Linyahan ni Mudra
May 17, 2022 14:09 pm
Nung bata tayo gasgas sa mga pandinig natin ang mga linyahan ni mother dear, at halos memorize na nga natin kung saan banda nila ipapasok ang mga banat nila kapag pinagsasabihan or nagagalit sa atin, at inuulit na din natin ito sa isip natin diba(wag magdeny).
Pero kapag naging ina ka na pala talagang darating sa point na kailangan mong sabihin ang mga salitang yan para matuto sila or matauhan na ndi porke malaki na sila ay sila na lagi ang tama, dahil need pa din nila ang gabay nating mga magulang nila.
Ngaun may anak na ako at kasama sa buhay(ndi pa kasal kaya ndi pa asawa✌️)may mga salita na ako dyan na ginagamit ko sa mag-ama ko lalo n kapag naiinis ako.
At dahil 3years old pa lang naman ang anak ko kaya piling pili pa ang mga sinasabi ko at yan nga ung may dalawang bilog na yellow.
Sa paanong paraan ko yan sinasabi?
Para kayong may katulong ha!
Nasasabi ko yang salita na yan sa mag-ama ko kapag sobrang kalat ng bahay taz nakikita ko silang dalawa nakahilata lng sa higaan, or kaya naman tulog si partner dahil lasing nung gabi taz si Adrielle ay todo ang kalat habang nakatabi sa tatay nya.
Mainit kasi talaga ang ulo ko at ramdam ko ang pagod kapag ung gawa ka ng gawa taz may nakikita kang nakahilata or tulog sa kwarto dahil sa kalasingan at ndi mo maaasahan sa gawaing bahay or kahit pagluluto man lng dahil sasabihn sayo masakit ang ulo.
Kaya kapag ganyan ang sinasabi nya sa akin taz puro kalat ang bahay ay talagang nakakapagsalita ako ng para kayong may katulong ha! Minsan ang ginagawa ni partner sya na nagliligpit ng kalat ni Adrielle.
Anak ka talaga ng tatay mo!
Ito naman nasasabi ko itong salita na ito sa kanila dahil din sa kalat, or minsan sa mga pagkain na kinakain nila.
Hindi naman sa pagmamalinis, ako talaga hangga't kaya kong maging malinis ang bahay kahit may bata ay ginagawa ko, kasi nga mabilis ang langgam dito sa bahay namin taz minsan nakikita ko si Adrielle pinupulot ang mga nakikita nya, if tingin nya pagkain un, isusubo nya yan kaya gusto ko hanggat maari malinis kahit medyo maduming tingnan.
Kaso minsan itong si partner may pagkaburara talaga na ung balat ng pinagkainan nya basta lang isisingit kung saan taz kapag nakita naman ng anak ko, titingnan kung may laman pa, at kapag nakitang laman kahit mga durog pa yan naku kukuhanin pa yan at isusubo. Kaya yan sinasabi ko ay naku anak ka nga ng tatay mo!
Yan dalawa lng ang napili ko kasi ndi pa naman applicable ung ibang mga salita sa anak ko dahil napakabata nya pa, nakokontrol ko pa sya pagdating sa celphone, sa pagsagot naman ndi pa din sya masyado kasi nga bata pa medyo wala pa daw guts na maging palasagot. Pero syempre minsan if kapag nakikita nila yan sa paligid ay baka ma-adopt din nila habang lumalaki sila, kaya dapat bata pa lng nasasawata na din natin.
Yan ay nasave ko nung mothers day kaso ndi ko nagawa kaya ngaun na lng total naman month of May pa din pasok pa din sa mothers month kaya keri lang diba. Kesa naman tumunganga lang ako habang tulog si Adrielle sayang naman kita ko, kaya ginawa ko pa din.
Legit to hahaha talagang minsan inuunahan ko na si mama sa sasabihin nya na para kayong may katulong hahaha.