Flashback Friday
February 25, 2022 13:31pm
Isang mapagpalang araw sa ating lahat, long weekend tayo ngaun dahil sa EDSA day which is non working holiday, pero may iba pa rin na need magreport sa trabho pero may additional pay naman sila. Pero syempre kapag full time mom ka no holidays at all at wla din extra sulit si Mister/partner sayo kahit magtrabho ka all day sa bahay, yan ang reality ng buhay, minsan nakakapagod pero masaya din naman. Dahil hapon na, ibig sabhn nap time na ng anak ko at oras na para gumawa ako ng artikol ko, at habang nagsusulat, eh may kutkutin ako para malibang ang utak ko at magfunction haha, minsan kasi kapag gutom tayo ayaw din tlga gumana ng isip natin, at andito ako sa duyan nakahiga, nilalamig kasi ako sa kwarto gawa ng electricfan kya dito ako sakto lng sa pakiramdam.
Habang naglunch kami kanina around 11am, ung kapitbahay namin nagvideoke, then ang kinakanta nya ay ung song na CHIQUITITA, maganda yang song na yan kahit sobrang luma na, at habang naririnig ko sya naalala ko nung kabataan ko sa probinsya namin.
Story telling
Tanda ko nung bata kami, isa kami sa belong sa poorest of the poor, as in wala kaming tv, radyo lang ang meron kami ung AM/FM lng ha, taz minsan komiks ang libangan namin.
Ngaun may kapitbahay kami na, medyo high profile ang family nila, tho ok naman relationships nmin bilang neighbor pero iba talaga ang ugali nila dahil sila ung nakaka-angat sa buhay, ung Head of the family(Tatay)ay mataas ang posisyon sa bangka, ndi ko tanda ung right term basta ang tawag sa amin piloto sya pero sa mga bangka, malaking bangka un pero ndi barko, ung mga ginagamit ng mga mangingisda na dumadayo sa ibang lugar, kya naman nakaka-angat sila sa buhay, maganda ang bahay kumpleto sa kagamitan, may pinag-aralan ang mga anak mostly teacher ung mga anak na babae, magagaling silang kumanta at yan ang bonding moments nila ang kumanta at madalas ung CHIQUITITA song ang kinakanta nila.
Mabait ung head of the family, pero si mother ay may angking ugali na mapagmata, lalo na sa mga manliligaw ng anak, gusto nya tlaga may pinag-aralan, then itong mga anak na babae namana din ang ugali ng mother nila.
Then hanggang nagsipag-asawa na paisa-isa ung mga anak, kapag mahirap lng ung napapangasawa ng mga anak nya tlgang pinapakita nya na ndi nya ito gusto, kya naman ung panganay mas piniling lumayo sa knila. Then ung pangalawang anak naman lalaki nakapag-asawa dun sa dinayuhan ng bngka nila, ndi din nagustuhan ng magulang kaya nung inuwi sa sa knila, parang ginawang katulong sa bahay, pero mabait ung babae, nakisama sya kahit hirap na sya, then minsan sa bahay namin sya natutulog sa tanghali para makapagpahinga. Then nagkasakit ung anak nilang lalaki at nmatay ndi pa din nagbago ung treatment nung mother in law sa knya at lalo sya inalila, hanggang sa nagdecide sila na umuwi na sa probinsya nila kasama ang mga bata, at yun ndi na sya nagdecide bumalik sa bahay na un, kahit during death anniversary nung asawa umuuwi sya pero ndi sya dun tumutuloy.
Then the next thing naman is uung pangatlong anak na babae, ok naman buhay ng napangasawa nya, pero at the end naghiwalay sila at nakahanap ng ibang babae ung lalaki kasi inayawan nya ung ugali ng asawa nya na matapobre din.
Then ung isa pang babae na teacher din, nakakuha din ng asawa pero ndi din bet ng magulang at ndi din nagkatuluyan taz nagkasakit ung babae hanggang namatay sya, then ung last na dalawang bunso ayun lng ang medyo maganda ang maging status ng buhay.
Nung namatay ang head of the family marami ang nakiramay at nalungkot, then since may sari-sarili ng pamilya ang mga anak naiwan na mag-isa ang nanay ayun, sobrang lungkot nya kasi walang gustong makisama sa knya kahit mga anak nya kasi lagi silang nag-aaway. Hanggang ngkasakit sya at namatay.
Pero ung mga taong parte ng pamilya nila inalipusta nya, ndi nakiramay sa kanila, malaki ung hinanakit sa pamilya nila, dahil pati ung mga anak naging ganun din ang ugali.
==
Ang realization ko dito sa ngyari sa knila, talagang lahat ng bagay ay may karma, ng dahil sa pang mamata nila nung mga panahon na maayos ang estado ng buhay nila, bumalik din sa pamilya nilang bad karma, out of 6 na anak tatl lng masasabi mong naging maayos ang pamilya, oo maganda din naman buhay nung isa kason hiwalay naman sa asawa, taz ung panganay naman mas pinili na malayo sa knila para sa katahimikan, then ung isang asawa ng kuya nila ayon tuluyan ng lumayo sa kanila, tho ung mga pamangkin naman is nakakausap at minsan nakakasama nila minsan cguro out of respect na lng din.
Kaya dapat talaga matuto tayo sa buhay na lahat tayo ay pantay pantay lang kahit pa ang status natin sa buhay ay nakaka-angat dahil hindi natin alam kung kailan babalik sa atin ang karma ng mga actions natin.
Yun lamang ang aking artikol ngayon. Salamat sa pagbabasa at pag-iwan ng komento.
To all my sponsors thank you so much for the love and support❤️💚❤️.
Kung ano talaga un itinanim mo or pinakita mo sa kapwa mo eh un ang balik sayo.. Ahay, kawawa nmn sya kasi sa dami ng anak nya eh walang gusto makisama sa kanya. Kaya daat talaga eh maging mapagkumbaba at mabait palagi..