Hating gabi hindi ako mapakali dahil sa aking tiyan siguro nakatulog ako 1am na kaninang madaling araw at sobrang na stress ako kapag ganun kasi alam kong kinabukasan kulang ang tulog ko at hindi maganda ang mood ko noon. May ganun din po ba kayo ugali na kapag kulang ang tulog ay apektado lahat ng gawaing bahay patinsa sarili iritable ka.?
Ganun kasi ako kaninang umaga, nagising ako before 7am so yun nga po mabigat ang aking ulo na parang ang hirap idilat ang mga mata at pati katawan ayaw makisama. Pero pinilit kong bumangon para sa ekonimiya. And itong araw na ito nka plano kami na pupunta ang aking bestfriend para magkkwentohan simula umaga andito na sila. So before 8am dapat nkaluto nako ng almusal namin at nka pag handa na ng ibang lulutuin para sa aming tanghalian. Bumili ako sa labasan ng sariwang isda galungong at may nakita akong talong bumili din ako para ipartner sa isda at magsasabaw din ako para sa mga bata. Pag dating ng 8am hindi pa ako tapos sa gawain ko kasi kilangan ko pang magligpit,maglinis,maglinis ng cr magwalis sa labas. Gahol ako sa oras kapag 7am na ako nagigising. Usu6 kapag bumibisita si bes ay 6am ako daoat gigising. Kaso nga ay late akong nakatulog kagabi. Kaya no choice maghanda parin, ambagan kami sa ulam at snacks kaya wala nman masasabi sila mama kapag pumupunta sila bes dito sa amin. At palagi nman siyang may pasalubong sa mama ko kung hindi mga gulay ,mga halaman kasi un lang ang paborito ng mama ko na pasalubong galing kay bes, hehhee.
Pagdating nila sakto paluto na ang aming agahan at nagsimula na magingay si bes nasa gate palang siya. Kaya alam kong dumating na ito, dahil sa madaming bug ng globe ang kanyang data halos umabot na sa 70gb ang kanyang data ay pinatay ko data ko at nakihotspot sa kanya hahaha. Nakakatawa kasi naantay namin tlga siya para makihotspot tipid tipid din kasi ako sa data. Mga anak ko kasi mahihilig manood ng youtube, kya madali maubos. Around 9am nag start nako mag luto inuna ko yung mga prito isda at yung talong. Tapos yung katuwang ko sana sa gawain ng araw na iyon ayon busy sa kanyang readcash at noise. So dahil mabait nman akong kaibigan hinayaan ko nalang siya kasi napakahirao naman talaga ng signal doon sa kanila nasa bundok na kasi banda ang bahay nila bes. Tapos mga 10 tapos nako magluto ng ulam saing at yung sabaw nalang ang aking lulutuin. Kaso madami ng hugasan at kilangan ko ng hugasan agad kasi gagamitin namin mamayang tanghali. Pero si bes hindi parin siya tapos sa article niya at talagang pagod na din ako ng time na yun kaya nahahalata niya na din kasi nkasimangot nako hahahha. Nong matapos siya saka nman patapos na din nman ako sabi niya ano pa ba daw maitutulong niya sagot ko sa pagkain nalang hahaha.
Ang maganda sakanya kasi pag alam niyang malungkot at na stress nako pinatatawa niya talaga ko at kahit nagtampo ko konti kanina nawala nman agad kasi nagkkwentohan kami maghapon, nood tv pagdating ng hapon kain lang kami pati mga bata ay tuwang tuwa na naglalaro lang sa loob ng bahay.
Masaya talaga ako kapag andito siya nawawala ang stress ko at pagod lalo na at wala akong makausap puro bata kaya kapag andito siya ay para kaming isang taon hindi nagkita sa haba ng kwentohan namin at bitin pa..
Hanggang dito nalang muna po readers,sanay inyong nagustohan maraming salamat po.!!
Date Published: September 21,2021
Naka relate ako sayo sis kasi ganyan din kami ng bestfriend ko.Kaya lang selosa yong bestfriend kong yon.Nasanay kasing siya lang lagi ang kinakausap ko at kapag may mga ibang kaibigan akong pumupunta sa amin.Ay naku baka makalimutan ko na daw na siya yong bestfriend ko.hahahahah