lmas nakakatakot pala ang emosyon at reyalisasyong pwedeng ipamalas ng pahinga...

mas nakakatakot maramdaman ang pag-iisa na para bang kahit anong gawin mo, wala ka nang ibang matatakbuhan o makakaunawa sa mga bagay na hindi mo kailanman magawang masabi sa iba;

mas nakakatakot pala ’yong katotohanang ni kailan, hindi ka nakausad o naghilom sa mga sugat at pasakit na paulit-ulit ipiniramdam sa’yo ng mga taong tinanggap at niyakap mo ng mahigpit at buong-buo;

mas nakakatakot maramdaman at matanto na hindi ka pa rin naman talaga buo, na pinipilit at pinapaniwala mo lang ang sarili mong maayos ang lahat kahit hindi iyon ang totoo...

1
$
User's avatar
@re-joyce posted 2 months ago

Comments