My First Thoughts About Read.Cash: Tagalog Version
Ito ang pangalawa kong artikulo simula ng sumali ako sa platform ng read.cash. Noong una, nagdalawang isip pa akong sumali dito kasi ang dami ko ng sinalihan na mga apps para kumita o makahanap ng additional income pero sa bandang huli ay isang panaginip lamang.
Naisip kong marinig ko ang Read.cash ng unang beses ay gulat ako kasi meron bang ganyang online platform na gagawa ka ng isang artikulo at ay magbibigay sayo ng tip. Mahirap ang ganun kasi kailangan ay orihinal ang gawa ng isang artikulo na ginawa mo. Walang bahin na pagsisinungaling at walang bahid na plagirism ng isang konsepto.
Mga ilang araw pa lang ako dito sa read.cash ay marami na akong natutunan. Una, nagsimula muna ako sa pagbabasa ng mga artikulo sa mga miyembro nito. Meron ng nag-published ng mga artikulo sa wikang tagalog at meron naman ay sa wikang english. Kahit ibang lenggwahe ka pa , acceptable po ang lahat.Maganda ang kinalalabasan sa mga komento ko sa kanilang mga ginawa dahil nagbibigay din sila ng tip na lubos kong ikinaliligaya.
Maganda ang mga pamagat ng mga ginawa nilang artikulo kasi base na rin sa panahon ngayon. Mga pangyayari pero higit sa lahat ang Read.cash ay hango ito din ito sa Bitcoin o ang makabagong digital currency.
Meron akong nabasa na artikulo about Bitcoin kung kaya lumawak ang pag-iisip ko sa Bitcoin. Kung makagagawa ka ng isang artikulo na ang paksa ay Cryptocurrency ay mas maganda. Pero meron din iba na sumubok gumawa ng artikulo na base sa araw-araw nilang gawain at mga pangyayari sa lipunan.
Lalo na ngayon, panahon na ng mga Puso, pwede ka gagawa ng artikulo na galing sa loob mo o ang pagmamahal sa isang tao at kung sino at ano paman.
Nang makagawa ako ng isang artikulo, akala ko wala talagang papansin sa ginawa ko, at salamat naman at may nag mungkahi sa akin na gagawa pa ako ng marami. Meron din nag welcome sa akin na ikinagagalak ko kasi napansin nila ang ginawa ko.
Wala akong masabi sa platform na ito bukod sa legit ay nakakatulong pa sa amin. Kailangan mo talaga ang sipag at pasensya kasi pareha lang 'to na nagtratrabaho tayo sa isang sulok na nakikita literal ng mga tao at galaw natin.
Nagulat din ako kasi, sa anim na araw meron na akong pitong (7) subscribers. Aaminin ko sa sarili ko na baka mahirapan akong makakuha ng subscriber kasi baguhan lang pero nakikita ko naman na meron na po akong pito accounts na nagsubscribe sa akin . Ang ibig sabihin ay meron ng nagtitiwala sa akin sa ginawa kong artikulo at sa pagkomento ko sa ga artikulo nilang ginawa.
Mahirap po sa umpisa pero sa katagalan alam mo na kung ano ang gagawin at para sa akin ay walang katulad ang online platform na ito. Hindi talaga ako nagsisi kahit hindi pa ako napansin ni Rusty. At isa pa, bago pa lang ako marami pa akong gagawin sa susunod pang mga oras kaya relax at gagawa ka pa ng mga maraming artikulo.
leadimag6e@google.com
Madami na tayong newbie, lets enjoy the freedom of expression here sa read.cash welcome and looking forward sa mga articles mo😊 *sending virtual hugs