PINAKA ng mga Pilipino

2 48
Avatar for nakednose
2 years ago

Ang Pilipinas ay may iba’t ibang lalawigan, katangian, pinaggalingan at kultura. Ngunit, ang pagiging isang Pilipino ay mayroong mga katangian na lahat ay mayroon kahit saan mang lalawigan galing, maging mabuti o masama, may natatanging katangian ang pagiging isang Pilipino.

Mag simula muna tayo sa PINAKA di kanais nais na katangian ng pagiging isang Pilipino:

UTAK TALANGKA o “crab mentality”. Isa ito sa pinaka nakakainis at nakakalungkot na paguugali ng mga Pilipino na ang hirap baguhin. Tinatawag na utak talangka ang isang tao kapag nais nyang makaangat sa buhay pero sa pamamagitan ng paghatak sa iba nang pababa. Makikita ang ganitong paguugali maaring kahit saan pero papular ito sa politika at sa paalaran, minsan pa nga sa loob ng magkakaibigan.

COLONIAL MENTALITY.  Ang hilig ng mga Pilipino na tangkilikin ang mga bagay bagay galling sa mga banyaga. Ang ugaling ito ng mga Pilipino ay mula sa mga banyagang sumakop sa Pilipinas.

FILIPINO TIME. Isa ito sa pinakamalala na ugali at kinasanayan ng mga Pilipino. Itinuring na nga ng iba na sakit ito, na nangangahulugang pagiging wala sa tamang oras o HULI. Kapag sinabi ng ganitong oras, darating pa sila matapos ng isang bahagyang oras. 

Ilan lamang yan sa di natatangi na paguugali ng mga Pilipino, pero huwag naman natin kalimutan ang PINAKA magagandang ugali natin na namana natinsa ating mga ninuno at nakuha mula pa sa mga mananakop. 

MAKADIYOS. Ang pagtiwala sa panginoon ay isa pinakamagandang katangian ng mga Pilipino. Naniniwala sila na ang lahat ng kanilang gagawin ay may patnubay mula sa Panginoon. 

HOSPITALITY. Ang pagiging “hospitable” ay hingi nawawala sa katangian ng isang Pilipino. Kilala ang mga Pilipino sa mabuting pakikitungo sa iba maging sa kapawa Pilipino pa man o sa mga dayuhan. Magiliw at mabuting pagtanggap sa mga bisita ang lagging naihahatid ng mga Pilipino. 

PAGIGING POSITIBO AT MASIYAHIN. Kahit na ang mga Pilipino ay may hinaharap na problema nagagawa padin nilang ngumiti. May mga panahon man na nakaranas ang mga Pilipino na matitinding pananalasa ng bagyo at kahit ano pamang sakuna, nakukuha parin ng mga Pilipino na ngumuti at tumawa. Dahil dito, nakakakuha ang mga Pilipino ng lakas ng loob upang harapin ang kahit anong hagupit sa buhay.


Sponsors of nakednose
empty
empty
empty

6
$ 2.05
$ 2.05 from @TheRandomRewarder
Avatar for nakednose
2 years ago

Comments

As you say, Filipinos are a good people. That makes a country respectable!

$ 0.00
2 years ago

Tama ka sa mga nasabi mo. Maka Diyos talaga ang mga Pilipino, at isa pa masiyahin tayo, nakakatawa pa pag may problema. Nakakaraos din kaya nakakatawa

$ 0.00
2 years ago