Si Ryan

2 9
Avatar for rakshata
4 years ago

Nag-uusap ang magkaklase ng seksyon Rizal sa kantina. Magkakaroon ng Youth Camp sa Antipolo ang mga mag-aaral ng St. Camilius High School. Lahat ay excited maliban kay Ryan. Sasama siya dahil siya lamang ang maiiwan sa kanilang pangkat. Ayaw man niya, walang mabigat na dahilan para hindi siya sumama. Wala naman dito ang mga magulang niya. Ang mommy niya ay nasa Australia at nagtatrabaho sa isang ospital bilang Nurse, ang daddy niya ay isang seaman. Sa kaniyang lola siya nakatira, isang retired teacher. May yaya siyang nag-aasikaso ng kanyang mga pangangailangan. Sobra-sobra ang perang ipinapadala sa kanya ng mga magulang niya. Ang kuwarto niya'y puno ng mga gamit na ipinapadala sa kanya. Pakiramdam niya'y parang nagpapaligsahan sila ng pagbili ng mga gamit niya.

"Kung alam lang nila," ito ang madalas niyang sambitin sa sarili, kapag binabati ng mga kaklase ang bagong sapatos, relo, t-shirt, bag na padala sa kanya.

"Nakakainggit ka naman, sana mga parents ko nag-abroad din." Ito ang naririnig niya sa mga kaklase't kaibigan. Hindi siya mahilig magkwento sa buhay niya. Marami siyang barkada, may mayamang-mayaman na ang magulang ay kapiling nila, may galing sa broken family, may kaklase siyang ang nanay ay single parent at mayroon namang ulila ng lubos at nakikitira sa isang kamag-anak.

"Mabuti pa nga ulila na lang ako," nasasabi niya kapag nag-iisa na siya sa kanyang kuwarto. Palibhasa'y isang reitradong titser ang kanyang lola, at may pagkaistrikto ito sa oras ng pag-uwi.

"Naku may paraan diyan," turo ng isang kaklaseng spoiled sa magulang at mga lolo't lola dahil 'Unico Hijo' sa pamilya. "Cutting classes" tapos uuwi tayo sa oras sa bahay. Unang absent niya, sumama siya sa panonood ng sine, sinundan ito ng pagpunta sa computer center, mall at billiard hall. Huling taon niya sa Highschool at huling pagkakataon ang ibinibigay ng kanyang lola.

"Kapag hindi ka pa nakapasa, ibibigay kita sa mga lola mo sa probinsiya. Bahala na sila sa iyo," sambit ng kanyang lola.

Kaya ngayon, kailangan siyang magpakabuti sa pag-aaral at ang pagsama sa youth camp ay isang activity na kailangan niyang salihan kung hindi lalo siyang hindi makakapasa.

Unang gabi sa Antipolo, hindi niya nagustuhan ang pagkain, ang grupo nila ang natoka sa paghuhugas ng plato at pagliligpit sa pinagkainan. Mga gawaing hindi niya nagagawa sa bahay.

"Walang mayaman dito, lahat mabibigyan ng duty sa tatlong araw ninyo dito." Ito ang paunang salita ng coordinator. Nang ikalawang araw medyo seryoso ang activity. Dito niya naunawaan ang Parable of the Talent na ipinaliwanag chaplain.

"Ano na nga ba ang ginawa ko sa aking buhay? Naging mapaghanap ako sa mga magulang ko, sana mapatunayan ko sa kanila na mahal ko sila."


5
$ 0.01
$ 0.01 from @Hiecho
Avatar for rakshata
4 years ago

Comments

Nice article

$ 0.00
4 years ago

thank you! =)

$ 0.00
4 years ago