Bunso Busy Day! Sobrang busy buong maghapon medyo marami pa palang activities si bunso hindi pa nagawa akala ko kaunti nalang. Nahirapan pa siya sa pag-uulat, bulo-bulol talaga kapag tagalog na ang sasabihin hirap talaga siya. Akala ko kasi isang ulat lang gagawin dalawa pala haha kaya hirap na hirap magmemorize sa mga iuulat niya haha. Wala kaming microphone kaya yung remote nalang gamit niya sa pag-ulat :) Mayroon din pala siyang dalawang sayaw na gagawin ritmikong ehersisyo nahirapan din sa pagsayaw wala kasing hilig talaga ang sayaw sa kanya haha may pinagmanahan talaga pagdating sa pagsasayaw simpleng steps lang nahirapan pa siya :D Si ate niya medyo relax na tagapanood nalang sa mga performance tasks ni bunso :) Ang daming nagawa ni bunso ngayong araw hindi kasi ginawa kaagad kaya naabutan kami ng deadline. Tapos na kasi ang 3rd quarter kaya need na matapos lahat ng activities. Ginuhit nalang ni bunso ang activity dapat kasi iprint tinamad na akong lumabas medyo malayo kasi kung saan magpaprint wala akong mautusan back to office na work ng daddy nila. Pag-ipunan ko talaga makabili ng printer ang hirap kasi kapag may estudyante ka tapos walang printer, mapadali ang gagawin sana kapag meron print nalang diretso. Kumusta buong maghapon nyo noise fam? Stay safe always.
12 comments
despite of your busy days sis nagagawa niyo parin hayys totoo yan sis ang hirap pag walang sariling printer balak ko din yan sis kasi may studyante din ako..iwan ko kung magkano yong printer ngayon
Kaya nga sis, kailangan talaga Ng printer kapag may estudyante tayo. Medyo mahal din sis nasa 3k meron din 2,500 kahit ganun lang mabili ko masaya na :)
oo nga noh medjo pricey nga talaga sis segee lang soon makakabili din tayo niyan sis..my laptop palang kailangan sis buti kayo sis meron na
Mabuti na lang masipag mag-praktis at gumawa ng mga tasks ang mga anak mo ka-noise! Ang ibang bata sakit sa ulo ng magulang dahil sa mga games sa gadyets nakatutok.
Salamat sa Diyos ka noise masisipag naman sila nasa magulang lng din naman paano disiplinahin ang mga bata lalo na paggamit Ng gadget mga anak may limit at sinusunod nila :)
Parang ako po pala sis may pag bulol Din po ako nun ehh lalu pag tagalog po. Nagahol po pala kayo sis, kami din minsan nagkakaganyan ehh
Opo sis naghahabol Ng ginagawa atleast natapos rin:)
dming activities ng grade 1 or 2 now. (kc at 7yrs at my time, only grade 1 palang) noon tamang spelling, math, english lessons, p.e lang ata subjects nmin hahhahha
Dami ngang performance task sis ang hirap pa naman haha grade 2 pa Lang hirap Ng task :)
kaloka noon unti lng task nmin hehhe
Friday is in the middle of my busy day. Friday is a weekly holiday, so the whole week's work has to be done in one day.
galing ni buso mo sis