Paano Maging Mamamahayag sa Pilipinas? Kwento Ng Isang News Producer

14 140
Avatar for remofm
Written by
3 years ago

Bilang pagdiriwang sa huling araw ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, naglathala ako ng kauna-unahan kong Tagalog na artikulo.

Laman nito ang aking kwento bilang isang mamamahayag o journalist sa Pilipinas.

Sponsors of remofm
empty
empty
empty

Paano Ba Ako Naging Mamamahayag?

Isa akong Senior News Producer sa isa sa pinakapinagkakatiwalaang himpilan sa pagbabalita sa bansa. Pero hindi naging madali ang aking pagpasok sa industriya.

Nagsimula ako bilang isang intern sa kumpanya noong 2014.

Pagka-graduate ko bilang Magna cum Laude sa isang malaking unbersidad sa Maynila noong ding taong iyon, nag-apply ako at nakapasok bilang production assistant o PA sa parehong kumpanya.

Bilang PA, naging taga-print, taga-photocopy, taga-takbo ng scripts, taga-bili ng pagkain ng anchor at utusan ako sa opisina noon. Halos nabalewala ang mga pinag-aralan at award ko. Tumagal ako sa trabaho nang walong buwan.

Binago ko ang lahat. Nagpakitang-gilas ako na hindi lang ako mananatiling PA at kaya kong magsulat ng balita.

Sumubok ako maging news writer sa parehong kumpanya. Pinag-exam ako. Ilang linggo rin ang hinintay bago lumabas ang resulta na nakapasa ako.

Isinabak ako sa mga programa ng Sabado at Linggo. English ang lenggwahe namin sa pagbabalita.

Hanggang sa unti-unti nang napansin ang galing ko. Na­-promote ako bilang Junior News Producer at kalauna’y Senior News Producer.

Sa ngayon, pitong taon na ako sa parehong kumpanya. Sa tinagal-tagal ko, matatag na ang tiwala sa akin ng mga boss, news anchor, reporter, desk editor, at iba kong kasamahan sa opisina.

Ano Ba Ang Trabaho Ko?

Bilang Senior News Producer, trabaho kong magsulat ng balita. Responsibilidad ko at mga kapwa ko mamamahayag na ipaalam sa sambayanang Pilipino ang totoong kalagayan ng ating bansa lalo na ngayong pandemya, tuwing may bagyo, tuwing nag-aalboroto ang bulkan, at higit sa lahat, sa halalan.

Iba’t ibang balita ang isinusulat ko. May tungkol sa pulitika, kalusugan, at krimen. Kung minsa’y tungkol sa showbiz at trending na usapin sa social media. Ayoko lang magsulat ng tungkol sa sports at business dahil hindi ako pamilyar. Sa crypto, pwede pa!

Nagsusulat din ako ng mga tanong para sa interview ng mga iba’t ibang opisyal, politiko, at mga personalidad na kinakapanayam namin sa aming mga programa.

Puro Sulat Lang Ba?

Pagsusulat na may kasamang research at fact-checking ang pangunahin kong responsibilidad, pero bukod diyan, marami pa akong tinututukan sa trabaho.

Nariyan ang pagbuo ng tinatawag naming story line-up o rundown. Ito ang tahi ng bawat balitang ipinapalabas sa TV.

Sinisimulan ang rundown sa top stories o ‘yung pinakamaiinit na balita ngayong araw. Depende ito kung ano ang pinakabago o ‘di kaya’y breaking news. Maaaring tungkol ito sa Pangulo, pagdinig ng Senado o Kamara, krimen, pandemya, bagyo at iba pa. Isinasama rin ang mga balita sa mga probinsya gayundin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Karaniwang tinatapos ang isang news program sa isang masayang balita gaya ng showbiz o trending sa social media.

Itinatahi ‘yan lahat ng isang producer para makabuo ng programa na pasok sa ibinigay na air time ng istasyon. Karaniwang tumatagal ang mga programa ng 30 minuto hanggang isa’t kalahating oras.

Nariyan din ang pangunguna ko sa pag-eere ng mga programa.

Dalawang programa ang hawak ko, isang newscast at isang public service program. Parehong Tagalog ang lenggwaheng gamit namin sa pagbabalita. Kaya kung maikukumpara ninyo sa mga nakalipas kong article, mas matatas akong magsulat sa Tagalog kaysa sa English.

Bilang Senior News Producer, pinamumunuan ko ang isang team ng production staff sa loob ng tinatawag na control room (makikita ang halimbawa ng isang control room sa larawan sa taas).

Kung nanonood kayo ng balita, ang nakikita lang ninyo sa telebisyon ay ang news anchors na nagbabasa. Pero sa likod ng camera, may mga news producer at iba pang miyembro ng produksiyon na nagpapatakbo sa programa.

Tuwing umeere, galing sa producer ang command sa loob ng control room. Kami ang nagdedesisyon kung ano ang ipapalabas sa telebisyon at kung ano ang babasahin ng tagapagbalita.

Kami rin ang kumakausap sa news anchor habang umeere. Kung mapapansin ninyo, minsa’y may pinipindot sa tenga ang mga news anchor. Ibig sabihin nito, kausap namin sila mula sa control room.

Paano Tumatakbo Ang Araw Ng Isang Mamamahayag?

Sinisimulan at tinatapos ko ang aking araw ng nagbabasa ng balita.

Sa opisina namin, mayroon kaming group chat kung saan ipinapadala ang lahat ng balitang nakalap.

Binabasa ko ito isa-isa para makapag-desisyon ako kung ano ang dapat isama sa story line-up o rundown.

Bukod sa group chat, naka-monitor din ako sa social media kung saan sunod-sunod ding lumalabas ang mga balita.

Bukas din ang mga mata ko at tenga sa paligid para malaman ang hinaing ng simpleng mamamayan na pwedeng maging basehan ng isasama namin sa programa.

Paano Binago Ng Pandemya Ang Trabaho?

Malaki ang naging adjustment ko dahil sa pandemya.

Karamihan sa mga kasama ko sa programa, naka-work-from-home na ngayon para maiwasan ang siksikan sa opisina.

Sa anim na kasama ko, ako na lang ang naiwan sa control room.

Naging mahirap ito sa simula dahil kausap ko lang sila sa telepono o Zoom halos buong shift namin sa opisina. Hindi katulad dati, katabi ko lang sila tuwing may pagdedesisyunan kami para sa programa.

Panghuli, Mga Aral Na Natutunan Bilang Mamamahayag

Hindi madaling makapasok sa industriya ng pagbabalita kaya hindi ito dapat sinasayang.

Naging mahirap man ang pinagdaanan ko, nagbunga naman ito ng tagumpay ngayon.

Sa determisyon at kagustuhang matuto, magiging magaling tayo sa pinili nating propesyon.

May mga hamong dadating pero malalagpasan din natin.

Gusto mo bang malaman ang iba pang kwento ng isang news producer? Mag-iwan lang ng comment sa baba.

#journalist #storytime #news #pandemic

5
$ 1.37
$ 1.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @LucyStephanie
$ 0.10 from @bmjc98
+ 1
Avatar for remofm
Written by
3 years ago

Comments

Wow naman! Ang galing! Nag enjoy ako dito. Salamat for sharing. Nakaka hiya naman pag ikaw ang magbabasa ng articles ko if ever. 😅😅

$ 0.00
3 years ago

Aww. Thank you so much, bmjc98! It means a lot. I'm checking out your blogs now. Alam ko may nabasa na ako before or sa noise.cash ata 'yun. Nalimutan ko na sa dami ng nabasa ko. Hehe. Pero wala namang mali o tama sa pagsusulat, just be yourself! Salamat ulit!

Ang catchy ng titles and lede mo sa articles. Ang ganda!

$ 0.00
3 years ago

Lodi Sir! Nakaktuwa naman po pala ang inyong propesyon. Syempre sa taong nasa labas ng gera, ito ay "nakakalibang" para sa akin. Minsang pinangarap ko din pong maging manunulat. Pero siguro gawa na ding alam kong hindi ko matutuunan ng sapat na pasensya, minarapat ko na lang na ibang propesyon ang suungin. Parang ang sarap po dun sa control room.

Nakangiti po akong binabasa ang inyong isinulat. Salamat po sa pagbahagi!!!

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat, Pichi28! Habang binabasa ko 'yung comment mo, akala ko kasama kita sa industriya ng pagbabalita. Ang gaing mo ring magsulat! Masaya ako na napasaya kita sa pagbahagi ng kwento. Salamat ulit, Pichi28!

$ 0.00
3 years ago

Ay wow napakagaling naman! Welcome to read cash! Haha. Buti nakahabol kayo ng post for Buwan ng Wika.

Finally may "kilala" na akong news producer. Hehehe. Paano nyo nadiscover ang read cash? :)

$ 0.00
3 years ago

Hi, LucyStephanie! Nice "virtually" meeting you! Salamat sa pagbasa ng blog ko. Gagawa pa akong mas marami tungkol sa profession ko in the coming days. 'Yung officemate ko nag-introduce sa akin nito. Nabasa ko rin siya sa ibang noise.cash users. I always loved storytelling so this platform is really a fit for me. Since the beginning of the year, I have been planning to launch my own blogsite. But I don't know where to start. Good thing my friend introduced me to read.cash. Now, I'm fulfilling my plans and enjoying at the same time.

Ang daming sinabi. Salamat ulit, LucyStephanie!

$ 0.01
3 years ago

Haha e ano kung maraming sinabi, keribels. Hehe. Buti n lng inintroduce ka ng friend m. Bakit yung mga friends ko wala ako maimbita. hahahaha. Actually di ko pinapaalam sa iba 'to kasi malalaman nila mga pinagsusulat ko. Charrr. Haha.

$ 0.00
3 years ago

Haha! I invited my friends to join this platform, too. Pero hindi pa rin sila naniniwala sa crypto. So I don't wanna waste my time anymore. Haha! Pero I share my articles with them to spread positivity and inspiration. Binabasa naman nila.

$ 0.00
3 years ago

Hehe tama. Yung iba kasi di nila forte at iba mga hilig.

$ 0.00
3 years ago

Wow, kaya pala ang husay mong magsulat detalyado lahat.

Another article please yung mga behind the scenes naman.

$ 0.00
3 years ago

OMG! You sponsored me! Huhu. Sobrang saya ko, ganito pala feeling! Salamat ahh!

Sure! I'll publish more in the coming days. Gusto mo ba parang office tour? Pagbalik kong office, I'll take some photos para makita mo 'yung totoong behind the scenes. Working from home pa kasi ako ngayon eh.

Thank you ulit!

$ 0.00
3 years ago

Sige hintayin ko yang office tour mo.

You're welcome, you deserve it.

$ 0.00
3 years ago

Yes, gusto ko pang malaman ang mga behind the scenes at pano ginagawa ang balita!

Tama ka, kahit anong propesyon natin, gawin natin ito NG mahusay.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat, Grecy! Na-inspire mo ko namagsulat pa tungkol sa pagiging mamamahayag ko. Ililinya ko 'yung request mo ngayong linggo. Salamat ulit!

$ 0.00
3 years ago