ANG IMPORMASYONG NAKAPALOOB SA LEAFLET NA ITO AY PARA SA TAMANG PAGSUOT NG FACEMASK AT ANGKOP SA KONTEKSTO NG ISANG PAMAYANAN. Siguraduhing ang piniling proteksyon sa paghinga ay lapat sa iyong mukha! ■ Ang dekalidad na facemask ay may flexible metal nose clip, adjustable straps, at foam sa gilid nito na makatutulong sa paglapat sa mukha.. ■ Kung tama ang lapat ng facemask, dapat selyado ang paligid nito para walang makapasok na anumang hangin sa gilid ng mukha. ■ Siguraduhing ang eye glasses o goggle frames ay hindi makakasagabal sa pagkalapat ng facemask sa mukha. ■ Maaaring hindi mabisa ang facemask kung may bigote o balbas, sapagkat hindi matatakpan ng facemask nang husto ang mukha. ■ Maaaring magpatong ng karagdagang tela sa ibabaw ng facemask upang dagdagan ang bisa nito laban sa abo. Ngunit maaaring hindi ito magiging komportable,huwag itali nang mahigpit upang hindi makasagabal sa paghinga.
5
$
@ErlindaCruzat
posted
4 years ago
salamat po sa impormasyong iyong ibinahagi.