Puyat man, kinakaya naman

9 42
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Puyat kami. Gumising na umiiyak ang bunso kong anak. Sumunod naman ang kuya niya. Dahil doon, ako ay puyat.

Para akong nananaginip hanggang ngayon. Dahil iyon sa puyat. Sa kabilang dako, nagiging makata nanaman ako. Hay... Buhay...

Sa kasalukuyan, aking kinukuha ang aking tulog. Pagkatapos ko itong ilathala ako ay magnanap. Pero kung gumising na ang aking anak bago man ako maidlip, ano pa nga ba, ganoon talaga.

Mainit ngayon at medyo maalinsangan kahit sabihin pa nating narito kami sa malamig lamig na lugar.

Walang kumot ang anak ko. Sana ay walang maglapastangang mga lamok para siya ay hindi disoras na magising.

Ako nanaman ay nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay.

Masaya ba ako ngayon? Ano kaya ang buhay ko ngayon kung aking sinunod so itay at inay na hindi muna mag-aasawa?

Pero nangyari na ang nangyari. Ang maaari ko lamang magawa sa ngayon ay ang magbalik-tanaw.

Ang tinahak kong landas, katulad iyon ng tinahak ng marami sa atin. Ako ay masigla sa paninimula ng aking pamilya. Alam ko na magiging puno ng mga agsubok ngunit ay tumuloy pa rin ako.

Napagtanto ko ang bigat ng responsibilidad ng isang magulang. Hindi ka pwedeng matutulog na lamang at baka Kung ano ang mangyayari sa iyong mga anak.

Noong hindi ko pa alam ang bigat ng pagiging magulang, hindi ko alintana ang maaaring magiging results ng aking pag-aasawa bang maaga.

Mahigit isang dekada na noong ako ay nakapag-asawa. Pagkalipas ng siyam na buwan, ako ay nagsilang ng sanggol na lalaki. Halos gusto ko bang umangal noong unang linggo bang pag aalaga sa sanggol dahil wala namang nagbababala sa akin sa magiging buhay pagkapanganak.

Oo nga naman, nasabi nga pala nila. Mahirap ang mag-alaga ng sanggol. Mapupuyat ka. Manghihina ka. Papangit ka. Di mo mamamalayan na wala ka palang ligo ilang araw na. Sa katunayan, mas madali nga mag-alaga ngayon dahil may diaper na. Di mo kailangang mag-alala kung maiihian ang tulugan.

Naranasan mo rin ba, ang postpartum depression?

Naranasan ko iyon. Ayon sa nasaliksik ko, umayon soon ang aking sintomas ng postpartum depression. Sa kabutihang-palad, ito naman ay bahagya lang. Kaya naman ay nalabanan ko.

Sa tulong ng aking mga kapatid at pinsan sa magkabilaang panig, nalagpasan ko ang postpartum depression.

Gayunpaman, hindi na maaaring makakabalik pa sa dati dahil oras na make anak ka na, pangangalagaan mo siya hanggang buhay.

Makalipas ang ilang taon, nasundan ang aking panganay. Kung Ang panganay ko ay puyat na ako, mas mahirap pa sa pangalawa ko. Mas iyakin. Mas demanding!

Ilang taon pa ulit at nasundan pa Ang dalawa. Mas tumindi ang responsibilidad at mas dumami ang aalagaan.

Kung salat ka sa pasensiya at pang-unawa, malamang ay masisiraan ka ng bait. Kaya naman din ay sobrang malaking tulong na nakarinig na tayo noon ng payo at kuwento tungkol sa pagiging magulang.

Gayunpaman, Hindi maikakaila ang aking pagkabigla sa hirap na aking dinaranas. Napagtanto ko na katulad din ako ng ibang magulang. Ganito pala talaga, mauunawaan lamang natin ang mga bagay-bagay tuwing tayo na Ang mismong nakaranas.

Ah... Tama nga naman, hintayin mo na ikaw ay maging magulang din bago mo lubos na maintindihan ang iyong tatay at nanay.

Nawa ay maging mapagmahal tayong lahat sa ating mga anak. Gaanoa man Tayo napuyat o nahirapan ay ganun talaga. Iyon ang mga bagay na nakalakip sa envelope ng pag-aasawa.

Magtiyaga tayong lahat, mga kapwa ko magulang. Puyat man Tayo at pagod sa trabaho, huwag nating ibunton ang mga problems natin sa mga bata.

Kayanin natin dahil iyon ang ating kailangang gawin. Huwag kang umiyak, ginusto mo iyan eh. Maliban na lamang kung ikaw ay nalagay sa alanganing sitwasyon noon. Gayunpaman, kailangang pa ring kayanin!

Ako ay sobrang puyat man pero kinakaya ko pa ring magsulat. Kailangang ko pa ring kumita. Maliban sa aking trabaho, kung maaari ay magsulat pa rin. Para na rin sa kalinangan ng ating talento.

Puyat man, kaya naman.

Ikaw, kaibigan kumusta na ang iyong pagiging ina, o ama, o parehas na ina o ama?

6
$ 15.00
$ 14.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ellehcim
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments

Hindi po talaga madali ang pagiging isang ina. Kakayanin ang lahat para sa mga anak. Mabuhay ang mga nanay.😊

$ 0.00
2 years ago

Nabuhay! Hehehe. Thank you.

$ 0.00
2 years ago

You're such a great parent po! I remember my sister, she got married early as well. Nakaranas din po say ng postpartum depression. Nakakaawa po pero nakita ko po kung paano lumaban ang isang ina para sa kanyang anak. Saludo po ako sa mga ilaw ng tahanan ❤

$ 0.00
2 years ago

I hope I can always be.

Hindi mo mamamalayan na may postpartum k pala. Malalaman mo na lang pag biglang narealize mo na, hala, iba na ata to.

$ 0.00
2 years ago

God bless po sa inyo palagi ❤

$ 0.00
2 years ago

Hirap ako ngunit kinakaya. kaya natin to!

$ 0.00
2 years ago

Patnubayan Niya tayo!

$ 0.00
2 years ago

Napakahusay! Ang mga magulang ay sadyang nagiging malakas at tila may kakaibang kapangyarihan. Nagagawa nilang mapagtagumpayan ang anumang bagay para lamang sa kanilang mga anak. Hindi ko maisip ang mundong walang mga mabuting mga magulang na gumabay sa ating lahat. Sila ay tunay na yaman sa ating mga buhay.

$ 0.00
2 years ago

Mahusay mahusay! Ako ay nagagalak sa iyong pag-ayon. Totoo ang iyong mga nasabi. Salamat sa iyong napakahusay din naman na pagpuna. 😀

$ 0.00
2 years ago