read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Hapunan ko na to, alanganin na kasi na meryenda hehe... Kararating lang ni D'one at may dalang burger. Ang sarap pa naman nitong burger king, mas gusto ko to kesa Mcdo at Jobee kasi grilled sya tas di pa maalat. Kumusta na noisemates? tuloy pa ba ang ligaya natin dito? hahaha marami akong na miss na noisemates, di ko na nkikita o baka ako lang ang di nagpapakita haha.. Ewan ko ba, isang post na lang ang nagagawa ko sa loob ng isang araw. Parang kailangan ko ng inspirasyon para ganahan sa pagsulat. Siguro pag tumaas ulit ang BCH tiyak maiinspired ako mag ingay hahaha... medyo lang nakakawalang gana minsan kung kelan naka 1BCH na at sya pang pagbagsak ng halaga ng bch huhuhu ang tagal na nyang pababa ng pababa. Pero hold pa rin kasi darating ang araw at tataas din yan, ganyan talaga ang crypto parang life, sabi nila life is like a wheel minsan nasa taas minsan nasa baba :D Teka ubosin ko muna ang pagkain ko..hehe magandang gabi sa lahat! :)

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.