Girl Friend
Kaibigang Babae
Simpleng salita pero malalim ang kahulugan.
Bespren kayo simula pagkabata. Lalake siya, babae ka. Astig diba?
Pinangarap ko din magkabespren na lalake pero wala eh
Sabi nga diba, "ang lahat ay nagbabago, pati ang puso". Syempre pagbata tayo iba, iba yung nararamdaman natin sa bespren natin. Kapatid, kababata ganun lang diba? Pero bakit pag lumalaki na, dun ka na tatamaan ni kupido pero bat parang may mali? Sa bespren mo pa ikaw ipinana.
Naiissue to palagi eh.
Bago pang maging sila, meron ng kayo. Ops linawin ko lang, hindi kayo as mag jowa pero kayo as bespren okay?
Pero nagbabago talaga eh, pag may nainvolve ng isa sa pack niyo, ayun madami ng nagbabago.
May jowa na ang bespren mo.
Syempre bes, pwede kang pag selosan niyan.
Sabihin nalang natin na, gaano man kayo ka close, kahit gaano mo pa siya ka gusto, kahit gaano niyo pa kakilala ang isa't isa, kahit dikit pa ang bituka niyo......
Lagi mong tatandaan na yung space sa pagitan ng Girl at Friend hindi yun magbabago.
At wag mong papatusin ang bespren mo.
uwu.
hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin, kahit nga bagong kakilala kung siya na talaga wala kang magagawa, di lalo ng hindi katakataka kung sa bespren ka tamaan ng pagsintaπ