Jeepney Scenarios

16 76
Avatar for vanya_29
3 years ago

At dahil di na ako nakakalabas gawa ng quarantine, pag usapan natin ang sasakyang JEEP.

J E E P

Isa sa mga transportasyon na ginagamit natin sa pang araw-araw *nung wala pang quarantine*

Bilang isang estudyante madami na din akong naging karanasan sa loob ng jeep. Maaaring mga nakakatawa, nakakainis, nakakabadtrip, siguro lahat na pwede mong maramdam pag sumakay ka sa jeep.

  1. Ito yung "sakay na kasya pa" scenario. Yung tipong parang sardinas na kayo sa loob ng jeep tapos yung konduktor nagpapasakay pa sa jeep. Nakakainis di ba? Yung tipong yung mga pasahero sa loob sabay sabay titingin sa konduktor parang papatayin na haha.

    "Wag mo ng ipagsiksikan sarili mo, masasaktan ka lang"

    Yung mapapahugot ka nalang sa isip mo dahil sa inis.

  2. Ito naman yung "usog trick" scenario. Alam ko ginagawa din ito ng karamihan. Yung pag sumakay ka ng jeep tapos may space pa pero medyo sikip na. No choice ka kundi sasakay ka na dahil malilate ka na. Syempre di ka komportable sa pag upo kaya minsan mag hahanap ka ng tyempo. Usog trick yung pag may humps sa daan tapos tatalbug yung jeep tapos yun na yung pagkakataon mong iusog yung pwet mo para makaupo ka ng maayos. Isa pa, yung pag biglang nag preno yung jeep pagkakataon mo na din yun para umusog para makaupo ka ng maayos. Kayo ginagawa niyo ba ang mga ito?

  3. Ito yung "love is in the air" scenario. Yung single ka tapos may naghaharutan sa harap mo na mag jowa! Respeto naman sa single! Di naman sa nagiging bitter di ba? Dapat sa jeep, sakay lang walang harutan ganun! Ito pa yung magjowa na kahit saan na napunta ang kamay ng isa. Naku! Wag sa loob ng jeep mahiya naman kayo! Haha

  4. Ito yung "konduktor gaming" scenario. Ito yung mga taong nakaupo sa likuran ng drayber ng jeep. Yung sayo iaabot yung bayad tapos sukli. Syempre iaabot mo naman kasi nakakahiya naman sa kanila diba? Respeto din naman kasi isa ka ding pasahero sa loob. Minsan may mga tao din na nagtutulog-tulugan para di maistorbo sa pag abot ng bayad at sukli hahaha. Nagawa ko na din to eh.

    Ito pa yung tipong dalawa nalang kayo sa jeep tapos magkalinya kayo sa upuan tapos iniabot yung bayad sayo syempre maluwag yung jeep, ikaw pa mag aadjust para maabot yung bayad niya, ang galing! Haha syempre ikaw naman na sira ulo. Lilipat ka ng upuan sa kabila sa likod haha ikaw ngayon mag adjust kumuha ng sukli mo haha.

  5. Ito naman yung "may nauntog" scenario. Alam ko at alam niyo kung gano kahirap pigilan ang sarili na tumawa kasi may nakita kang nauntog na pasahero tapos sa harap mo pa nakaupo. Yung kalma self pagsubok lang to. Pero di mo talaga mapigilan sarili mo kaya maglalagay ka nalang ng panyo para takpan ang bibig mo haha.

  6. Ito naman yung "arkilado" scenario. Yung magkakasama kayo ng buong kaklase mo o tropa niyo tapos kayo lang yung laman ng jeep kaya solong solo niyo, feeling arkilado lang. Ito yung masaya, yung magkukwentuhan kayo tapos ang lalakas ng tawa minsan kung nagpapatugtug pa yung drayber mag sising along kayo tapos eto pa di nagagalit ang drayber, sumasakay din sa trip niyo. Ang saya lang.

  7. Ito yung "bukaka" scenario. Yung mga lalakeng pasahero na kung makaupo naman ay sakop na sakop yung upuan na pwede pang maupuan ng isang tao. Bukaka grabe. Pwede naman ata na itiklop muna ha, wala naman ata maiipit jan sa pagitan ng hita ano?

  8. Ito yung "love at first sight" scenario. Yung may tumabi sayong gwapo/maganda/cute o kaya nakasabay mo si crush, tapos ikaw kilig na kilig ka naman. Ang saya ng byahe mo kasi may nakatabi mo crush mo tapos nainlove ka kaagad. Parang ito yung panandaliang kasiyahan haha mga jeepney crush. Ito yung kilig na kilig ka kasi nagkadikit braso niyo sa jeep. Yieehh kilig naman tapos parang naririnig mo yung kanta ni Yeng Constantino na "Jeepney Lovestory", sumakaya ako sa jeepney ikaw ang nakatabi, di makapaniwalaaaaaaa.

    Yung pagkababa niya mapapaisip ka nalang na "kailan ko kaya ulit siya makakasabay". Ikaw naman na kilig na kilig, todo hanap ka naman ng pangalan niya sa fb haha.

  9. Ito naman yung "speed" scenario. Yung mga drayber ng jeep na laging nagmamadali. Minsan mapapa sign of the cross ka nalang sa sobrang bilis magpatakbo ng drayber parang kukunin na yung buhay mo haha. Bat ka pala nag mamadali manong drayber? Tapos minsan sa sobrang bilis imbes na fresh ka papasok sa school o trabaho, naging haggard ka tuloy kasi yung buhok mo buhol buhol na.

  10. Ito naman yung "sampal" scenario. Yung may katabi ka sa jeep na pagkahaba ng buhok tapos di pa tinali. Kulang nalang ipakain sayo yung buhok niya, ang sakit sakit makasampal sa mukha! Di nga ako sinasampal ng nanay ko pero yung buhok mo sumusobra na! Haha. Kung pwede lang talaga mangsabunot sa loob ng jeep gagawin ko na talaga pero syempre mabait ako haha. Tayo nalang mag adjust. Sabihan nalang natin na yung buhok niya na masarap, tapos alam ko shampoo mo, ATE PAKI TALI NAMAN BUHOK MO NAKAKASAKIT NA HUHU.

Madami pang jeepney scenario na naranasan natin.

Nakarelate ka ba?

Ikaw anong jeepney story mo?

Comment kayo kung nakarelate kayo o ano pang mga naranasan niyo sa loob ng jeep.

1
$ 0.26
$ 0.26 from @TheRandomRewarder
Sponsors of vanya_29
empty
empty
empty
Avatar for vanya_29
3 years ago

Comments

Hahahha. Tae naexperience ko ata lahat😂

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha madami pa yang iba haha

$ 0.00
3 years ago

Hahahha. Always ko yan nararanasan dati at lagi akong late. Myghad. Siksik kung siksik, tayo kung tayo, wala ng pake makasakay lang😂

$ 0.00
3 years ago

Sa true lang hahaha amo man nanggad. Lahat man ata naexperience na yan

$ 0.00
3 years ago

Hahahhaha. Kungbpwede lang talaga maglakad. Hahays

$ 0.00
3 years ago

Try mo galing albay to caf 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahahahha. Nevermind. Pero kung may bike, kaya

$ 0.00
3 years ago

Bikerists hahaha

$ 0.00
3 years ago

Nagbabalak. Hahahhah

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Hahaha...pipilitin tlga ipagkasya kahit hindi na...nice ...

$ 0.00
3 years ago

Titiis tiis nalang hahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama ahhaha..makauwi o mkarating lang.

$ 0.00
3 years ago

Yep hahaha pero at the end of the day, nasusurvive mo naman hahaha

$ 0.00
3 years ago

Tama..

$ 0.00
3 years ago

Yep hehe

$ 0.00
3 years ago