read.cash Log in

@jurich60

Joined 28 January 2021 · 43 posts

120 KT

0 KT · 11¢ received · 0 KT · 4¢ given

Posts

j@jurich60

Halo mga mates, how's everything hope all are fine lang. Kaninang after lunch at last natapos ko na ang ginansilyo kong top na tinawag kong Summer In December kasi sleeveless siya puede pang beach. Flowerettes na granny squares ginawa ko dugtong dugtong na mga sobra sobra kong cotton. Actually nagawa ko na ang mga squares noon pang october 2020 then nakatabi lang then nakalinutan ko na..sus, tagal ko na palang nakalimutan ito. Then sa pag blog sa needleworkmonday bukas na ang submission ng contest, about season sa place natin kaya nagkalkal ako ng ano puede kong entry eh nakita ko ito ulit kaya gi tas tas ko yong orig na black nagpalibot sa squares pinalitan ko ng purple na okey naman kinalabasan. Ano sa tingin ninyo mga mates okey ba gawa ko?

j@jurich60

What's up guys? Good noon all noise.app mates. May suerte ba kayo sa lotto or any taya taya.? Yong apo ko kahapon nag taya ng scratch tag 20 pesos hala nanalo twice, balik taya lang tapos taya ulit ahahaha wala na. But last week nanalo ng 90 pesos di pa niya na convert kasi nasa bag niya. Naku hoping sunod maka jackpot na siya

j@jurich60

Naku ano ba dahil sa no connection ang net di tuloy me daily maka post dito. Good morning pala mga Ka noise.app Mates. Kahapon grateful naka pag load na sa pldt pocket wifi. Kaya pala kahapon kahit taas ang green connection ng wifi eh not connected pa din sa cp ko yon pala no more load. Kaya heto maka post ulit. Guys, kahapon dami nanamang hinog ang papaya namin na di kami ang nagtanim hehehe ang mga birds ang nagtanim kusang tumobo mga 6 na puno. Kaya gi harvest ko kahapon mga almost 5pm na nga yon. Then, nilagay ko na lang muna sa ref. Tapos nag pa bili ako sa apo ko ng nestle cream sa mall dahil ayos ma ang motor. Kaya heto nakapag papaya ice cream ako ulit. Mamayang hapon matigas na ito. Kayo mga mates nakatikim na ba ng papaya ice cream?

j@jurich60

Hello Noise.app Mates how's everything? Ako funny friday ko. Nag post ako sa Chocolate Delight Challenge kanina pang umaga. Then, now ko binalikan to see if may nag comment ba hala shockings ahehehe yong gi post kong Cornetto may langaw pala. Sabi ng nag comment ay yummy yan ahh kaya lang may langaw lang. Haist ahahaha binalikan ko sa gallery ko aguy may langaw nga ano ba yan di ko talaga nakita as in na cropped ko sana.

j@jurich60

Hello guys every morning pang break the fast namin ni hubby itlog at coffee agad yan. Kanina 9 na ako kumain nakuha ko yong goal kong 18 hours fasting. Bale kahapon ang hapunan ko mga 3pm. Tapos luto itlog. Ako ang type ko sa itlog yong malasado or soft siya talaga kaya 7 minutes pakulo, kay hubby naman gusto hard boiled talaga kaya 9 minutes pakulo, inu orasan ko talaga yan tapos coffee di gaanong black sa akin kay hubby as in matapang talaga as in mag kaiba kami ng gusto. Ahahaha pero heto magkasama pa din for 48 yrs. Kayo mga Ka noise.app mates ano gusto ninyo sa itlog ninyo?

j@jurich60

Hello guys, di ako naka post ng ilang araw kasi na busy me crochet sa suotin ko sana kahapon Christmas party ng HS Batch 73...yeah mag 50 years ago ng yong high school life namin noon. Sa beach ginanap sa Guanzon Beach, Naga, Cebu. Naku kahit ni rush ko na pag gansilyo ang tops na soutin ko hahaha di kinaya ni grandma, dahil sa housechores at caregiver ni hubby. Di ki nga alam ano unahin ko. But, di man puede na basain ang kamay, kaya after lunch ko na gi gansilyo. Wala pa din di natapos. Kaya yong blouse and shorts in order ko sa shopee na lang sinuot ko. Missed ko mga classmates kung until now mga ma beauty pa din hahaha. Saka two hours lang ako doon di na nga ako naka tikim ng lechon eh dahil si hubby at anak kong driver nasa parking area lang nag hintay sa loob ng Van. Kaya picture picture na lang at kumustahan sa mga until now alive and kicking at prayers sa mga classmates namin na lumisan na. Tingnan ninyo guys mga ayos namin. Naka swimsuit sila kasi maligo talaga sila. Yong BFF kong classmate nag dala pa ng driver niya taga picture namin bitbit Ipad niya. Hang saya saya ksntahan ng karaoeke dahil sa Cottage 1 may kasamang karaoke. Tapos kainan, pag alis ko nag games sila. Sa GC na lang namin na read. Sa USJR pala kami na school. Batchmate ko pala si @wella24 ka noise.app natin.

j@jurich60

Kanina nag practice talaga ako ng kakantahin ko sa Hive Open Mic yong Puff The Magic Dragon by Peter, Paul and Mary. Baka di pa ninyo narinig kasi lumang song na ito but type ko ang song dahil story kasi siya. Kahit di maganda boses ko mga Ka noise.app mates di ako mahiyang kumanta but sa Starmaker at Singsing lang kasi parang nasa studio ka na eh yong boses karag maging okey okey na. Heto pala post ko sa Hive, sana kung may mga Hivers din dyan pa visit naman, thanks. https://peakd.com/hive-105786/@jurich60/hive-open-mic-138-puff-the-magic-dragon-cover-by--jurich60

j@jurich60

Hello mga Ka noise.app mates. Kakareceive ko lang yong order from shoppee kadating lang ng rider dumating na order ko ulit ng almond nuts ready to eat. Timing pang merienda Gusto ko talaga papakin itong almond nuts sarap pag luto nila kamo. Tapos ang bayaran ko kay rider 1271. Nagdala me ng dalawang tag 1k bill at 71 pesos . Inabot ko yong 1k at 71 pesos. Sinuklian ako ng 800 pesos. Tapos sabi niya akina yong isa pang 1k ate. Sabi ko naman bakit e binigyan na kita ng 1071. Hahaha nakipagtalo pa ako tuliro na. Tapos na realize ko ay tangi oo nga pala noh dahil sinuklian mo ako ng 800. Nag sorry ako. Ano ba yan hahaha.

j@jurich60

Habang nag crochet ako kanina di ko narinig hahaha kanina pa pala tumatawag ang rider ng JRS. Gi deliver ang order kong EENT ipatulo sa mata. Tuwing laging gamit ang cellphone nag mumuta ang mata at makati, hayan solve sa EENT. Since 2010 gamit ko na yan at mga anak ko. Yon bang makating makati mata mo na papuntang sore eyes nako madali lang magamot sa EENT na ito. Yong mga welders mamumula ang mata naku effective ito malamig sa mata. Thanks alam na ng mga riders ang amin. Sabihin agad ahh yong madaming aso? Ahahaha alam na nila marami kaming aso paano pag uwi nila hinahabol sila, sus, sigaw ako ng sigaw sa mga aso. Pasaway talaga sila. Pero okey na rin na alam ng karamihan may mga aso para di basta bastang lumapit.

j@jurich60

Good morning everybody! How's your sleep last night? Sa akin fine, but gumigising para mag weweeeh super antok pa tapos gisingin ka dahil need jumingle hays katotohanan ng katawan. Share ko ngayon yon bang mga 9 tuta namin 2 na lang silang naiwan. Sunod sunod namatay ang tatlo. Bigla lang wala ng ganang kumain. Buti na picturan ko sila as remembrance. Sa ngayon 7 big dogs na lang at two puppies naiwan. Still sa big kaldero luto ng kainin para sa kanila. Grabe ugali ng mga aso kamo, apat na lalagyanan ko ng food nila but gusto nila doon sa isa sila kumain tapos mag away away. Hays naku!

j@jurich60

Good morning Ka noise.app Mates What's up What's up...pinuntahan ko anak ko sa kabilang bahay kasi since last night no internet connection, yon pala no load na ang pldt pocket wifi. Pag inform ko sa kanya hayon gumising na para ayusin ang net connection namin. Pag daan ko sa garden napatingin ako sa papaya tree wow may tatlong hinog hang lalaki. Yong pinakamalaki over ripe na buti na lang may dala akong tungkod, kaya sinungkit ko buti di nabasag pagkahulog sa lupa. Aha! Naisip ko agad gawing ice cream. So, hiniwa ko kaagad hang daming buto e give ko sa neighbor ko para matanim nila. Buti na lang madami akong stock na nestle cream , butte at equal gold. Hayon nagluto ako kaagad ng low carb condensed milk. Butter, gi add ko ang nestle cream 2 packs then add 6 sachet ng equal gold. Tapos hinalo ko na siya sa kinuskos kong papaya. Then, nilagay sa plastic baso at nilagay sa freezer. Hahaha wala pang isang oras kahit di pa ice cream but creamy na siya naku inubos ko na 1 baso...Hang sarap ahahaha! Kayo guys nakatikim na ba ng papaya ice cream?

j@jurich60

Good afternoon Ka noise.app Mates, heto travelling again us. Kasi sunod Sabado may Christmas Party ang highschool batchmates namin sa beach dito lang sa Naga City along the road tapos papasok konti. Gi check namin ang venue if possible bang sasali si hubby dahil pwd siya ayaw niya yong malayo sa parking space ang cottage. Naku hang layo nga. Hmm mukhang di ako maka attend nito. Bago kami makarating sa venue dumaan kami ulit sa Teology Cafe kasi mag coffee si hubby ahh order din me ng Taro blizz ahh. Hang yummy talaga less sugar lang pina lagay ko. Now, dahil nasa loob lang ng van kaya hanap me sa gallery ng pictures e share ko dito. Buti na lang naki personal hotspot lang me sa phone ng anak ko. Share ko yong golden hour sa amin last Oct 27. Hang ganda ng langit talaga.

j@jurich60

Good morning mga Ka noise.app Mates. Share ko naman itong na snapped ko noong last week. Dahil init tapos ulan tapos uminit nanaman din mag shower ulit ang kapanahunan dito sa amin. Naku biglang lumitaw ang rainbow. Sus, dali dali kong kinuha cellphone ko at umakyat sa hagdan patungo sa roof top. Pati mga aso taranta umalis sila sa hagdan dahil tumakbo ako eh. Ahehehe yon pala kuhaan ko lang ang rainbow baka kasi mawala agad. Hayon nakunab ko nga, grateful much nasa gallery ko na. O di ba hang ganda ng rainbow fave color ko din yan kasi.

j@jurich60

What's up ka noise.app Mates. Di ako naka pamili kasi fiesta din dito sa City namin super traffic saka ang mga daan binutas butasan tapos kong dumaan ang tricycle aguy daw malaglag ang iud sa matres natin ahehehe. Kaya omorder na lang ako ng Tungkatsu sa neighbor namin. Actually chicken at pork ginawa nya but mas nasarapan ako sa chicken kaya ang nangyari hahaha whole day na namin kainan. Tungkatsu sa breakfast, lunch, merienda dala ng hapunan. But di nakakauta hang sarap kasi. Naka tikim na ba kayo ng Tungkatsu?

j@jurich60

Good morning mga Sis, share ko yong pics ng caterpillar nakita ko dito sa may tanim kong Gabi. At first takot pa ako but gi try kong ilipat sa kahoy , lumipat naman kaya hayan picture picture ko siya. Then, kinuha ko macro lens at gi picturan ko. Naku namangha me sa big eyes niya at colorful pink aywan if ipin ba niya. Kayo guys takot ba sa caterpillar?

j@jurich60

What's up what's up mga Ka noise.app mates Good Morning thank you maka post ako ulit lagi kasing no signal ano ba kasi itong si DITO kaka pa load ko lang ng 299 same no signal lagi di tuloy naoopen si noise.app. Last night gi borrow ko pocket wifi pldt ng son ko kasi nag attend me webinar sa zoom yong How to write a book even if you are not a writer. So, far okey naman. Last week nag Road Trip kami to the South of Cebu. 17 Municipality ang dinaanan namin. Hang nice nga mga isla tingnan ang dagat ganda ng kulay. Yang picture sa Santander yan yong pinaka tip na ng Cebu.

j@jurich60

Hello mga noise.app mates tulog na ako last night di tuloy me naka view sa Red Moon. Grabe talaga anatok ko siguro na pagod na everynight sige dotdot until mid night. Naka picture ba kayo sa Red Moon? Anyways, kahapon nag cook ako again ng low carb Yema Cake. Natawa ako pag toothpick test ko nabitiwan ko ang toothpick dahil sa ka init, kaya kuha me ulit ng toothpick. Hayon nice ang tubo ng cake. No oven sa kawali lang. Tapos lumamig gi ref ko na. Yummy siya pag mainit pa. This morning naku mas masarap pala siya malamig parang ice cream, partner ko ng Mocca hot drink. Yong Robusta coffee hinaloan ko ng two pcs tableya abay solve na ang break the fast. Yon lang 13 hours lang fasting ko kasi sarap ng kumain eh hahaha. Nag laway me sa sarili kong cooking. Kahit no cheese, yummy pa din.

j@jurich60

Hey good evening all noise.app mates Whats up? Na happy me now mga mates dahil ang aga ng golden hour kitang kitang ang horizon tanaw na tanaw ko buti my music video app ang pictures ginawaan ko ng video gi post ko sa Pixie. Sa FB naman ginwa kong Reels. Mga 5 pm kitang kita na ang orangey color ng langit. Naku ilang minutes lang change phase na ang langit. Kamangha talaga ang nature. After pag edit ko gi view ko naman sa YouTube ang favorite teacher ng english ang dami kong natutunan sa kanya. Ito o ang link niya mga mates. https://youtube.com/shorts/DEiPVTSZxZw?feature=share Nai share ko lang malay mo maka help sa english natin.

j@jurich60

How's everything and everybody? Ahahaha gi practice ko na agad natutunan ko sa YouTube di daw dapat laging how are you ang gamitin ahehehe. Ka noise.app mates super tirik ni haring araw dito sa amin. Pag bukas ko ng gripo naku tamang tama init init. Hayan sa labas ako naligo mga mates. Kasarap ng tubig. Bihira lang ito mangyari sa labas ako naligo sa tirik ng araw. Kayo mga mates nakaligo na?Maibang topic tayo ahahaha...

j@jurich60

Hello noise.app fam how's everybody? Hope your just okey where ever you are. Now lang naka post dahil super init si haring araw nag laba me ng 7 kumot tapos mga damit namin ni hubby, kami lang dalawa but pag na ipon hang dami din. Lalo ilang days sige ulan. Last night, di alo naka tulog ng tuloy tuloy kasi may gala na aso na nagawi sa amin tapos gusto niyang kainin ang bagong puppies hays ang ingay ng mother dog halos ma ubos tinig niya naawa ako. Ang tapang ng asong nagawi kasi pinag tulongan na siya ng 7 naming aso malalaki ayaw pa din niyang umalis. Hala nagsisigaw ako hinampas ko na ang fence ng kahoy, hayon umalis. Mga past 10pm yon eh patulog na ako. Umalis na kaya balik ako tulog aguy bumalik nanaman siya ang ingay sa labas ng mga aso. Pinalabas kasi namin ang mga big dogs para bantay sa Van. Sa ilalim sila ng Van natutulog. Hayon bangon nanaman ako, takbo sa labas hayon nanaman yong aso gusto kainin yong tuta. Nagsisigaw nanaman ako kumuha ako ng bato binato ko, tumakbo. Balik tulog ako. Ho my! bumalik mga 1 am. Hays, napagod ako lintik na aso. Buti di na bumalik but namaos ako sa kakasigaw. Sa picture walang sapin ang mga tuta kasi lagyan ko ng sapin naku kunin ng mga aso at ngatngatin.

j@jurich60

How are you all noise.app Mates? Busy busy? This morning grateful much hinatid ng Shoppee rider ang order kong Almond nuts na ready to eat na. Mahilig kasi kami ni hubby mag ngata-ngata ng mani eh tataas uric acid namin kaya naisipan ko why not Almond nuts na lang. Hayan dami kong naka in, inom ngalamig na tubig, busog. Feeling ko bigat sa tyan, kasi 2x na lang kami kumain ni hubby dahil sa pag fasting namin ng 18 hours lagi. Akala ko nga noon di ko kaya noong na try na di pala tayo gutomin dahil daming kong fats na e consume ng body namin lalo sa bilbil kaya pala lumiliit. Kaya bilib talaga me sa fasting no gastos pa maka menos pa ng timbang. Dati 70 kilos ako minsan hihigit pa. Ng nag low carb diet na at fasting hala 60 kilos na ako, gaan na pakiramdam. Tapos since February nag no rice na din kami.Masanay na lang din pala

j@jurich60

Kabilis talaga ng panahon mga Ka noise.app Mates ano? Nov 02 na agad today. Last night nag pasalamat ako kay Rena Vlogs dahil gi share niya ang video how to monetize FB Reels. So, gi try ko sundan ang video. hayon puede na ako mabigyan ng Stars but nako nahinto ako sa registration ko dahil need ng TIN. E nakalimutan ko Tin number ko. Kaya hala kalkal ako ng mga notes ko noon. Naku, noon 2019 pa ako kumuha. Huhuhu sana ma hagilap ko hang dami ko pa namang mga papel papel at notebook since nag blogging ako. May option daw sabi ni hubby kukuha ulit ng Tin, ngik yon lang hassle mag travel ulit.

j@jurich60

Hello noise app Mates, siguri busy na kayo dalaw sa mga dearest departed ninyo. Kami ni hubby dahil Senior na iwas crowd muna pang safetynet sa sarili. Kaya mag sindi na lang me maya ng kandila for them. Hang layo din kasi ng sementeryo saan nalibing ang father ko, sa Cebu City pa. E sure ma traffic at sureness ang parkingan malayo sa sementeryo di kaya ni hubby may lakad ng malayo. Tapos yong mother ko nasa Olongapo City naman kaya ang mga anak na lang namin na nandoon ang makadalaw. May GC kami magpamilya hayon grabe daw maputik sa sementeryo kasi sige ulan kaya tiyak kontinlang din mga nakakadalaw sa mga departed love ones. Kayo nakadalaw ba mga mates?

j@jurich60

Hello noise,app Mates, grateful kaka deliver ng sugar substitute gi order ko sa Shoppee. Akala ko di na e deliver kasi hapon na tapos no tx. Kahapon tinawagan ako ni Rider na e deliver niya ang package but timing naka travel na us pumunta kami ng Boljoon. Kaya sabi ko bukas na e deliver. E kanina pa me umaga nag wait mag tx siya or call wala man Worried tuloy me kasi need ko yan gamit sa lowcarb cooking ko gaya ng puto at yema cake or mag ice cream ako. Now, happy na me may stocks na ako. Cooking time again.

j@jurich60

Kumusta na mga noise.app mates? Sa ngayon no more ulan dito sa amin, sa inyo? Ingats ang mga nabaha dyan sus relate na relate ako sa nabahaan. Kasi noon sa Olongapo yong tinirhan namin sa baba kami malapit lang din sa ilog. Buti may 2,nd floor nasa taas ang may ari. Sus, takbo kami sa taas pero konti lang nadala naming gamit lahat nagkaputik. Ang pinanhinayangan ko yong mga pictures or albums. Picture ng mga bata ng baby pa sila at ako noong dalaga pa. Now wala na akong remembrance. Yong baha at Sunog yon talaga relate na relate ako. Kaya ingats kayo mga Bro and Sis.

j@jurich60

Hello kumusta Ka noise.app mates, prayers sent sa mga nadaanan ng hagupit ni Bagyong Paeng. Ipagkaloob okey mga situation ng nasa evacuation centers. Kanina guys success ang 24 hours fasting namin ni hubby mga 12 noon to be exact. Di talaga kami ginutom as in. Tubig at Robusta coffee lang in between. Sabi ng friends ko baka ulcer abutin namin. Hahaha di man kasi no gutom feelings talaga mas laging gutom yong kumakain pa ng kanin. Since last February di na us kumakain ng rice at nag lowcarb diet na din. So far yong blood sugar ko lagi normal then kay hubby bumababa na din. Nong nag stop kanina ang ulan saglit kaninang umaga nag harvest ako ng kamote tops nilagay ko sa isda nag sabaw ako para sa first kain namin after fasting. Simpleng food lang at hard boiled egg. 2nd time ko na itong nag 24 hrs ako noong last July 16 sa birthday ko no food ako. O di ba unique ahehehe

j@jurich60

Hello mga Ka noise.app mates, naku problema talaga gi dulot ng dogs sa amin ni ngat ngat nanaman ang wirings sa multicab kaya di nagamit ng anak ayaw talaga umandar. Akala talaga namin nakalabas na lahat ng malalaking aso kaya kampanti kaming natulog. Hays may naiwan pala. Tapos may isa si Dako taka ako last night why nasa ilalim siya ng Van di sumama sa ibang aso namin doon natulog sa abandon house ng kapitbahay namin hala pag silip ko sa ilalim ng Van hala may mga new tuta aguy nanganak pala. Ho my hang dami na naming aso can't feed them na kaya try ko puntang Barangay if makuha ba nila itong mga aso namin iiwan mga lalaki, lahat ng babae ipamigay na talaga. Can't hold on na talaga, must go na sila. Buti nag stop na ulan now but lumalakas na ang hangin dito sa amin, thankful wala kaming baha kasi sa hillside kami but yon lang super putik ng daan kasi dating kamaisan daw dito noon. Praying okey lang kayo mga Kaingay.

j@jurich60

Hi ka noise.app mates dugtong ito ng una kong post. Dumating kami sa Parola resto sa may seaside sa Cordova buti mainit ang panahon no ulan. Pag dating namin doon hala wala na mga floating cottages na noon super dami nag sulputan. Pina tanggal na pala mga 3weeks ago na ng Governor dahil kasi no CR eh kung mag jingle or mag popooh sa dagat lang kaya hazardous sa health dudumi na karagatan doon. Saka sa gabi daming nanguguha ng shells for sale din. Naku hang dami pa naman nag set up noon nakita namin yong stocks na kawayan nilang materials. Now hang linis na talaga ng dagat walang isang floating cottage na iwan. Ano na kaya hanapbuhay nila at ang puhunan paano na.

j@jurich60

Good evening mga ka noise.app mates. This morning nag taka anak kong why ayaw umandar ang multicab, eh importante panaman ang lakad niya. Tinawagan nita ang mekanico, buti dumating agad from Lapu-lapu City pa siya galing. Nang dumating siya gi check niya agad. Ho my ngingatngat pala ng mga aso ang wires sa ilalim ng car. Aguy, pasaway talaga malaki damage. Buti naayos agad gi test drive ayos na. After that dahil boring na si Hubby sa bahay nag yaya travel nanaman kami. Gumala sa The Parola. Dumaan muna kami sa favorite naming kainan sa tabing dagat, kasama ang mekanico nag motor siya kami sa Van. Buti may init pang gulay dahil gutom na no picture picture na hahaha. After namin kain daan kami sa Teology Coffee shop. Naku po, napa order ako ng Taro Blizz nila, start na cheat day ko...Masarap din ube kasi.

j@jurich60

Ho my ka daming unread! Good morning ka noise.app mates kumusta sa inyo mga places? Dito sa amin stop na ang ulan but kulimlim lang. Hoping mag pakita na si haring araw kasi lahat ng kumot basa pa kahit gi spin nasayang lang naulanan eh walang atip ang sampayan. Kahapon dahil ulan naka time akong mag crochet, may gold thread akong extra napanalunan ko ito ng nag comment ako sa YT ni Cedie Aqui thankful talaga sa prize niya. E timing may contest sa Proof Of Brain sa Hive. Kaya salamat pala sa ulan hahaha naka crochet ako ng earrings ko. Heto kung may time kayo ito entry ko. Thanks sa babasa https://peakd.com/hive-150329/@jurich60/pobphotocontest-gold