read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ang ka isa isang alahas naiwan ng mommy ko kaya iniingatan ko to. Bago sya pumanaw binigyan nya ako ng singsing at itong bracelet. Sadly, yung singsing naisangla ko noon pa doon sa Cebu at hindi ko natubos dahil nandito ako sa Luzon. Ngayon, papunta ako sa M. Lhullier para isangla muna ito. May kailangan kasi ako bayaran na Real Property tax ng bahay ko doon sa Cebu. Hindi ko na kasi nabayaran sa loob ng 7 taon, mula nung nandito na ako sa Luzon nakakalimutan ko na ang pagbayad. Kahapon may inutosan ako para mag tanong sa treasurer's office kung magkano na ang bayaran. Naku po! umabot na ng 12,809pesos. Pero thanks God at makakahabol pa sa deadline ng Estate Amnesty Program, makaka avail pa ako pero until June 30, bukas na lang. Ang laki din ng discount pag maka avail.ng Amnesty Program, from 12,809 ay 7,973pesos na lang ang mababayaran ko kaya dapat maisangla ko to ngayon at ipadala ang pera doon sa inutosan ko magbayad. Kung mataas lang sana ang BCH ay di ko na to isasangla. Nahihiya din ako kay D'one na mag withdraw sa savings namin, yung property kasi ay sa akin lang hindi pa kami nagkakilala ni D'one. Naisipan ko na lang isangla muna itong alahas, sabagay kay D'one rin naman pera itutubos dito hehehe Sige guys.. aalis muna ako ..babalikan ko kayo mamaya..Sana may pundo na ft ma pagbalik ko.. enjoy your breakfast noisemates! katatapos ko lang din mag almusal.:)

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.