Pinagtagpo at Tinadhana.
Nagsimula ang aming pagmamahalan noong ako ay nagtratrabaho bilang isang guro taong 2017. Ang alam ko kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid at magulang ko. Hindi ko inisip ang pag-aasawa kahit alam kong nasa dulo na ako ng kalendaryo.
Ako ay nagtuturo ng Senior High School ang asawa ko naman ay Grade 8 Math subject ang kanyang tinuturo. Kami ay naging magkalapit sa isat isa dahil sa mga kasamahan rin naming mga guro. Lahat ng mga actibidad sa paaralan, kaming dalawa ang pilit nilang maging partner gaya ng sayawan pati pag eemcee sa mga programa.
Nagkalapit ang aming loob dahil parati kaming nagkikita sa paaralan. Ang aking asawa pala dati ay single mom. Siya ay may anak na dati sa kanyang nobyo pero hindi sila nagkatuluyan.
Hindi ko alintana ang kanyang kalagayan at tanggap ko ito ng buong buo. Ikinasal kami agad last year dahil alam kong mahal ko na siya at mahal rin niya ako.
Salamat sa aming munting paaralan at kami ay pinagtagpo. Pinagtagpo at nauwi sa habang buhay na pagmamahalan.
pinagtagpo ngunit di tinadhana???oops naririnig ko lng yung kanta... not related po yung cooment ko sa article mo hehe...