November 01, All Saints Day!naka 3 weeks na pala ako sa noise.cash. At sa weeks na yun naka 401 subscribers na ako. Marami pong salamat sa inyong suporta noise fam. More subcribers and earnings sa ating lahat mag enjoy lang tayong gamitin ang platform na'to. Sobrang natutuwa at nalilibang na ako dito :) #NoiseCash #NoiseFam
@ruby0622 in November 2021
Mapagpalang umaga sa ating lahat. Thank you Lord, new day, new life, new blessings. Makulimlim ang panahon ngayon parang uulan maganda lang kasi malamig. Tapos na ang long weekend kaya back to daily duties na mga kids hehe. Tapos na online class kaya activities naman ginagawa para hindi tambak ang sasagutan. Nag iisip naman ako ng lulutuin ko ngayon ano kaya mailuto ko, ito talaga mahirap isipin sa araw araw :)
Dahil bawal sa reception o venue ng kasal mga bata dito nalang kami sa room nagpapicture kung saan nakakulong mga kids dahil bawal sila sa reception ng kasal 18 pataas lang daw pwede ang higpit ng patakaran ng church. Sayang yung gown ng mga bata bumili pa sila tapos hindi pala makapaso last minute lang daw kasi ininform na bawal daw pala nakabili na sila ng mga gown. Naiwan tuloy kapatid ko dito sa room siya na rin nagbantay sa mga bata dahil may maliit din siya. Kaunti…
2 years ago mahigit na pala 'to, ito yung huling pasyal naming pamilya matatagpuan sa Residence Inn mini zoo ng tagaytay. Ang saya ng mga kids dito nagpapakain pa sila ng camel enjoyed na may halong takot nagpakain hehe. Pati 'tong ibon takot na takot hawakan katakot naman kasi ang mukha hindi siya friendly haha. Pero kahit takot na takot nakangiti parin gusto kasi talaga nila hawakan. Dito ko naranasan makahawak ng malaking ahas kaming buong pamilya hindi ko kaya hawakan…
My Girls! Madalas mapagkamalan talaga silang kambal lalo na kapag terno sila ng suot na damit dahil sa magkasunod lang sila ng edad. Nung baby pa sila nahirapan talaga akong mag-alaga dahil wala akong kasama sa bahay kapag nasa work asawa ko. Lalo na kapag nagkasakit sila ng sabay dobleng pagod at puyat talaga. Pero ngayon na malaki na sila nagpasalamat ako sa Diyos dahil magkasunod lang sila, para isang alaga lang hehe. Hindi man sila magkasundo sa lahat ng bagay pero…
Throwback muna :) Nung panahon na kumakayod si Inday para sa pamilya mahirap maging panganay tapos marami kang kapatid hehe pero masaya naman ngayong malalaki na. Maalala ko noon nag-aaral pa aabsent ka para magbantay ng kapatid. Ito yung panahon na kumakayod para sa pag-aaral ng mga kapatid at may bahay na pinapatayo kaya todo kayod si inday hindi sapat ang full time work kaya kailangan magpart time job. Pero sulit naman ang pagod nakita mong nakapagtapos mga kapatid at…
Cashless Transaction! Ang sarap ng meryenda na hapunan na rin hehe alanganin kasi pag order. Bukod dito sa noise.cash ito yung pinagkakaabalahan ko na earning app (Lyka) 1gem equivalent to 1peso. Magpost ka lang din at makakaearn ka ng gems. Malaki na rin naitulong ng Lyka app sa pamilya ko dalawang beses na akong nakapaggrocery gamit lang Lyka gems nung may LykaMall pa sila sa ngayon kasi stop muna ang opeartion kasi may inaayos pa. Hoping next year magiging maayos na at…
Ito yung ulam namin ngayon hapunan tamang tipid lang muna hehe Pero mahilig din talaga ako sa gulay at mga anak ko yung asawa ko lang hindi natutuwa haha diet siya kapag ganito ang ulam. Samantalang kami sarap na sarap hehe lalo na may tuyo kaya mapapadami kain. Ang ganda pa ng gulay na nabili ko presko yung sitaw at kalabasa kaya lalong masarap. Kayo ano hapunan nyo. Kain na guys :)
Isang mapagpalang araw kanoise fam! Tapos na daw sila sa mga activities nila today kaya ayan kanya kanyang panood sa gusto nila parang may exam lang seryoso nila haha. Pagbigyan Kasi tapos na sa mga gawain nila. Ayoko kasi maghabol kaya dapat kung anong activities today gawin na agad para hindi matambakan. Pananghalian na pala bumili nalang akong ulam tinamad magluto ngayon :) Enjoy your day noise fam. Ingat tayong lahat!
Ilang araw na din natambak kaya kailangan ng tupiin noong Linggo pa'to natuyo ngayon lang sinipag magtupi hehe. Ito talaga ang ayaw ko magtupi naantok ako lalo na kapag sobrang dami mas gusto ko pa maglaba kaysa ganito haha mabuti nalang may assistant ako :) Siya yung nag aalis ng hanger sa tutupiin ko katulong niya si bunso ito naman nag aayos ng hanger na tinanggal niya para hindi nakakalat. Mapadali talaga ang gawain kapag tulong tulong hehe. Katatapos lang nila kumain…
Magandang morning sa lahat! Ang ganda ng panahon ngayon. Thank you Lord, bagong buhay at bagong pag-asa. Breakfast time, nagluto lang akong ham ito request ni bunso na ulam ngayon. Magluto sana akong egg pero naubusan pala ako tamad na akong lumabas ng bahay para bumili hehe kaya ito nalang tapos may natirang tuyo sarap na ng agahan. Tinapay lang sana at kape ngayon pero nagutom ako kaya kain nalang ng kanin :) Madalas agahan ko talaga tinapay lang o kaya oatmeal diet daw si…
Magandang gabi ka noise! Dahil 11.11 ngayon nabusy kakapili para lng makamura. Dami sanang mapili yung budget lang ang problema hehe. Isa 'to sa napili ko Tshirt blouse ng mga dalaginding ko hehe naka 56k mahigit sold kasi 'to at maganda ang ratings ng product cotton din siya kaya binilhan ko tiglima sana lng hindi sila parehas ng design. Siguro kayo din busy kakapili ngayon sa 11.11 promo. Enjoy your night noisefam !
Lunch time na kanoise, kaya ito nagluto akong sinigang pananghalian requested ng mga kids. Kapag karne kasi na may sabaw sinigang gusto nila hindi mahilig sa Nilaga. Pinabili ko si mister ng karne at gulay yun lang hindi talaga marunong pumili ng gulay. Yung sitaw na binili ilang araw na yata naka stock kasi tuyot na at daming butas yung dahon ng kangkong. Kaya tuwang tuwa talaga ang tindera kapag siya ang bumili kasi mukhang hindi na mabebenta bibilhan niya haha. Sa…
Mapagapalang gabi kaingay :) Gusto ko lang magpasalamat for these two generous ladies @Glendz09 @kreska sa pagshare ng blessings nila. Higit po kayong pagpalain ng Panginoon. Magandang regalo ito sa aking 1month celebration dito sa noise.cash. At maraming salamat din sa mga sumusuporta at naka 500 subscribers na ako in a month. Thank you sa inyong lahat mag enjoy lang po tayo at the same time kumikita diba ang saya haha. More earnings sa ating lahat!
Yeeyy! Nakalabas daw uli sila ng bahay haha tuwang tuwa mga kids nakatravel din. kararating lang namin dito sa tagaytay may schedule kasi kami ni hubby mamayang hapon for national ID sa tagaytay Robinson kaya iwanan namin mga kids sa Lola may furniture shop (synthetic rattan) kasi sila dito sa tagaytay. Maganda sana bababa para magpicture taking haha pero nagmamadali mga in-laws ko maraming gawa daw ngayon kaya hindi na huminto para sana picturan yung Bulkang Taal. Kaya dito…
Done Biometrics Registration! Kakauwi lang galing Robinson Tagaytay para sa Biometrics Registration namin ni hubby sa national ID. Mabuti nalang walang pila kaya ang bilis lang namin 10mins lang yata tapos na. Nagpahatid lang kami sa biyenan ko akala namin matatagalan kami kaya hindi na kami nagpahintay. Nagcommute lang kami pauwi. Pumunta muna kami sa fora mall para bumiling tinapay ramdam mo na talaga ang pasko sa mall sa mga tugtugin :) Matrapik na din marami ng…
Ito yung display ng mga in-laws ko sa kanilang furniture shop dito sa tagaytay. Umalis kasi mga kids kasama lolo at lola kaya ako muna nagbabantay ngayon kaya habang walang customer ito dotdot lang hehe. Maganda na panahon ngayon maaraw na kahapon kasi makulimlim at umaambon. Mamayang hapon na daw mamasyal sana makapasok na mga bata sa pasyalan punta daw sa picnic grove after lunch. Uuwi na rin kasi mamayang hapon o bukas ng maaga dahil pasukan na naman mga kids bukas. Kaya…
Bawal parin sa Pasyalan! Nagpunta kaming Picnic Grove Tagaytay kanina para ipasyal mga kids. At dismayado kami lalo na si bunso Kasi bawal pa daw ang bata. Kaya sabi ni bunso "It's unfair!Why we can't go inside" natawa nalang kami sa kanya excited na kasi sila mamasyal ng ate niya tapos bawal parin. Kaya pumunta nalang kami sa likod ng fora mall tapos ganun parin nakapagpicture lang saglit pinaalis uli kami ng guard. Kaya ang ending si bunso umiyak hahaha
Happy lunch kaingay! Ito ulam namin pananghalian tinolang manok niluto ni hubby. Walang mabili na dahon ng sili o malunggay dito kaya sayote nalang gulay niya. Habang kumakain nagbabantay naman sa furniture shop ng hipag ko umalis kasi sila halos magkatabi lang ng pwesto sa mga biyenan ko. Hindi natuloy pag uwi namin mamayang hapon nalang daw para hindi mainit sa byahe. Kaya dito nalang nag online class mga kids kanina maingay lang dahil tabi ng highway yung pwesto nila…
Mapagpalang gabi sa lahat! Sobrang busy today kaya ngayon lang uli nakapagpost, natuwa lang ako sa road light kaya pinicturan ko malabo nga lang hehe. Ito yung time na pauwi kami kagabi dito sa dasma naabutan na ng gabi sa kalsada kaya pagod na pagod pagdting. Kahit nakaupo ka lang buong biyahe nakakapagod parin medyo matrapik na rin kasi. Meron part ng kalsada sa tagaytay ganito siya may road light pero hindi raw lahat. Sana ganito lahat ng kalsada nakakatulong ito upang…
Tapos na mga activities today kaya hayahay na sila hahaha. Kaysa magroblox palagi yan muna laruin puro nalang kasi roblox kapag free time nila pero may limit parin sa paglalaro. Ito nilalaro nila Pop It kapag hindi nagroroblox paunahan sila minsan hindi maiwasan ang away kapag may natatalo haha. #PopIt
Lunch Time! Tuwang -tuwa mga anak ko sa ulam namin tinolang isda paborito nila kasi 'to. Nilagyan ko ng malunggay at saluyot wala kasing alugbate masarap sana meron nun. Mabuti nalang yung pinabili kung mga gulay kay mister ay maaayos presko pa nakatsamba siya ngayon haha. Madalas kasi hindi na presko nabibili niya hindi marunong pumili ng gulay. At yun dahil ito ulam namin diet na naman asawa ko hahaha kami lang sarap na sarap higop ng sabaw. Yung pritong alamang nalang daw…
Appreciation Post! Gusto ko lang magpasalamat bago matulog sa mga taong nagshare ng blessings nila. More blessings sa inyong lahat mas higit pa ang ibabalik ni Lord. Ayan collage ko na para isang picture lang upload ko hirap pa naman mag upload ng picture ang tagal haha. Maraming salamat uli sa inyo more earnings pa dito kay noise.cash. Blessed night noisefam.
Isang taon na pala nakalipas sa picture na'to parang kailan lang bilis talaga ng panahon. Matutulog na sila nito natutuwa lang ako sa terno pajama nila kaya nagpicture taking muna bago matulog hehe. Bili yan ng Lola nila kapag bumili ng damit sa kanila terno lagi ang dalawa Kaya napagkakamalan na kambal. Blessed midnight noisefam. #NoiseCash
Movie Night! It's weekend kaya movie night namin. Dahil nasira na yung t.v. namin dito nalang kami sa monitor nanood. Seryoso yung dalawang girls ko sa pinapanood nila yun kasi request nila panoorin "Transformer: The Last Knight". At hindi mawawala ang papakin na chips habang nanonood. Let's enjoy the weekend with family. Have a blessed night to all noisefam. #MovieNight #Transformer #BlessedSaturday #NoiseCash
Mapagpalang umaga noisefam! Picture daw sila with Jollibee, ito yung last nilang pasyal bago magpandemic sa tagaytay. Ang saya nila dito lalo na nakapagpapicture pa kay Jollibee pagkatapos mamasyal. Kabaligtaran naman nangyari sa huli naming pasyal sa tagaytay nakaraang linggo na disappointed talaga si bunso at naiiyak sa sama ng loob dahil hindi makapasok sa pasyalan haha. Payat days pa ng panganay ko dito medyo lumusog lang nung nagkapandemic siguro dahil hindi na stress…
Baguio Trip 2018! Ito yung unang pasyal namin buong pamilya sa Baguio City. Nag stay rin kami ng 3days doon ang haba din ng byahe mula dito sa cavite papuntang Baguio gabi pa lang umalis na kami para umaga nandun na kami. Nakakapagod ang byahe lalo na may mga bata pero sulit naman masaya sobrang lamig rin talaga rin doon kasi madaling din kami dumating. Ito yung picture naming magkakapatid na babae kasama si mader siya yung muse namin kaya center siya hehe. Kailan kaya…
Mapagpalang gabi noise fam! Pasasalamat Post! Lubos akong nagpapasalamat sa mga taong nagbahagi ng pagapapala nila. Hindi man tayo magkakilala personally pero mapalad ako na isa sa nabahagian ng blessings niyo. Lalo po kayong pagpalain ng Panginoon sa pagiging generous nyong lahat. Sobrang thank you po talaga sa inyong lahat. Bukas ang schedule ko ng vaccine 2nd dose kaya kailangan matulog ng maaga bawal magpuyat. Sana lang wala masyadong pila para mabilis makauwi. Bukas…
Vaccine Day! Natapos na din fully vaccinated na talaga booster naman daw after 6months. Ang haba ng pila pagdating pa lang namin haba na pila sa labas mabuti nalang nasa loob na kami nung biglang lumakas ang ulan. Medyo ngalay na ngayon yung braso ko na may turok. Awa ng Diyos wala namang naramdaman bukod sa pangangalay uminom kasi kaagad akong maraming tubig at gamot na rin, Sana kinabukasan nito hindi ako lagnatin kasi nung first dose nilagnat ako kinabukasan. Hindi rin…
Appreciation Post! Before I sleep, I would like to say thank you so much for these two generous noisemates for sharing their blessings again. May God continue to bless you more and more. My arm is a bit sore due to vaccination early this morning. I want take a rest and sleep early. Have a good and blessed night noise fam. Tomorrow again. God Bless us all!
Mapagpalang hapon noise fam! Dahil walang pasok ngayon late na nagising mga junakis pati narin ang nanay hehe. Nilalagnat din kasi ako kahapon dahil sa bakuna ko nakaraang araw. Siguro dahil sa sakit ng braso kong may turok. Late na maisipan ang pananghalian dahil late naman breakfast kanina kaya busog pa tinapos pa kasi namin mga activities na hindi nagawa nila kahapon. Tinamad na rin akong magluto kaya bumili nalang ng ulam. Tapos nung maghain na ako hindi pa pala…
Meryenda Time! Tinanghali na naman nagising kanina dahil napuyat si inday mabuti nalang paggising ko magsampay nalang nakalaba na ang mabait kong asawa haha. Habang nagwowork nakasalang daw ang labahan tapos pag out niya ng 7am saka na niya binanlawan. Maganda rin talaga work from home makatulong sa gawaing bahay tapos tipid pa sa pamasahe at baon hehe. Late na tanghalian at ito meryenda na naman dessert na din hehe kain tayo guys palitaw na may sesame seeds at brown sugar…
Dahil weekend ngayon it's movie night daw. Last week transformers:The Last knight pinanood ngayon transformers part one naman. Hindi nagsawa, next week transformers part two na naman daw hehe. Family bonding narin namin every weekend manood ng movie ganitong araw lang din kasi bukas may pasok kinabukasan. Lahat naman siguro tayo kapag weekend bonding time talaga sa family natin. Enjoy noise fam and always spend time with your family. Have a blessed Saturday night.
Blessed weekend noise fam! Damang-dama ko na talaga ang Pasko ang dami kong natanggap na regalo. Maraming salamat noise.cash sa free tips at ganun din sa mga noisemates na mababait. Nung nakita ko kagabi may nagpost nakatanggap siya ng free tips sabi ko sana ako din makatanggap hehe. At thank you Lord nakatanggap talaga ako ng free tips hindi lang isa o dalawa sobra pa kaya nagpapasalamat ako at isa sa nabiyayaan ng free tips. Maraming salamat sa mga friendly and generous…
Ang saya ng mama ko ng time na'to sa sobrang saya niya napaiyak talaga siya. First time kasi mangyari na may ganitong pasurprise birthday gift sa kanya. Last year of December pa'to nangyari, nagulat pa siya ng may pumunta nagpakilala na taga IATF daw sinita si mama ko dahil may pandemic bakit daw sila may salo-salo sabi ni mama mga kamag-anak lang naman nandun. Hindi alam ni mama na yun na pala pasurprise birthday sa kanya nagdeliver sa bahay hindi lang makapasok yung…