Mapagpalang hapon noise fam! Dahil walang pasok ngayon late na nagising mga junakis pati narin ang nanay hehe. Nilalagnat din kasi ako kahapon dahil sa bakuna ko nakaraang araw. Siguro dahil sa sakit ng braso kong may turok. Late na maisipan ang pananghalian dahil late naman breakfast kanina kaya busog pa tinapos pa kasi namin mga activities na hindi nagawa nila kahapon. Tinamad na rin akong magluto kaya bumili nalang ng ulam. Tapos nung maghain na ako hindi pa pala nakasaing haha yung gutom kana tapos wala pa palang kanin. Nasanay kasi akong magsaing sa umaga sabay na sa tanghalian at hapunan. Nakalimutan ko hindi pala ako nakasaing kaninang umaga. Kumakain na mga anak ko kawawa naman gutom na daw sila haha
No comments yet