Hi guys. I haven’t update the part 3 of it yesterday, because, I published another article. Hehehe. So, here it is. You can continue reading the Part 3. But, if you haven’t read the part 1 and part 2 of it. You must read it first. This are the links.
Link 1: https://read.cash/@whitney123/my-ex-boyfriend-is-my-boss-part-1-1c33c7dc
Link 2: https://read.cash/@whitney123/my-ex-boyfriend-is-my-boss-part-2-b0804d8f
So, this time I write it in Tagalog version. Mas better kasi if Tag-lish (conyo nga lamang). Hahaha. Mas maintindihan niyo ang flow ng story. English palaka kasi ako when it comes in writing fictions. HAHAHA. In short nahirapan ako sa part 1 and part 2 sa pag express ng emotions. Lol.
Continuationnnnnnn……(PART 3)
Bigla kong nakita yung kotse na muntik na ako masagasaan kanina. Tapos tinapunan niya lang ako ng pera. Tsk! Pati pa naman dito makikita ko siya. Aiggooooo. Napakamalas naman ng araw ko ngayon. Kung saan na magpapasa ako ng aking resume sa new work ko. Ehh, susulpot pa tong mokong na to. Haysstt. Sayang lang yung porma ko today (Sabay kamot ng ulo). Bumaba na siya sa kotse niya tapos may mga bodyguard na lumapit. Grabeh! Napaka-cool niya masyado. Parang oppa! Hahaha. K-drama lang ang peg. Syempre, di ko papalampasin ang trahedyang nangyari kanina sakin. Kahit tinapunan niya pa ako ng pera at kahit nabusog pa ako sa pera niya. Pero, muntik na ako mamatay noh.. Ako kaya si Beatriz! Matapang ako at anak ako ni aleng Maricris. Mataas fighting spirit ko! Kaya, humanda siya sakin. (Sabay tawa ng malakas). Nagtinginan lamang ang mga taong dumaan sa gilid ko. Pero tinarayan ko na lang sila at ibinalik ang tingin sa mokong na yon.
When the time that tinanggal niya na ang shades niya. Medjo familiar ang mga mata niya. Parang nakita ko na ata siya noon? Sa CR? Charoot. HAHAHA. Pero, di ko lang matandaan. Well, pumasok na siya sa company, bukod sa mabilis magpatakbo ng kotse, eh pilingero din pala. Feeling may-ari ng kompanya dahil sa suot niya. Lol
Pagpasok niya sa kompanya. May naisip akong kalokohan para makaganti sa kaniya. Pero, nagmasid-masid muna ako sa paligid if may mga taong tumitingin o dadaan sa paligid ko. Nasa loob si guard at medjo may kalayuan ang kotse niya sa door ng company at wala naman masyadong dumadaan. So, this is my time to shine mga ses! May lipstick ako sa bag ko, kaya sinulatan ko ng magic word ang magarang kotse niya. So, far, wala namang nakakita sakin. At success ang ginawa ko. BWAHAHA..
Dali-dali akong nag-ayos ng skirt ko at pumasok na sa company. Dahil sa kalakihan ng building, di ko alam kung saan ako patungo. Syempre, kahit nalilito ako kung saan ang office na pupuntahan ko, chill chill lang muna. Dahil, nakaganti na ako sa mokong na yon. Ng bigla kong naisip na baka mamukhaan niya ako dito palakad-lakad. Wag tayo padalos-dalos mga sis. So, nagtanong na lang ako sa trabahante doon kung saan ang office na papasahan ko ng mga requirements. At agad akong tumungo doon. Wala namang may pumila, at busy ang mga employees doon.
So, kumatok na lang ako sa pintuan, sabay sabing, “Excuse me po, Can I get in?”, na medjo kinakabahan.Binuksan naman ito ng lalaki. At nabigla ako…
Dahil isang unano ang bumukas ng pinto. Akala ko kasi multo dahil, di ko kaagad siya napansin. Nagtanong na lang din ako kung saan ko ipapasa ang papers. Sabi niya, pasok lang daw ako at maghintay lang daw muna. Dahil, may pinuntahan lang daw si sir. So, ayun nga, naka upo ako ngayon sa isang sofa. At naamoy ko na ang freshness ng aking future sa bagong boss ko. Pero, sana naman mabait at hindi ako pahihirapan sa trabaho. Sabi ng sir ko noon, malaki ang sahod ko dito. Kaya bahala na, basta kakayanin ko na lang. Malaki ang sahod eh. Pagkaraan ng ilang minuto, naka-feel ako ng antok at pagod kanina sa paglalakad at sa paghihintay sa sir ko ngayon. Tinanggal ko ang face mask ko at di ko namalayan, nakatulog na pala ako sa sofa.
(MARK's POV:)
Hi! I’m Mark Lopez Shikawa. So, kaninang umaga, dali-dali akong nag drive dahil may meeting ako sa ibang company. Pinasa kasi sa akin ni kuya ko ang pagpapatakbo ng kompanya namin because, he trust me na nasa tamang edad na ako para asikasuhin ito. He want to live his life with his family sa States. I promised to him and sa puntod ni dad na I will do my best para di mapabayaan ang company namin. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ng kotse. Muntik ko nang masagasaan ang isang binibini. Dahil, napakatanga tumawid sa daan. Puros cellphone lang ang inaatupag. I don’t approach her dahil, super late na ako sa meeting. Kaya, tinapunan ko na lang siya ng pera, which is wrong. I don’t have a choice to choose the choice. HAHAHA. Medj nalito din ako sa sinabi ko.
Anyway, after ng meeting ko. My brother sent me a message. That, he get me a secretary and I need to meet her at the office. So, after ng meeting bumalik na ako sa kompanya. Pero wala pa yung new secretary ko. So, I go to the Comfort Room para mag-ayos. Pabalik na sana ako sa office ko. Ng biglang…….
Pabitin muna tayo ha. Hahaha. Bukas naman ang Part 4 mga ka ses.
THANK YOU FOR READING. Hehe. Depende talaga kung ilang parts ang meron neto. Kung hanggang saan aabot ang imahenasyon ko. Hahaha.
Ano kaya ang next?
Ayos...parang un sa mga koreanobela lang. Parang bata lang sa lipstick e hehe.