Hello, everyone.
In the Philippines, we celebrate Buwan ng Wika every month of August. This is usually done by the use of Filipino language in poems, story writing, song, and even dancing the folk dances. I have a fair share of it back in my Elementary and Secondary days.
That being said, here I am, with an article in Filipino for this celebration. I might publish one per week until the end of August. And, I would like to tag @Lazysnail because he said he would be waiting for my entry. Please be warned that I write weird and non-coherent stuff π
Isang tahimik na gabi, ako ay naglalakad sa isang madilim na kalye. Mahaba at espaltado, diretso at walang liko-liko ang malungkot na kalye. Pero bakit ako lang ang nandito?
Wala man lang huni ng mga kulisap ang hanay ng palayan sa magkabilaang gilid. Kahit ang buwan, at ang mga bituin ay lumiban sa langit. Bakit nga ba? Ang tangi ko lang kasama ay ang pakurap-kurap na liwanag ng pundidong bombilya sa posteng nakatagilid. Nasaan ba sila?
Patuloy akong naglakad, hindi alam kung saan tutungo. Habang binabaybay ko ang daan ay staka ko rin naisip, sinong sila ba ang hinahanap ko? Ano ba ang pakialam ko sa kanila?
Staka ko rin naisip na wala pala akong kilala na kahit na sinong sila. Wala akong maalalang pangalan, mukha, at ala-ala. Kahit ang sarili kong hitsura ay nakalimutan ko na. Kahit anong gawin kong pagkalkal sa kinakalawang kong isipan ay hindi ko mahagilap ang aking pangalan. Bakit nga ba?
Nag-alilangan akong magpatuloy. Takot na malaman kung ano ang nasa dako pa roon. Takot na mabulaga kung ano man angΒ nakahain sa akin sa dulo nitong mapanglaw na kalye.
Ang kaso e wala naman akong ibang patutunguhan. Wala rin naman akong babalikan. Kailangan lang maglakad, ipagpatuloy ang pagbaybay. Sinabi ko sa sarili, dahan-dahan lang, p're, hβwag kang magmadali.
Ilang hakbang pa lang ay may biglang tumawid na itim na pusa. Huminto ito sa gitna at matalim ang tingin sa akin. Tumigil din ako at binati ko siya. Pero ang pusa ay walang kibo, malobo ang pisngi na nakatitig pa rin sa akin.
Nagtaka naman ako, sa payat niyang 'yan, bakit ang lobo ng mukha niya? Lumapit ako at inusisa, kaso ang pusa ay biglang gumalaw. Takot siguro sa tao dahil ito ay lumakad paatras. Nag-meow ako para maintindihan niya sana na hindi ko naman siya sasaktan. Pero ang pusa lumuwa ng mamon, pinakitaan ako ng pangil, bago tumalilis nang takbo. Galit ba 'yon sa akin?
Ngayon ay mag-isa na naman ako sa malamig na kalye. Hindi rin alam kung ano ang gagawin sa mamon na iniwan ng pusa. Pupulutin ko ba, o hahayaan na lang? Siguro ay pupulutin ko na lang, baka mahaba pa ang aking lalakbayin, pampawi rin ito ng gutom.
Sa aking paglalakad bumilis ang pagkurap ng naghihikaos na bombilya. Sa wari ko ay malapit nang malagutan ng hininga. Kaya ang sinabi sa sarili, h'wag mangamba, ikaw lang naman ang nandito. Matatag ka naman, h'wag magpadaig sa takot.
Wala pang tatlong hakbang ay nagpaalam na ang bombilya. Bumalot ang walang hanggang dilim, wala na akong makita. Tumigil ako, nag-aalinlangan, walang mahawakan na kasiguraduhan. Napatanong sa sarili, paano na ako? Ano na ang gagawin ko?
Paisa-isang hakbang ang paa kong may pag-aalinlangan. H'wag naman sanang may maapakan na butas, na sa tingin ko ay wala naman. Ang mga kamay ko ay nangangapa. Nagbabakasali na may mahagip na maaring gumabay sa akin.
Walang sabi-sabi ay may naaninag akong mapanglaw na liwanag sa aking likuran. Napahinto ako habang ito ay papalapit nang papalapit. Napatanong ako sa sarili, ito na ba ang hinihintay kong gabay?
Hanggang sa nasa may kanan ko na ang maliit na liwanag. Lumulutang, at sumasayaw sa hangin ang apoy ng katabi ko na santelmo.
Lumingon ako sa kanya na siya ring pag-alab ng mahina niyang sindi. Para din itong bata na lumulukso-lukso sa ere. Umiikot-ikot sa akin at staka pumunta sa unahan. Umaalab-alab na wari'y nagsasabing, tara na, kailangan mo nang tumuloy.
Β Siya na nga siguro ang aking tanglaw sa daan. Isang munting santelmo sa aking unahan.
Hello, again!
Thank you for reading, told ya it's weird π
Thank you again for being here. I am so used in writing short closings now. But I do appreciate you for being here. Thank you, thank you.
All words and images in this article are mine.
Napa google ako sa santelmo hehe. Fire spirit?