Mapagpalang Araw po sa ating Lahat! Sana ay laging mabuti ang ating mga pangangatawan at umaapaw ang mga biyayang natatanggap natin mula sa atung Maykapal.
Dahil ilang araw ng halos ayaw gumana ng isip ko sa pag-eenglish kaya tagalog muna tayo, ito naman ay tinatanggap ni rusty ang importante may puso ang mga articles natin, di po ba? Ang artikulo ko ngayon ay isang simple article lang pero nakakataba ng puso, para sa akin po ha, ewan ko lang sa mga magbabasa, hehe, sana maramdaman nyo din ung puso ng article ko.
Umuwi si partner galing trabho para magtanghalian, at lagi yan sinasalubong ni Adrielle, kapag may nangyayari sa bahay or lumalabas kami or kumain sya ng candy, chocolates or lollipop isasalubong nya agad yan sa pamamagitan ng kwento nya, grabe yung excitement nya sa pagkwento, ganun sya kadaldal, kaso ngaung araw ndi kami lumabas or wla syang kinain na iba kya sumalubong lng sya. Pagpasok ng tatay nya sa pintuan binati nya lng TATAY, eto pa lang si partner may dalang laruan na parang maliit na truck, napulot nya daw yun at nalinis nya na sa trabho, bago nya inabot kay Adrielle niliguan nya ng alcohol tuwang tuwa si Adrielle, sabi sa tatay nya THANK YOU, WELCOME taz pinagmalaki sa akin, MAY KOTSE AKO GALING KAY TATAY sabi nya sa akin, taz nilaro na ng nilaro, nakakatuwa lang isipin na pinulot nya pa ung laruan para maibigay sa anak nya, kung tutuusin madami naman laruan ung anak nya dito sa bahay, cguro gusto nya ipasalubong kay Adrielle.
Si partner ndi sya taong bahay, mas pinipili nya pa na tumambay sa labas kesa sa loob ng bahay namin, kasi ang rason nya wala daw kikitain sa loob ng bahay, tama naman sya dun, kaso minsan talaga mas mahaba pa ung oras nya sa inuman or tambay sa labas kesa makasama kami. Pero kapag naman yan nasa loob ng bahay at ndi sya lasing, naglalaro sila ni Adrielle at talagang spoiled nya si Adrielle, lahat ng hinihingi nyan na ndi ko binibigay kapag sa tatay nya nakukuha nya lahat kaya kapag andyan tatay nya lagi syang nakapulupot kay tatay nya, nakakahawak sya ng celphone ng ndi nya pa oras, ung mga laruan na ndi ko pinapalabas sa knya kinakalat nya, as in sobrang kalat ng bahay namin kapag silang dalawa ang magkasama.
Pangwakas
Natuwa lang ako sa gesture ni partner ngaun kasi bihira nya tlgang bilhan ng laruan ang anak nya, kumbaga sa akin nakadepende kung magkakaroon ng laruan si Adrielle kasi ako madalas bumibili, pati mga gamit nya. At isa pa sa natutuwa ako kay partner ngaun mula ng nabakunahan ako talagang nakaalalay sya sa akin sa mga gawain, madalas deretso bahay sya pagkatapos ng trabho ndi gaya dati na minsan patulog na kami kapag uuwi yan, sana nga magtuloy tuloy na ung pagbabago nya haha.
Hanggang dito na muna uli, sana natuwa kayo sa article ko kahit mukhang ewan lang hehe. Salamat sa lahat ng readers, upvoters at commenters sana wag kayong magsawa hehe.
Sa mga sponsors ko salamat din po sa walang sawang pagtitiwala, kayo ang inspirasyon ko.
God Bless Us All !
🌹Annie Marie🌹
2021.10.21
Super happy siguro ng anak mo sis. I remember having to recv the very first dress my father bought for me when I was in grade 3, I was so happy. I even kept it til today. He's gone already but the dress is still in my drawer.
Yung papa ko, very drunkard person siya tapos ma hilig pa talaga sa gambling but he's a good father to us.
Sana your husband will change little by little each day.