magandang araw po sa ating lahat.
gusto ko lng po ishare sa inyo kung ano yung kinakahiligan kong gamit. at kung bakit itong gamit na to ang ginawa kong collection.
ito yung dahilan kung bakit sapatos yung napili kong iponin;
mahirap lang po kami.,nung bata ako di namin afford bumili ng sapatos. hanggang tsenelas lng ako nung bata pa ako,naalala ko pa nga nun kahit butas na yung tsenelas ko,sinusuot ko pa. o kahit maputol pa yung tesenelas ko,nilalagyan lng namin yun ng pako(pahiga yung pagkalagay ng pako ha)bsta mahirap iexplain,imaginin nyo nalang po. hehe...naiisip ko din dati na bakit wala akong sapatos pero naiintindihan ko din na mahirap lng kami. naiinggit ako sa mga kaklase ko at sa mga iba kong pinsan dahil sila,laging may bagong sapatos pero ako kahit tsenelas mn lng walang bago๐ pero yun yung naging dahilan kung bakit nangarap ako at yun din yung dahilan kung bakit ngkaroon ako ng determinasyon sa sarili.
kaya nung nagsimula na akong magtrabaho yung pinaka una kong binili ay sapatos,isang sapatos po. sapatos gamit para sa school. dahil working student po ako nung time na un. at sinabi ko sa sarili ko mula nun,na mgsisikap ako para makabili ako ng mga gusto kong sapatos at sandals.
hehe...naiiyak na ako,mahirap magkwento na umiiyak kaya stop na,dito nlang tong kwento na 'to.
basta yang mga nasa picture po na mga sapatos ko,lahat ng mga yan pinaghirapan ko yan. di po ako maluho. sapatos lng din po talaga yung mga kinahiligan ko.
sana po sa mga kabataang dumadanas ng kagaya ng pinagdaanan ko,gawin po nilang inspirasyon to. na kelangan lng magsumikap para makuha kung ano man yung mga bagay na di pa nila nakukuha.
sipag,tiyaga,pasensya at determinasyon po ang baonin natin kahit saan mn tayo mapunta. sigurado ako,matutupad natin kung ano mn yung pinapangarap natin.
God bless po sa ating lahat at mag iingat po kayo lagi๐
ako din sis sa ipon ko lang ako umaasa hindi sa magulang ko kasi nag bibigay na nga sila hihingi pa tayo hehe