read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Done Biometrics Registration! Kakauwi lang galing Robinson Tagaytay para sa Biometrics Registration namin ni hubby sa national ID. Mabuti nalang walang pila kaya ang bilis lang namin 10mins lang yata tapos na. Nagpahatid lang kami sa biyenan ko akala namin matatagalan kami kaya hindi na kami nagpahintay. Nagcommute lang kami pauwi. Pumunta muna kami sa fora mall para bumiling tinapay ramdam mo na talaga ang pasko sa mall sa mga tugtugin :) Matrapik na din marami ng namamasyal dito pwede na daw kasi sa pasyalan mga bata. Pinag iisipan pa namin kung ngayon o bukas mamasyal minsan lang makagala kaya excited na mga kids.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.