Good morning po, ginisang sayote ang breakfast/ulam ko ngayon may lakad po kasi ako need ko ng heavy meal hehe. Anobayan akala ko po tuloy friday ngayo at papasok parin po kasi ako sa school today may aasikasuhin lang. Nakakatamad nga eh pero need pumunta.
Good morning po! Kakauwi ko lang po tara po mani tayo hihi.
Kamusta po? Good morning po sa lahat, long time no post ako dito ah hehe. Simula nung nakasagap ako ng chismis medyo tinamad ako sa noise plus and busy ko sa school tasks these days. Ayan nakapagpost na po uli hehe. Sige po pasok na po ako malate na kc ako hehe.
Hehe good morning po. Mag gatas uli ako today hehe. Nagtataka ba kayo bakit ang kaunti, ganyan lang wala pang kalahati? Well kase kapag gabe naman ay puno yang baso kaya pag umaga hinay hinay muna at lunod na ako sa gatas.
Wow hehe. Good morning po, share ko lang baon ko for today, dahil monday at maraning ganap medyo madami dami ung baon ko hehehe. Andyan ung Yakult hopia tas ulam ko. Babaunan sana ako ni mommy ng mani kaso baka hindi pwede kainin ung Yakult pati mani so bukas na daw un hehe. Goodluck po sa ating mga papasok ngayon sa school or sa work! May God bless us all po 💕 🍀
Goodnight po sa lahat kamusta po kayo? May pasok na naman po bukas kaya dapat maaga na naman tulog hehe. Kakatapos lang magdinner kaya tara mag dalandan tayo hihi.
Good morning po hehe, kagigising ko lang at nagulat ako ang tahimik ng bahay. Buti nabasa ko ito sa pinto ng room namin ni bunso, nag bayan daw si mommy at papa hehe. Para di umiyak si bunso eh nagiwan ng sulat si mommy. Ang cute haha.
Good afternoon po sa lahat. Wala ako maisip na ipost dito haha. Kamusta po kayo? Ngayon nagpapaypay ako, medyo mainit ang panahon eh. Hindi na ako nag electric fan para tipid tsaka kaya naman ng pamaypay lang hihi.
Good morning po sa lahat! Kakabreakfast ko lang and naisipan ko magpost hehe. Nagising ako nang bigla ko makita ung announcement na kuhaan na ng card next week! Hala hahaha. Medyo mababa pa naman ung results ng periodical tests ko, sana maka woth honors parin ako huhu. Sabi ni mommy ililibre nya daw ako eh hahaha sana legit. Have a blessed morning po sa lahat!
Good morning po sa inyo! Last day of school this week, tara breakfast po tayo. Today breakfast ko ay daing na bangus at hotdog. Sa wakas pahinga na rin hahaha ilang araw ako puyat this week.
Good morning po tara breakfast po tayo, pandesal po muna for today at sabi ni bunso sawa na daw sya sa rice hahaha. So eto nga bumili si papa ng bente piraso na pandesal para sa aming lahat na tas ung matitira meryenda kse di naman sya pumapangit pag hapon.
Failed attempt na picturan ung red moon today hahaha. Good evening po sa lahat! Kakauwi ko lang at nakita ko dito sa feed sa noise. App ko halis karamihan ng posts about dito haha. Trending si moon for today's bidyo.
Good morning po! Naku tanghali na pala hahaha. Nandito na service ko, wala ako maisip na ipost ito nalang haha. Tagal tagal na rin na hindi ako nagpost dito sa noise.app. kayo po full f2f na rin po ba kayo this week?
Hello po, good afternoon po sa lahat! Kamusta na po? Bukas may pasok na naman heh
Good morning po sa lahat. At dahil ang laki ng bagong update ni Call of Duty naisipan ko na magdeleten ng photos haha. Grabe ang dami ko pala talagang screenshots at iba pa. 700+ mb din natanggal ko hahaha.
Good morning! It's weekend and ang sarap sana matulog pa kaya lang eto gising na ko kasi sasamhan ko si mommy mamili sa bayan. Ayaw nga ni mommy na gisingin ako pero nagkusa ako na gumising. Ayaw ko na mag isa si mommy sa pamimili kasi mabigat mga dadalhin nya. Kakain lang ako saglit at aalis na kami. Ingat po tayong lahat..
Done na magdinner kaya dessert naman tayo! My favorite! Di ko alam pero hindi sya masyado matamis tapos ang asim! Simula pa noon binibilhan na ako ni mommy ng mga gummy worms kaya ayun naging favorite ko. Ngayon nalang uli ako napagbigyang bumili nito kase pwede na daw at wala nang pandemic, nakakatakot kase noon pag nagkatonsilities ka covid agad hahaha char! Good evening pom
#done voting for mama 2022 haha. I am really not a Kpop stan but my best friend always drag me to stan this group kaya ayun sumuko din ako sa kulit nya. Ngayon nag request sya na i vote daw ang skz for mama. Saglit lang naman so why not. Binoto ko na rin svt at enha at noon engene naman ako. Nagulat nga ako pumapangalawa ang skz sa BTS dito haha. Niweys good aftie po sa lahat.
Pritong tilapia po tayo for today's bidyo, kami lang ni bunso ngayon nasa bahay at may lakad si mommy, si papa, as usual may pasok sya. Tig isa kami ng buntot di namin kasi kaya isang buo tapos ayaw ko ung part na ulo wala kasi ako masyado makain hahah. Habang nagpiprito ako nagawa si bunso ng sawsawan. Good aftie po, kayo ano ulam nyo today?
Good morning po, kahapon umalis ako, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko at may tatapusin kami group project kahit walang pasok tsaka konting chika na rin hahaha. Nagjeep lang ako medyo malapit lang naman daw. Kaya pasensya na po kung hindi ko po ito nabibisita kahapon gabi na po ako nakauwi hehe.
Nakita kami ng trio namin, elem friends ko at nagkayayaan na mag cod hahaha. Sa una mp (multiplayer) muna binuhat namin isat isa (joke nagpabuhat talaga ako hahah) charot. Tapos nag aya ung isa na mag free for all kami private lobby which is kakalabanin namin isat isa. Atleast naka 2nd place di na nakakahiya hahaha. As you can see pareho sila sniper gamit, ako di nagsniper nahihilo ako gamitin unz forever assault user hahaha. Un lang po share ko langz kakauwi ko lang po. Hindi planado ung bonding namin na un hahaha pag talaga di planado natutuloy. Pansin ko puro COD na posts ko dito ah hahaha tsori naman po! Magandang gabi po sa lahat 💕
Dessert po tayo after lunch hehe, cheesy, favorite ko sa lahat ng corn chips, supper yummy, cheesy at hindi sya maalat. Lunch ko kasi ngayon pritong itlog with tuna lang feeling ko bitin kaya eto bumili ako sa tindahan. Good afternoon po sa lahat.
Nice hehe maagang victory. Nagulat ako top 3 kami ng trio namin. Nagsecond ako tas as usual ung magaling kong frennie bumuhat sa amin HAHAHAHAHA. Infairness kahit medyo bago lang ako sa cod medyo marunong na ako, nasanay ata sa arsenal haha. Long weekend talaga, this week wala kami pasok dahil sa bagyo. Mahabang bakasyon mas lalo ako makakapagpost dito! Good morning po sa lahat! 💕
Pampatanggal stress hehe, lao muna. Fav gun ko ito hindi talaga ako manalo pag di ito ung gamit hahahaha. Gusto ko mag try ng ibang gun pero ito ung pinaka okay sakin, malaki ung bullet capacity, okay ung damage pati ung range nya. Suggest po kayo gun na pwede sa medyo newbie kung naglalaro kayo ng Cod hehe
Good morning po sa lahat! Ang sarap ng gising ko ang sikat ng araw! Thank you po at kahit ambon ay wala na. Bumalik na rin ung stable supply ng tubig, kahapon kase pawala wala pa... Ganda nito kaya naisipan ko picturan hehe kaso ang pangit ng quality ng phone ko kaya di mukang aesthetic HAHAAHAA. anyways enjoy your breakfasts po!
Magandang tanghali po sa lahat! Katatapos lang po namin mag lunch hehe, kayo po kamusta po? After mga 2 days tumigil din ang ulan, buti naman po hehe. Ayan hanggang ngayon wala parin kami tubig, ang hirap mag igib pero buti nalang kagabi kahit saglit nagbigay ng tubig, nag imbak kami ng kaunti akala kasi namin tuloy tuloy na ung pero ayan ngayon wala na ulit. Buti nalang din talaga at may internet na kasi ang boring pag walang koryente tsaka ung mga pagkain sa ref masisira.
Pahabol+++
Pasensya na po sa mga late replies ko dito hehe, ngayon ngayon lang din po kasi bumalik ung kuryente at tubig sa amin. Namiss ko po dito haha!
Magandang hapon po sa lahat! Tumila na ang ulan ngayon, kaninang tanghali bumalik na rin ung kuryente sa barangay namin, medyo natagalan at malaki ung pinsala pero buti isang araw lang nawalan.
Sa ngayon tubig naman ang wala, hindi ko alam kung dahil mahina ang tubig at nasa itaas ang aming apartment or dahil wala pa talaga tubig. Salamat sa Diyos at tumigil na ung malakas na ulan at hangin. Kayo po mga kanoise, kamusta naman po kayo ngayon? Sana okay lang po hehe. Tara meryenda po tayo, nagutom ako hindi makalabas ng bahay at sarado mga tindahan kaya ito pa gatas gatas muna at naubos din ang stocks...
Kamusta na po kayo mga kanoise? Sa amin bumubuhos paring po ang ulan, bigla nga pong nawalan ng kuryente saglit buti nalang at bumalik din agad. Ang lakas ng ulan at hangin. Salamat sa Diyos at hindi naman bumabaha sa lugar namin, pero nalulungkot ako nakikita ko sa fb sa ibang lugar lagpas bahay na ang lalim ng bahay. Pray nalang muna dito sa bahay hehe.
Maulang umaga po sa lahat. Nagising ako at ang ginaw, nakabukas pa ung electric fan ko. Bibili ako sa tindahan tas nakita ko itong mag-inang pusa sa harap ng pintuan namin. Siguro giniginaw kaya dito muna nagstay. Ang cute ng anak nya haha. Sana tumila na ang ulan at ang dami ko nakikita sa fb na binabaha. Good morning po sa lahat! Have a blessed Saturday.