Hello read.cash family. Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko. Grabe yung nangyari sa akin kahapon. Hindi nga ako nagpopost tungkol sa mga kandidato, nadamay pa ako. Grabe makapag salita yung biyenan ko, sobrang iyak ko kahapon. Inutusan lang naman ako ng kapitbahay namin na tanungin sila kung saan talaga sila red or yellow dahil di naman sila nagkakausap kaya ako ang inutusan, kasi magka away sila. Nagtanong lang naman ako tapos inakusahan pa ako na nag sumbong kahit hindi ko naman ginawa, pinipilit talaga na nag sumbong daw ako, sinabihan pa ako na tanga at walang isip, mamamatay daw sila dahil sa akin. Gusto kasi ng byenan ko na magkapera sila sa pula at dilaw. Iyak ako ng iyak kahapon, di nga ako pinagsalitaan ng magulang ko ng ganun😠Tapos yung biyenan ko kung anu-ano pinagsasabi sa akin, pinipilit niya talaga na nagsumbong daw ako na nakakuha din sila ng card sa dilaw... Buti nalang andito yung asawa ko. Siya lang ang tangi kong karamay dito pag yung byenan ko pinagdidiskitahan ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanilang masama.😢
Pasensya na kayo, dito ko lang inilabas. Wala kasi akong mapagsabihan na iba.
Comments
oo sis, alam ko din naman hindi ako mananalo kahit makipag sagutan pa ako. Tsaka hindi rn ako ganun kahit nga sa magulang ko never ako sumagot pg pinapagalitan ako. Hayaan ko nalang siya
Huwag mo nalang masyado pansinin sis,basta alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang mga sinasabi nila
Dko lang maiwasan sis, masakit pa din yung mga sinabi sakin. Kung d lang byenan ko, baka kahit kailan dko na pansinin yun.
Masakit naman talaga sis,ilabas mo nalang sama ng loob mo sa asawa mo,maiintindihan ka noon.swertehan lang din talaga sa biyenan minsan
oo sis sinabihan ko na asawa ko, kaya nga swerte ng may byenan na mabait
Sa awa diyos sis mabait byenan ko,umiyak pa yun noong pauwi na kami nong ngbakasyon kami sa kanila
buti kapa sis, namiss agd kayo
my mga tao talagang ganun sis.hayaan mo na lang ang importante eh alam mong wala kang ginagawang masama
Kaya nga sis. Hinayaan ko nalang bahala sya kong ano gsto nya sabihn sakin
Minsan sa ibang tao mo talaga mararanasan yung mga hindi mo naranasan sa pamilya mo sis katulad ko sa iba ako nakaranas ng masasakit na salita. Hindi kayo mag kasundo ni biyenan mo sis diba nakabukod naman na kayo?
Kaya nga sis sobrang sakit di ba.. Grabe makapag salita.. Magkasundo naman sis, minsan talaga may topak yun. Oo sis naka bukod kami pero katabi lang ng bahay nila.
hayaan mo teh...tahimik.knlang...ksi pg ngsalita kpa mas mgiging msama ka..bsta alam mo po s srili mo.wla k gmawa na msama...