INGREDIENTS:
🍞 Pan ( kahit ilang piraso gusto mo basta dapat pares ) Gardenia for me😊
🌭 Hotdog ( beks, 2:3 sya,meaning 2 hotdogs kasya sa 3 pares ng pan,gets?😂)
🥚Eggs (2:3 din ang sukatan nya sis)
🧀 Cheese (Eden cheese for me,depende sayo kung gaano karami gusto mo ilagay)
Butter
🧂Salt, Pepper & Sugar (Pinch to taste)
🥣Mayonnaise
INSTRUCTIONS:
📌Iprito mo muna yung hotdog sis,baka kasi hindi kumakain ng hilaw yung mga kasama mo. Saka diba mas masarap pag luto yung hotdog? huwag kang ano jan😂😂😂
📌After mo iprito,palamigin mo onte,para di ka mapaso bes o kaya gamit ka tongs😁 hiwain maliliit ang fried hotdog.
📌Slice mo na rin yung cheese beks. Tantyahin mo na lang,depende sayo kung gaano kakapal ang hiwa kasi magmemelt din naman yan. Pero if i were you, huwag sobrang kapal kasi nakakasuya, lahat ng sobra masama at nakakasawa😂😂😂
📌Pahiran mo na ng mayonnaise yung isang side ng pan. It's up to you kung gaano kadami basta alam mo na yan matanda ka na😁😁😁
📌Tapos ipatong mo yung cheese sa side ng pan na may mayonnaise.
📌Then,ilagay mo na yung sliced hotdogs sa ibabaw ng cheese.
📌Ipatong mo na yung kapares ng pan mo.Medyo diinan mong konti para magdikit yung dalawang pan. Basta konting diin lang beks ha baka sa sobrang gigil mo akala mo mukha ng chismosang kapitbahay nyo na yan😆😆😆
📌Ilagay ang itlog sa mangkok,lagyan mo ng konting salt,pepper at sugar,pwde mo din lagyan ng konting milk para mas malinamnam tska mo batihin
📌Dip the sandwich that you made a while ago on the egg syrup(English yun bes). Huwag mo masyado ibabad kasi baka maubos agad yung egg syrup mo kawawa naman yung ibang sandwich baka wala ng matira😅 Dapat pantay lahat bes,walang bias,walang nananamantala,walang corrupt,hindi dapat kakilala lang yung nabibigyan ng SAP😂🤭
📌Lagyan mo ng butter yung pan,dun na lang din sa pinagprituhan mo ng hotdog kanina.
📌Iprito mo na yung sandwich na ginawa mo.Low fire lang sis ha.Remember,bantayan mo maigi kasi may butter yan kaya mas mabilis masunog,mamaya ka na muna makipag kwentuhan o manood ng Netflix jan😆
Tadaaa.. Luto na ang ating Pizza ala Riza🍕🍕🍕
Happy eating mga mars😋😋😋
Wow salamat po sa pag published ng iyong article ng diy pizza npa crave tuloyt ako umagang umaga s pizza sakto yan pagaya ko yan ke esmi na gawin d2 s bhay png handa s fathers day sarap talaga ang pizza sobra sabi nila ang mga italiano ang pnka mgaling gumawa ng pizza pero s tingin ko d2 lang pla sa read cash ng lalagi hehehe.