Vaccine Day! Natapos na din fully vaccinated na talaga booster naman daw after 6months. Ang haba ng pila pagdating pa lang namin haba na pila sa labas mabuti nalang nasa loob na kami nung biglang lumakas ang ulan. Medyo ngalay na ngayon yung braso ko na may turok. Awa ng Diyos wala namang naramdaman bukod sa pangangalay uminom kasi kaagad akong maraming tubig at gamot na rin, Sana kinabukasan nito hindi ako lagnatin kasi nung first dose nilagnat ako kinabukasan. Hindi rin kasi kondisyon katawan ko that time puyat palagi kay noise haha ngayon second dose hindi na ako nagpupuyat. Pag uwi ko naghihintay naman mga activities ng mga anak ko nagpapa assist sa pagsagot. Katatapos lang namin gumawa kaya may time na kay noise.
14 comments
dumog talaga mga tao sa vaccination site . oarang di nauubos mga tao eh . hehe halos araw araw scenaryo ganyan .
Kaya nga sis...tinatangkilik pagpapabakuna kaya ganyan hehe
Congrats po! Finally fully vaccinated ka na! Rest na lang po muna kayo.
O nga sis need pahinga medyo masakit na ang turok.
saamin sis kanoise bawal ang kape At malansa,isang araw lang naman
Ahh ganun sis..after vaccine bawal ang kape dami dun SA briefing SA amin after Ng vaccine ok Lang daw.
saamin po binawal sya pero isang araw lang po
Ahh ganun sinabi kanina SA briefing alak at sigarilyo ang bawal in 24hrs Lang nman din.
opo pati alak at cigarette,ewan po sa kanila,hindi pare pareho ang binabawal nila pero sunod lang din isang araw lang naman po
Oo nga Hindi parehas kagaya kanina Sabi ko SA left arm Sana turukan uli para makakilos kilos parin ako. Sabi sa kanan Naman daw Kasi sa kaliwa Yung first dose. Pero Yung kasamahan ko pinapili Kung saang braso gusto iturok.
minsan po depende sa nagtuturok pero kami puro kaliwa,yung una hindi ko ramdam yung karayom Itong huli naramdaman ko yung paghila nya ng karayom medyo mabigat ang kamay nya pero di naman po kami nilagnat,pagdating sa bahay inom po agad ng tempra
Kaya nga sis magkaiba sila...pwede nmaan Pala kaliwa uli ang taray pa Ng nagturok sa akin hahaha wala naman akong naramdaman Ngayon second dose same nung first magaan kamay nila.
mabuti naman po kung ganon atleast magaan kamay nila
Oo nga sis bumawi Naman sa pagturok hindi masakit ang taray kasi pagod na siguro Kaya ang iinit Ng ulo nila Hindi mkasagot Ng maayos.