Ang TUTI ni TOTI....

2 20
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Tulooong .. tulooong…Asan na ako? Asan na ako? .. sabi ng isang bata, payat , sira –sira ang damit at napakadungis.Siya ay si Toti na tumakas sa isang bahay ampunan. Sakanyang pagtakbo, lakad ay nabangga siya ng mag asawang Juan at Nita at siya ay inaalagaan ng magasawa.

Sshhh..shhhh.shhhh…Isang kaluskos ang narinig ni Toti sa kanilang bakuran habang siya ay naglalaro.Si toti ay isang batang pasaway ,hidni marunong sumunod sa kanyang tumayong magulang. Siya ay hindi pumapasok sa paaralan dahil siya ay tamad. Nang Mapansin nito ang kumakaluskos agad niya itong pinuntahan. At nakita niya ang isang maliit na hayop na kulay berde.

Nang ito’y kunin niya bigla na lang siyang nagulat ng magalita ang pagong.

“bata maaari mob a akong bigyan ng tubig uhaw na uhaw na kasi ako’ aniya ng pagong.

Dali dali namang nabitawan at napatakbo sa loob ng bahay si Toti dahil sa takot..

“ nay! Itay ! “ sigaw ni toti.

Ano yun ? ano yun ? ang wika ng kanyang ama.

“mmmmmaaaayy pagong pong nagsasalita sa bakuran natin! Utal nitong wika.

Hindi naniwala ang kanyang ama kaya naman tinungo nila ang lugarkung saan ito nakita ni toti.

Nang sila’y makarating sa bakuran ay nakita nila ang pagong na nanghihina ngunit ito’y hindi naman nagsasalita.

Hello pagong hello ?? wika ng kanyang ama ngunit wala itong narinig na isang salita.

Oh toti akala ko ba’y nagsasalita ito hindi naman pala ?. yan na nga bang sinasabi ko sa iyo wag kag masiadong manuod ng walang kabuluhan ? wika ng kaanyang amang galit at ito’y umalis na.

Muli namang kinuha ni Toti ang pagong at ito;y kinausap niya.

“bakit hindi ka nagsalita sa harap ni itay? Wika ni Toti.

“kahit magalita ako hindi din nila ako maririnig tanging ikaw lang ang makakrinig saken” wika ng pagong.

“ang pangalan ko nga pala ay tuti”sabi nito.

“ ako’y pinarusahan dahil sa masama koong ugali kaya ako napunta rito” wika nito.

Araw ng sabado ginising si toti ng kanyang ina dahil ito’y magpapatulong na maglinis ng kanilang bakuran .

“ Toti gising na anak tanghali na” wika nito

Nagising naman ito agad at sumagot. Dahil nga galling sa isang ampunan iba ang kanyang paguugali kaya naman hirap ang kanyang mga tumatayong mga magulang.

“ mamaya na po ina’y inaantok pa po ako” sabi ni toti

“lagi ka na lang ganyan kapag nagpapatulong ako sa iyo napakatamad mong bata” sagot naman ng kanyang ina.

Hindi Marunong tumulong si toti sa gawaing bahay .

“toti gumising ka na riyan at tulungan mo ang iyong ina sa paglilinis wag kang maging tamad na bata dahil lahat ng nakilala kong tamad ay pinarusahan kaya ako ngayun nandito .

“Ano bang sinasabi mo diyan? Hayaan mo silang magtrabaho diyan, kayang kaya na nila ang ganyang mga trabaho “sagot ni Toti

“Hihinatayin mo pa bang may mangyari sakanila bago ka kikilos diyan? Wika ni tuti.

Dahil ang mag asawa ay palagi sa bukid, nagkaroon ng sakit ang kanyang ama na si Juan.

Lahat ng trabaho ay ginagawa nang kanyang Ina hirap na hirap ito sa gawain sa bukid at maging sa kanilang bahay.Hanggang sa maging ang kanyang ina.

Nabahala si tuti sa nakikita niya sa ipinapakitang ugali ni Toti.

Toti halika at tayo’y maglakad lakad. Habang sila ay naglalakad, nagsalita si tuti. “Toti hindi k ba naawa sa nanay at tatay mo?hindi mo ba nakikita ang sakripisyo niLa sa iyo?natigilan si Toti sa sinabi ng pagong sakanya. Isipin mo ang isang itlog na sa panlabas na anyo ay matigas ngunit sa kabila nito ay may malambot na katangian sa loob nito. O isa kang carrot na habang pinapakuluan ay lalong tumitigas.isipin mo kung alin ka sa dalawang yan toti”

Bigla namang napaisip si toti sa sinabi ni tuti na ito ..

Kaya simula noon ay natuto na itong tumulong sa kanyang magulang at hindi na naging pasaway pa.

Tuwang tuwa naman ang kanyang magulang sa pagbabagong nakita nila sa kanilang anak

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa hanggang sa pagpasok sa paaralan ni toti ay lagi niya na itong kasama ..sa lahat ng oras ay lagi silang magkasama ..

4
$ 0.07
$ 0.03 from @ARTicLEE
$ 0.02 from @Zcharina22
$ 0.02 from @Pachuchay
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Comments

Ang ganda ng kwento. Dapat may visual to para mas maganda,hehe

$ 0.00
3 years ago

Ang cute ng title at cute din ng kwento :)

$ 0.00
3 years ago