Over thinking or Paranoid
March 5, 2022 13:17pm
Are you a type of over thinking person or a paranoid one! Or just an ordinary one that what comes around will just go around.
Well, if you'll ask me, Im the over thinking one, and this is one of the reason why I immediately loose weight. Mahilig akong mag-isip or minsan naman kusa syang pumapasok sa isip ko, lalo na if mag-isa ako or natutulog at biglang nagising.
Gaya ng ng ngyari sa akin the other day, if you haven't read my article you can read, here's the link. https://read.cash/@Adrielle1214/lies-lied-lie-1111d20c
Dahil sa pangyayaring yan almost 2days na akong napupuyat, although ndi ko naman sya iniisip eh bigla syang pumapasok sa isip ko lalo na kapag nagising ako sa madaling araw, talagang naglalaro sya sa isipan ko, kahit pa iwaksi ko sya.
Nahihiya kasi talaga ako kay Mami dahil madami silang ginagawa sa school dahil nag magface to face classes sila, taz dumagdag pa ako na napakasimpleng problema lng naman, so gusto ko malaman nya ung buong history, kasi baka mamaya iniisip nya na hindi ako marunong maghintay na iabot na lng sa akin, eh ndi naman ung ang point ko dun.
Then ramdam ko din ung coldness ng mga anak ni Mami sa akin, ewan ko ba kung paranoid lang ako or ewan, pero kilala ko sila na kapag kumakain sila ay nag-oopen si Mami minsan ng mga issue at minsan ang mga bata din, kasi nakakasabay ko din silang kumakain madalas at open din nman sila kahit andun ako nag-uusap sila sa mga bagay bagay. So ako ngaun ay paranoid or nag-oover think lalo at ndi naman nila alam ang side ko sa issue na yun, at isa pa ay ung dayo lang ako dito sa lugar na ito, samantalang yun eh matagal na nilang kapitbahay, asawa ng pamangkin ni Mami, katu-katulong nila sa bahay nila or minsan utusan din. Kya nagiging paranoid ako, dahil ayoko ng may mga issue sa ibang tao lalo at wala akong pamilya dito na malalapitan.
Kaya ngaun, eto todo isip ako kahit naman iwaksi ko ay pilit pa rin pumapasok sa isip ko, sa gabi bago ako matulog ndi ko sya naiisip, pero sa madaling araw kapag nigising ako, ayun andyan na naman sya hanggang sa ndi na ako nakakatulog hanggang umaga.
Ako kasi ung tipo ng tao na mabilis maapektuhan ng mga pangyayari at ung hiya ko ay matagal mawala, kahit pa ndi ako ang may kasalanan. Kaya hangga't kaya kong makisama, eh nakikisama talaga ako dahil ayoko ng may issue sa ibang tao dahil ang laki ng epekto sa akin. At ndi rin ako ung tipo ng tao na nag-oopen sa family ko ng mga nangyayari sa akin dahil ayokong isipin nila na nahihirapan ako or my pinagdadaanan ako.
==
Pasensya na kayo sa article ko ngaun ha, pero totoo talaga na apektado ako ng pangyayaring yan, at grabe ung hiya ko ngaun kay Mami, kanina niyaya nya si Adrielle mag-aalmusal daw, basta andyan si Mami talagang niyaya nya si Adrielle kumain dahil alam nila na magana syang kumain, pero dahil nahihiya nga ako sa pangyayari at nagbobmba ako sa poso ndi ako nalingon kay Mami at buti na lng busy din si Adrielle maglaro kaya ndi sya nagyaya sa bahay ni Mami.
My lovely sponsors, and I want to thank my newest sponsor @Fash_Tioluwa thanks brother for filling my blocks.
Ganyan din ako sis grabe mag overthink kahit minsan mali na yung hinala ko pero nangunguna yung advance mag isip kaya kailangan din minsan e control natin sis.