Hi guys! I need your ideas po on what to do. Nung una, yung mother in law ko, super bait sakin. Ang term niya pa nga eh, "Tadhana talaga tayo". Pero as time pass by, lalo na ngayong kalagitnaan ng pandemic, bigla na siya naging bitchy. Samples are:

  1. Lagi nya ko sinasabihan ipagluto anak niya. Which is automatic ko naman talaga ginagawa kahit di nya sakin sabihin. Then pag may natira sa luto ko, kahit sabaw na lang, itatago nya yun sa ref instead itapon na sana. Kakain nya daw. Pero after 2-3 days, itatapon naman nya tas sasabihin nya sakin nagaasayang ako pagkain.
  2. Pag magluluto ako, nahiuirapan ako magtantya. Kc I cook good for 3. Siya, ako, tska yung hubby ko. Pag nagluto ako ng may sobra refer to number 1. Pag nagluto naman ako na walang sobra, sasabihin nya ginugutom ko anak niya.
  3. When I cook for her pag kaming dalawa lang naiiwan sa bahay, super konti lang ng kinakain niya, like ilang kutsara lang talaga. Tas yung tira tira nya pag napanis sakin sinisisi na nagsasayang daw ako pagkain.
  4. In everything, lagi niya ko kino-compare sa ex ng hubby ko. Sa gawaing bahay, sa pananamit, sa life status, etc. Lahat na lang ng aspeto napapansin niya tas iko-compare niya ko sa ex ng hubby ko.
  5. Lagi niya ko sinasabihan na magbuhos ng bowl every after ko umihi. Which is ginagawa ko naman talaga kahit di niya sabihin. Pero madalas pag mag-cr kami ng hubby ko, may lumulutang na jebs sa bowl kahit di pa kaming dalawa nag-cr.
  6. Minamaliit niya family ko. Kc galing ako sa broken family and hindi kami mayaman. Hindi daw magaling sa buhay parents ko. (Siya din naman hindi sila mayaman.)

Marami pa pong iba. Ilan pa lang po yan. Di ko po alam kung anong gagawin ko sa kanya. Minsan nga po gusto ko na lang magkulong sa kwarto namin ng hubby ko para di nya ko mapansin.

Any advice to do po?

1
$
User's avatar
@Yash posted 4 years ago

Comments