ikaw anong gamit ang collection mo?

0 5

magandang araw po sa ating lahat.

gusto ko lng po ishare sa inyo kung ano yung kinakahiligan kong gamit. at kung bakit itong gamit na to ang ginawa kong collection.

ito yung dahilan kung bakit sapatos yung napili kong iponin;

mahirap lang po kami.,nung bata ako di namin afford bumili ng sapatos. hanggang tsenelas lng ako nung bata pa ako,naalala ko pa nga nun kahit butas na yung tsenelas ko,sinusuot ko pa. o kahit maputol pa yung tesenelas ko,nilalagyan lng namin yun ng pako(pahiga yung pagkalagay ng pako ha)bsta mahirap iexplain,imaginin nyo nalang po. hehe...naiisip ko din dati na bakit wala akong sapatos pero naiintindihan ko din na mahirap lng kami. naiinggit ako sa mga kaklase ko at sa mga iba kong pinsan dahil sila,laging may bagong sapatos pero ako kahit tsenelas mn lng walang bago๐Ÿ˜” pero yun yung naging dahilan kung bakit nangarap ako at yun din yung dahilan kung bakit ngkaroon ako ng determinasyon sa sarili.

kaya nung nagsimula na akong magtrabaho yung pinaka una kong binili ay sapatos,isang sapatos po. sapatos gamit para sa school. dahil working student po ako nung time na un. at sinabi ko sa sarili ko mula nun,na mgsisikap ako para makabili ako ng mga gusto kong sapatos at sandals.

hehe...naiiyak na ako,mahirap magkwento na umiiyak kaya stop na,dito nlang tong kwento na 'to.

basta yang mga nasa picture po na mga sapatos ko,lahat ng mga yan pinaghirapan ko yan. di po ako maluho. sapatos lng din po talaga yung mga kinahiligan ko.

sana po sa mga kabataang dumadanas ng kagaya ng pinagdaanan ko,gawin po nilang inspirasyon to. na kelangan lng magsumikap para makuha kung ano man yung mga bagay na di pa nila nakukuha.

sipag,tiyaga,pasensya at determinasyon po ang baonin natin kahit saan mn tayo mapunta. sigurado ako,matutupad natin kung ano mn yung pinapangarap natin.

God bless po sa ating lahat at mag iingat po kayo lagi๐Ÿ˜Š

1
$ 0.00
Sponsors of msJen
empty
empty
empty

Comments

ako din sis sa ipon ko lang ako umaasa hindi sa magulang ko kasi nag bibigay na nga sila hihingi pa tayo hehe

$ 0.00
4 years ago

hindi naman po kasi dapat na umaasa lng tayo sa mga magulang natin kung alam natin na mahirap ang buhay. grade 6 lang ako nun ning nagsimula akong mag working student. at napanindigan ko yun natapos ko yung highschool ko na ako lang tumataguyod sa sarili ko. minsan tumutulong pa ako sa pamilya ko.

$ 0.00
4 years ago

naka naman po may ibang nangyari sa buhay niyo sis kaya po sarili niyo lang ang ag bubuhay sa inyo, wala ang tulong ng magulang

$ 0.00
4 years ago

what do you mean ibang nangyari? anyway,gaya ng sinasabi ko. mahirap lng kami,mahirap lang magulang ko. at di ako yung tipi ng anak na kahit hirap na nga magulang umaasa pa din sa kanila. marunong akong tumingin kung ano kalagayan ng magulang ko. isa pa,di ako lumaki kasama parents ko. lumaki ako sa piling nga mga lolo't lola ko.

$ 0.00
4 years ago

Oh sorry po, akala ko po wala na magulang niyo kaya sariling sikap ka po, yun pala para dun matulungan sila na maitaguyod kayo lalo na ikaw kaya mong mabuhay kasi nakakapag trabaho ka

$ 0.00
4 years ago

no,lumaki lng talaga ako sa grand parents ko at mahirap ang buhay nung mga bata pa kami kaya kelangan ko kumayod sa sarili ko ng makapag aral. madami kasi kaming magkakapatid kaya di pwedeng pati ako aasa sa magulang ko.

$ 0.00
4 years ago

Okay sis hehe masarao ang lumaki sa piling ng mga lolo at lola kasi mas maalaga sila tska mapagmahal din.

$ 0.00
4 years ago

Ako nahawa na ako Ng mama ko.. mahilig pangolekta gamit sa bahay Lalo na sa kusina.. pero Ang anak Kong 7 years old, panty collection nya... Hahaha ...naiiba sa lahat..

$ 0.00
4 years ago

hahaha...iba iba po talaga tayong mga tao ng mga gusto sa buhay. kahit ba magkakamag anak,mag ina o magkapatid. di rin talaga mgkapareho. kagaya ng anak mo po,sadyanv naiiba din yung hilig nyang kolektahin๐Ÿ˜€๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Yes sis... Every time magpadala ako Ng package, tuwing bubuksan Ng mother ko unang hinahanap Kung my panty akong padala... Kahit mag birthday Yan, Yan din hiling Niya bagong panty... Tinanong ko sya minsan bakit Yan gusto nya... Ayaw nya daw magsuot Ng lawlaw Kaya dapat may extrang bago... Baka daw Makita pwet nya paglawlaw suot nya..

$ 0.00
4 years ago

haha...galing naman sis. sa murang edad nya ganyan na sya mag isip. nga pala,nandito ka din ba sa abrod sis?

$ 0.00
4 years ago

Nakakatawa nga sis eh...Hindi sis .. manila Lang ako... Hindi ko Kaya abroad Ang layo... Dito sa manila, Kung gusto ko umuwi anytime makakauwi ako...

$ 0.00
4 years ago

๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š sabagay sis. kung may magandang trabaho naman dyan sa pinas lang. wag na sumubok mag abroad kasi di talaga biro ang pag aabroad. napakahirap po.

$ 0.00
4 years ago

Hai... Kahit saang lupalop tayo mapunta ,may hirap talagang sumasama... Ingat ka dyan sis...

$ 0.00
4 years ago

kaya nga po.dapat lang talaga my tiyaga tayo at lakas ng loob.araming salamat sis,ingat ka din po.

$ 0.00
4 years ago

Pag nasa ibang bansa ka susugal ka talaga... Mag invest ka Ng kahit anong business sis para pag uwi mo Makita mo pinagpaguran mo... Malay mo, mag stay for good ka na Lang dito kasama baby mo... My business ka na kasama mo pa family mo...

$ 0.00
4 years ago

yes po sis. yan talaga pinag iisipan ko sa ngayon. meron naman na ako konting computershop pero alam ko di pa yung sapat pag nag stay for good na ako. kaya kayod pa ako konti ng madagdagan.

$ 0.00
4 years ago