Naiintindihan ko na si nanay.
Totoo ngang kawawa ako kapag nawala siya, dahil bukod sa marami pa akong ‘di alam na bagay, siya lang din ‘yong nakakaunawa sa akin ng tunay.
Totoo rin ‘yong sinabi niyang dapat matuto ako ng gawaing bahay, dahil sa ayaw ko man o gusto, darating ‘yong araw na mag-isa ko na lang haharapin ang buhay.
Tama rin pala ‘yong sinabi niyang dapat kayanin kong mag-isa, dahil ‘di siya palaging nandiyan para maghanap ng mga bagay na ‘di ko makita. Sasapit kasi ‘yong araw na ‘di ko na siya mapagtatanungan kung saan ba nakalagay ang suklay o kung tuyo na ba ang damit na nakasampay.
Naiintindihan ko na si Nanay. Kaya pala nakukuha niyang magalit, dahil hindi biro ang buhay.
At kaya pala palagi niyang binabanggit na ‘wag akong umuwi nang gabi, dahil darating ang araw na minsanan na lang ako sa amin lalagi. Sinusulit niya pala ‘yong mga sandali.
Sa totoo lang, hindi ko namalayang ang tanda na pala ni nanay. At sana nga, ‘wag munang siyang bawiin ng langit kapag nasa rurok na ako ng tagumpay.