A Peaceful Cold Night
Malalim na ang gabi, gabing kay tahimik na tila ba dina katulad ng dati, dati na kay saya at marami pang bata kahit alas nuwebe na ng gabi, ano ba ang nangyari? Nanibago ako sa lugar na ito o sarili ko mismo ang nagbago.
Tatlong apat na buwan palang ang nakalipas mula nang dito pa ako namamalagi, nagpaka layu-layo ako hindi dahil sa may iniiwasan akong tao, gusto ko lang mabago ang masalimuot kung mundo at tahakin muli ang bagong kabanata at ang panibagong ako, tama, panibagong ako sapagkat mula nang napagisip-isip na ang edad ay pataas ng pataas na kailangan narin kumita magtrabaho upang magkapera dilang para sa sarili kundi para narin makatulong sa pamilya.
Tama nga ang sinasabi nila na hindi habang buhay ay aasa kalang sa iyong mga magulang dataowat sila rin ay patanda na, hindi lang hubog nang pangangatawan ang nagbago subalit mga pampalipas oras na bisyo ay unti-unting naglaho, patanda naba ako o sayang ito lang talaga ang realidad ng mundo na mapagtanto muna lamang na kailangan mong maging ganap na tao na dilang bisyo at pagbabarkada ang dapat mong gawin sa buong buhay mo.
Ang gabing ito ay tila ba isang realisasyon sa aking pagkatao kung ano ang nabago't binago kung ano at sino ang dating ako. Ano ngaba ako dati? mga ala-ala'y pilit kung kinalimutan subalit isipa'y di mapigilan na balikan ang mga nakaraan na tila ibinuklat ko nananaman ang aking nakatagong talaarawan na ang bawat pahina ay naglalaman ng ibat-ibang storya na sa tuwing aking binabasa ay parang may tutusok sa puso ko at ako'y unti-unting manghihina.
Dito sa mundo, sa mundo ng mga tao, Lumilipas ang bawat araw, oras, minuno't sigundo, Ang buhay ay parang isa lamang pampasahirong sasakyan na maraming papara at sasakay sa may daan, subalit ang bawat isa ay bumababa sa may unahan na mag-iiwan ng bakas sa ating puso't isipan.
Linyang diko magawang kalimutan dahil sa pilit nitong binubuksan ang pighati't pait ng nakaraan.
Okay enough for that kadramahan wala lang talaga akong maitopic sa gabing ito, at as you can see the photo above I captured that in the front yard sa house ni @Zhyne06 , ganyan ka ganda yung view sa labas ng bahay niya pag gabi napaka amazing and relaxing place lalo na pag nasa rooftop cguro 😊
Anyways the above message ay laman lamang ng imahinasyon sa gitna ng malamig na gabi ;*
Still thanks for dropping by my friend ;*
Buti pa diyan friend tahimik. Dito kahit 1 am na ang ingay² parin. Yung mga transportation talaga nakakadisturbo. Hindi peaceful my friend kaya maganda sa province kasi walang ingay.