Nasan na?

0 16
Avatar for prey27
Written by
4 years ago

Sayang na oras sa paghinhintay sa wala

ni hindi manlang nagparamdam

biglang naglahong bula

Nagbigay ng panahon at ngayon ay huli na

huli na upang mabawi ang ginugol na oras sa pagtawag ng iyong ngalan

nagsisisi na at ngayon ay nagdurusa

umasa na sa huli ay mababalik

subalit biglang naglahong bula...

ni hindi nagparamdam ngayon ay nasan na?

tiwala ko'y binigay ngunit nasira at huli na..

( Kamusta na kaya yung may mga utang sa akin ) dapat pa ba akong umasa?? o huli na?

2
$ 0.00
Sponsors of prey27
empty
empty
empty

Comments

Naku naku! Pansin ko sa mga uutang, kapag sila uutang laging nagpapakita. Mabilis makita. Laging nandyan kapag may kailangan. Pero kapag oras ng bayaran, ni anino di mo makita. Mabilis pa sa kidlat kung magtago. Magagalit pa yan kapag siningil. Sila na nga nangutang sila pa ang galit. Kaya tuloy minsan nakakahiya na maningil.

$ 0.00
4 years ago

hahaha oo ramdam mo rin? mahiyain pa naman ako, nahihiya ako sa kanila diba ang babait.. kanya kanya reason naman kung bakit madalas hindi nakakabayad ng utang, minsan ugali na rin nila talaga or modus? kaibigan kuno close close muna tapos pag naawa ka... ayown na.. :( pinaghirapan mo , papangakuan ka tapos bye bye na.. ang masaklap ibablock ka pa, okay lang sana kung maliit na halaga ...

$ 0.00
4 years ago

Oo ganyan sila. Yung magbabait baitan pagmay kailangan yung pala mangungutang lang. Ako na nga lang ang nahihiya kapag naniningil. Yung dadaanin ka sa galit at sigaw para hindi sila magbayad ng utang. Kainis yung mga ganun. Meron pang isa, yung mga nakakalimot KUNO ng utang. Yung kunwaru nakalimutan nila yung utang nila kahit alam naman nila. Mga modus nila para hindi lang magbayad.

$ 0.00
4 years ago

Loan amnesia ata tawag dun eh! hahaha di nila alam na may utang sila tapos sasabihin pa na " ay may utang ba ako? pasencya ka na nagastos ko na eh or wala pa akong trabaho , mahina kita, bukas nalang pwede,? pagbalik kinaumagahan kakatok ka sa bahay nila then sasabihin ng anak wala po si nanay.. umalis po hahahah pero? hay nako lam na this...

ano ba magandang gawin? pangit naman magshame post

$ 0.00
4 years ago

Yun pala tawag dun! Hahaha

$ 0.00
4 years ago

hahaha opo! May kaibigan akong bumbay tapos lagi niya nakukuwento sa akin tungkol sa mga nakautang sa kanya', eh matalino yung kaibigan kaya ala lusot.

$ 0.00
4 years ago

Hehehe, ganyan tlga Ang in. Minsan nagpapa importante pa hehehe. Basta dapat Lang wag tayong laging aasa na may forever. Para hindi Tayo masasaktan๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

or else wag nalang magpautang... pd ba yon? ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Hahahahah utang pala akala ko tao eh! Basta utang talaga minsan ikaw pa yung mahihiya maningil dahil sa rason nila na ganyan blah blah hahahaha

$ 0.00
4 years ago

haha ayos ah kala ko pag ibig hahaha utang pala.....baka gipit lang kaw naman

$ 0.00
4 years ago

hahaha.. irony ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Hahaha! Galing mag isip hahaha! More isip pa neng para sa ekonomiya ng bansa. Love lots! Ciao! ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

hahahahah! just kind of a litle twist it has ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago