White dress

0 19
Avatar for mikaella27
3 years ago

Taong 2011 yata or 2012 (Di ko na matandaan) nagpasya yung parents ko na magdiwang ng New Year's Eve sa lugar ng mga pinsan ko sa Rodriguez Rizal dahil nandoon lahat ng kamag anak namin.

December 31, bandang 9:00am nakarating na kami sa lugar ng mga pinsan ko, kung iimaginin niyo yung lugar napakadaming damo tapos yung bahay magkakalayo as in parang probinsya yung datingan. To make the story short. Habang palapit na kami sa bahay ng pinsan kong si "A" ( For Allen ) napansin ko na yung puting damit na nakasampay sa bakuran ng gate nila kasi alam kong basahan nalang yun kasi medyo brown na yung kulay tapos may mga konting pulang pintura sa damit na iyon ( ang weird noh sa dami kong pwedeng pansinin, yung puting damit pa na yun ang napansin ko) so ayun na nga pagpasok namin sa bahay ng pinsan ko. katulad ng nakakarami. kiss sa mga pisngi, pagkakamustahan sa isa't isa, pagmamano sa tito at tita at iba pa. Ang weird lang kasi bakit di ko maiwasan tumingin sa damit na yun alam mo yung feeling na bigla bigla ka nalang napapatingin ng walang dahilan, yung mga ganung moment.

Fast forward 7pm pumunta kaming lahat sa isa pa naming pinsan na may malaking bahay doon kasi nagluto ng mga pagkain mga tita at tito ko kasama sila mama at papa maya maya inutusan ako ni mama na kunin ko daw yung cellphone niya na nakalagay sa bag niya so ayun na nga ako naman tong tatanga tanga ang kinuha ko alchohol syempre nagalit si mama kaya pinabalik ako at kunin ko talaga yung cellphone. habang pabalik na ulit ako sa bahay ng pinsan ko, napansin ko nanaman yung damit pero that time alam ko sa sarili ko na hindi lang basta puting damit yung nakita ko para kasing may shadow na hugis tao at dahil ayaw kong matakot nag isip ako ng kung anu-ano gaya ng inuulit ulit ko yung salitang cellphone sa isipan ko (para di ko na makalimutan yung kukunin ko at iwas takot na din) at salamat guni guni ko lang yun kala ko matatapos na, Ang balak ko sana. pagpasok ko sa bahay ni "A" ,punta agad sa pinaglagyan ng mga bag namin, hanapin yung cellphone then sisibat na agad kaso pinahirapan ako ng cellphone na ito (dahil nasa pinaka ilalim siya nakapwesto sa bag) habang hinahalungkat ko yung bag ni Mama, sa di malamang dahilan unti-unting nagtatayuan mga balahibo ko sa kamay na para bang may nakatayo sa likod ko tapos nagmamasid lang sa akin, laking pasasalamat ko na naakuha ko na din yung phone ni mama at umalis na din. Sa paglabas ko sa bahay na iyon alam kong di na ako nag iisa dahil kinabukasan

(Jan 1) bandang 4am nagising ako dahil ihing ihi na ako, sobrang antok ko pa nun kaya nagtungo agad ako sa cr para makaihi na, paglabas ko ng mismong CR may sumalubong agad saken na nakaputing damit di ko gaano namukhaan dahil madilim that time at ilaw lang sa labas ang nagsisilbing liwanag napansin ko din sa pagpasok niya is may pula sa damit niya pero di big deal sa akin yun kasi gusto ko na talaga makabalik ng tulog. Kinaumagahan, habang nag aalmusal nagkwento ako sa isa kong tita na may nakita akong nakaputi na pumasok sa cr ng madaling araw dahil wala naman akong naalala na may nakaputing damit sa aming magpipinsan, ang tanging sinabi nalang ng tita ko "So nakikita mo din pala siya" sa sinabi niyang yun may iba pa pala kaming kasama na hindi nakikita ng iba. Fas forward bandang hapon nakauwi na kami madami pa ding katanungan sa isipan ko kung sino ang taong yun, guni guni ko lang ba yung nakita ko at bakit alam ng tita ko na may ganong elemento nangyayari sa bahay na yun, may masamang nakaraan ba yung may ari ng puting damit na yun? Ang creepy...

Salamat sa pag babasa.

3
$ 0.26
$ 0.26 from @TheRandomRewarder
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
3 years ago

Comments

grabe, nakakatakot naman yan mars! hahahaha relax na relax ka ah. kung iba pa yun, naku baka sumigaw na hahaha

$ 0.00
3 years ago