Meron pa ba gising dyan? tara kwentuhan muna tayo bago matulog hehe .. di pa ako dinadalaw ni Mang Antok eh, natulog kasi ako kaninang hapon. Hindi na sana ako sisilip dito, pero meron akong kwento. Kinabahan ako kanina kanina lang nang e check ko ang coins.ph wallet ko. Sabi kasi verified your region daw kaya clinik ko ang Philippines Flag tas.pinapa log in. Una kinabahan na ako baka kako hindi ma log in. At yun na nga nang i type ko na ang log in details ay hindi daw nag match ang password. Naku po! tabang mananabang! hahaha log in ulit ako, dahan dahan ko tinype ang password .. Hala ayaw pa rin, mas lalo aoo nanerbyos. Chineck ko isa isa ang password, ayun! kulang ng isang character .. hayyyy talaga pag nauna ang nerbyos nagkakamali tuloy...haha akala ko di ko na maopen ang wallet ko. Yan din ba ang coinsph wallet mo? verified your region din? sakali ganyan din, dahan dahan lang din pag type ng log in details at huwag ma nerbyos hahaha.. Napaka nerbyosa ko talaga oo... O sige na noismate matulog na tayo. Share ko pala itong larawan ng Our Lady of Manaoag. Kuha ko yan nung pumunta kami sa Pangasinan. Meron akong reels nyan sa IG at Facebook, baka kako dumaan sa mga reels na pinanood mo. Pag nakakita ka ng ganyang reel tas ang audio ay Amazing Grace tas may kamay na naghahagis ng coins sa wishing well, ako yun hehe comment ka "hello noisemate at magpakilala ka ha para madalaw kita dito hahaha O sige na Good night na guys! matulog tayo ng mahimbing dahil babantayan tayo ng Panginoon at nitong our Lady of Manaoag.
No comments yet