breakfast😋🍲
marahil alam na po ninyo na ang mga instant noodles ay di maganda sa ating kalusugan. hindi po sya healthy kumbaga. pero sa kagaya ko na pinapahalagahan ko yung kalusugan ko pero gustong kumain ng mga instant noodles. meron po tayong paraan para makakain pa din po tayo ng instant noodles.
paano sya gawing healthy noodles???
ganito po yun,pakuluan nyo po muna yung noodles,wag po masyadong lutuin yung noodles. isang kulo lng pwede na,tapos itapon nyo po yung tubig.
magpakulo ulit ng tubig at ilagay yung kung anong gulay po na meron kayo.o kung anong gulay gusto nyo. pag medyo luto na yung gulay nyo. lagay nyo na po ung noodles na pinakuluan nyo kasama na rin yung seasoning.
pwede nyo rin po lagyan ng boiled egg sa ibabaw ung noodles pagkaserve nyo.
sana po nakakatulog to sa inyo. salamat po sa pagbasa😊
comment and subscribe nlang po. salamat ng marami😉💖
Masarap nga pag minsan kumain ng noodles..ako naman nilalagyan ng malunggay at hinahalo ko ang itlog at seasoning lang OK na..