Join 100,607 users already on read.cash

My Ex-boyfriend is My Boss?(Part 4)

7 19 exc
Avatar for whitney123
Written by   50
1 year ago

Mark's POV: (Continuation)

After ng meeting ko. My brother sent me a message. Na nakakuha na siya ng aking secretary/personal assistant and I need to meet her at the office. So, after ng meeting bumalik na ako sa kompanya. Pero wala pa yung new secretary ko. Nasasayang oras ko sa kakahintay. Kaya, pumunta na lang ako sa Comfort Room para mag-ayos. Pabalik na sana ako sa office ko. Ng biglang may tumawag sa akin.


Part 1: https://read.cash/@whitney123/my-ex-boyfriend-is-my-boss-part-1-1c33c7dc

Part 2: https://read.cash/@whitney123/my-ex-boyfriend-is-my-boss-part-2-b0804d8f

Part 3: https://read.cash/@whitney123/my-ex-boyfriend-is-my-bosspart-3-3cc07c28


"Sir! Sir! Sir!" , pasigaw na tawag sakin ng isang employee ko habang tumatakbo papalapit sakin.

"Anong nangyari?", pagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sir, punta ka po sa baba", pahingal na sambit nito.

Agad naman akong sumunod sa kaniya pababa sa office. Pagdating ko sa lobby, may mga taong nagtumpukan sa labas malapit sa kotse ko. Tumakbo ako patungo doon. At bumungad sakin ang isang mensahe na nakasulat sa kotse ko na.... "HAYOP KA MR. MOKONG!" Nabigla ako kasi wala naman akong naka-away kanina. Umiba bigla ang mood ko ngayon. Nakaka badtrip lang talaga!

source: google

Kaya, tinawagan ko na lang si LEO para ipa carwash ang kotse ko. Bumalik na lang ako sa office at tinawagan ang nag momonitor ng CCTV para e trace kung sino yun. Hahanapin ko talaga ang sumulat ng ganun sa kotse ko.

Pagkaraan ng ilang minuto nandito nako sa tapat ng pintuan. Binuksan ko na ang pinto ng office ko. Atsaka bumungad sakin ang isang babae na nakahiga sa sofa.

source:google

Di ko makita ang mukha niya dahil may nakataklap na shoulder bag. Pero, parang familiar sa akin ang kaniyang suot na damit. Parang nakita ko na siya kanina, pero di ko lang matandaan kung saan. Hinintay ko na lang na magising ang babae. Di ko alam kung siya na ba ang secretary ko. Mukhang di pasado sakin kung siya ang magiging secretary ko, natutulog eh.

Ako'y nakaupo na sa aking upuan. Nang biglang gumalaw ang babae dahilan ng pagkahulog ng kaniyang sling bag sa sahig. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha niya. Magkahawig sila ni Beatriz! Yung ex ko way back college. She's my first love until now.

Di ko pa sigurado kung siya si Beatriz or baka magkamukha lang sila. Ako'y napakamot sa ulo at nilapitan siya. Nakita ko din ang isang folder sa bandang paanan niya. Dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan. Parang ito lang ang paraan para malaman ko kung sino nga ba siya.

Pagkakita ko sa Resume niya. Nahulog ko ito ng biglaan. Dahil, siya nga si Beatriz! Siya nga ang ex ko! Nilapitan ko siya ng malapitan. Napakaganda niya pa din sobra. Ako'y nakatitig sa kaniyang mahimbing pagkakatulog at parang napaluha ako. Bigla kong naisipan na itago ang mga frames ko sa office at ang mga nakapaskil na pangalan ko. Hindi muna ako magpapakilala na ako si Mark. Ang unang lalakeng umiwan at nagpasakit sa kaniyang damdamin.

Dali-dali na din akong umalis sa office. At nag-iwan ng sulat sa table. I also tell to my employees na wag muna akong tawagin sa pangalan ko. Just a "sir" is okay. And I change my name for a while. Baka, pagmalaman ito ni Beatriz na ako ang magiging boss niya. She will resign immediately. I still love her. Nasaktan ko lang siya dahil kay Rhea.

Beatriz's POV:

Ako'y nagising na at nagmasid masid sa paligid. Bumangon naman ako bigla dahil nasagi sa isipan ko na baka nandyan na si sir. Pagtingin ko sa phone para e check ang oras. Mag dalawang oras na pala ako nakatulog dito. Tumayo na ako at nakita ko ang sulat sa table. "Please,Leave Your Resume. Sleep Well"

Jusmeeyooo!! Parang natutunaw ako sa hiya dahil naabutan ako ni sir ko na nakatulog sa office niya. Di pa nga ako naka-umpisa ng trabaho dito. Tapos, napahiya na ako habang tulog. Apaka malas ko namaaaannnnnn!!


Next for Part 5 .......

Nagsasagap pa ako ng mga readers. HAHA. Mukhang wala kasing readers. Pero choks lang. Habang sinusulat ko to. Parang ina-act ko pa. Hahahaha. Monologue lang ang peg.

Thank you all for reading. Don't forget to read part 1-3 before reading this. Comment below if inaabangan mo ito. Para ma mention kita sa next part. Mwapps!

@whitney123

2
$ 0.90
$ 0.80 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Lunah
$ 0.03 from @ARTicLEE
+ 1
Sponsors of whitney123
empty
empty
empty
Avatar for whitney123
Written by   50
1 year ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ahay kakahiya ka Beatriz haha! Pero lab ka pa daw ng Mark mo :D :D

$ 0.01
1 year ago

Sana lahat lab pa ni Mark. Awwssss. Charootttt. Hahahahaha😂😂😂

$ 0.01
1 year ago

Luh totoo na yan? May Mark ka ba sa totoong buhay? :D

$ 0.00
1 year ago

Nagbabakasakaling magkaroon ng kagaya ni Mark sa totoong buhay. Hahaha😂😂

$ 0.00
1 year ago

Sana ol na lang talaga destinyyyyyyy!!! Hahaha. Napahiya si Beatriz. Maganda next part neto😆. Sana ol Mark. Yieeeee😍

$ 0.01
1 year ago

Sana lahat talaga mahal pa ang ex😂😂hhahahahaha..

$ 0.00
1 year ago

Sana ol may jowa ate whit😅

$ 0.00
1 year ago