gawa nang punuan lagi ang jeep. Tapos sabi din nung kaibigan ko na crew dyan sa Mcdo pede naman daw gabi kasi daw andun ang Manager na pwede ko din agad makausap. Totoo naman andun nga yung manager at sa kanya mismo ako nagpasa. Tatawagan nlang daw ako at ayusin ko daw schedule ko. May pag asa kaya pag ganun? Sana ,sana tawagan na ako . Bukod sa magpapasko na ey kailangam ko din tulungan si Mama . Alam ko at nararamdaman ko na hindi na naman yun makakauwi ngayong pasko dahil ang mahal daw namg pamasahe tapos ipapamasahe nya daw ipapadala nalang sa amin para makabili kami mga kailangan namin. Naawa ako na hindi ko maintindihan kaya nagpipilit ako magtrabaho kahit part time lang. Babalik sana ako sa pangingisda kaya lang hindi nan kakayanin namg oras at tsaka kailangan madaling araw gising na ako .Hindi kakayanin sa oras talaga. Kaya maghihintay ako namg tawag ni Mcdo sa akin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.