Ito ang dahilan kung bat absent ako dito ng dalawang araw. Nahanap ko na kasi ang matagal ko nang hinahanap na mga free to edit videos. Nandito lang pala sa Canva. Ang saya saya ko noong Sunday ng matuklasan ko sa Canva na meron pala free to edit videos. Ito na ang gagamitin ko para sa music video ng song cover ko sa YouTube. Dati ay free to edit photos ng Picsart ang ginagamit ko para sa slideshow, subalit ngayon ay video na talaga ang ma view. Kaya mula noong Linggo ay sinimulan ko na ang pag gawa ng bagong music video gamit ang mga free to edit videos ng Canva at nakatapos na ako ng isang kanta, irereview ko na lang para sa final edit ng video at nang mai upload ko na sa YouTube. Hindi rin biro ang pag gawa ng music video na song lyrics, pero di rin matumbasan ang saya ko pag mapanood at marinig ko na ang gawa ko. Nakakatuwa lang at nakakawala ng homesick. Ang tagal ko na ginagamit itong Canva para gumawa ng design sa Redbubble pero hindi ko lang na explore ang lahat na features kasi naka focus lang ako sa photos. Nang may na pindot ako at nakita ko ang elements ng video ay agad ko sinubukan kung pwede ba ito ma download, una di ko alam paaano pero try and try lang hanggang natutunan ko na sa wakas.
1 comment
Mabuti sis may nakita kana nang ng eedit n video. Congrats