Happy Blessed LOVE Day Noisefam! Dahil araw ng mga puso ngayon ang sweet naman ni hubby may pabulaklak at chocolates pa talaga nakakakilig naman hehe. Sabi ko nga sa kanya mas nakakakilig siguro kapag cash nalang hahaha pero syempre joke lang yun naaapreciate ko parin naman yung effort niya. Pero seryoso mas kinikilig talaga ako kapag cash hahaha siguro relate mga mommies diyan na practical sa buhay. Kapag flowers kasi ang bilis nalalanta at chocolates nauubos agad, mga anak ko nga lang naunang kumain haha. Sila yung excited na buksan dahil gusto na nilang kainin sabi ko after lunch na :) Ayan nakadisplay na yung flower iniisip ko ilang araw kaya tatagal yan haha. Sa totoo lang mas gusto ko pa yung nakikita ko palagi ang ibigay sa akin para may remembrance :) Pero syempre thankful parin ako, hindi naman ako nagrereklamo slight lang hahaha. Mas magastos talaga ang asawa ko, ako naman practical/matipid opposite talaga. Siguro dahil lumaki ako sa hirap kaya bawat barya mahalaga, siya medyo maykaya daw pamilya niya noon haha noon lang yun kaya siguro ganun siya. Nagkakilala pala kami nitong asawa ko sa ibang bansa(2019) magkasama kami sa isang company na pinagtatrabahuan. At doon nabuo ang love hahaha. At sa taon na 2012 ay nagpakasal kami at biniyayaan agad ng dalawang blessing na magkasunod kaya hindi na rin nakabalik sa ibang bansa nakakapanghinayang yung work ko pero priority parin mga anak. Ayaw na rin bumalik ng asawa ko kaya dito sama-sama nalang sa hirap hehe. Pero ngayon gusto na niyang magwork uli sa ibang bansa lumalaki na mga bata mahirap talaga makaipon dito sa Pinas. Tandaan po natin hindi lang sa araw na ito sinicelebrate ang love kundi sa araw-araw. We are love because HE first loved us (1 John 4:19). At ang tunay na kahulugan ng love ay matatagpuan sa John 3:16 siguro lahat tayo alam natin ang verse na'to. #BlessedHeartsDay #owncontent #ruby0622
11 comments
Naku ako last na nabigyan ni hubby nung wala pa Kami anak tas sumunod ako na nag bgay na Tawa pa nga sya at knilig
Hehe ako never pa nakabigay sa kanya Ng flower haha. Happy Hearts Day sis hehe
Hahaha para nman po maiba ang love story nameng mg asawa coincidence lang po yung bulaklak ehh pero nakaka tuwa po
Hahaha yes sis mas kikiligin mag niningning ang aking mga mata pag cash hahaha
Haha kumikislap kislap talaga sis hahaha Happy Hearts Day!
Happy heart's day po hihi. Ang sweet naman, ang cutiiee ng sunflower hihi
Haha minsan Lang sis may paflower hehe
Yes di lang sa valentines ang love. Daily yan. Additional at bonus na lang ang chocolates and flowers. Kahit walang cash yang flowers eh sure naman ako binibigyan ka nya nun kahit di valentines hehe. Happy Valentine's day.
Happy Valentine's day.. today is 14th February.. this day is celebrated worldwide as valentine day.. have a wonderful day
Maganda yung ganyan hindi nagsasawang pakiligin ang patner ahaha kahit may mga junakis na kayo likas lang syang sweet ay nakuh sis nilalagam ako ahaha.happy heart again
Haha minsan lang Yan sweet sis ahaha walang ganyan nakaraang taon ngayon lang bumawi haha