Satanic rosary

4 8
Avatar for mikaella27
4 years ago

Naisip ko na ibahagi ang kwentong ito na hanggang ngayon ay naging malaking palaisipan sa amin.Hindi ako magaling sa pagkukwento pero I hope na maintindihan ninyo. So here it goes...

Year 2018,katanghaliang tapat at nasa loob kami ng lola at pinsan ko non, nakaupo sa papag at nagkukwentuhan.Mahilig ako pagdating sa mysteries, horror o kahit ano pang mga weird na topics.

Nakita ko yung poon ng lola ko.Sabi ko "La, bakit ayaw ninyong linisin iyong poon? Tas marami pang nakapalupot."

Actually takot ako sa poon na 'yon at hindi ko alam kung bakit.Tas iyon nga,pinakuha niya sa pinsan ko yung poon.E sa sobra ko talagang pagka-usisera,tiningnan ko yung mga nakapalupot sa katawan non,rosaryo ang mga ito ngunit sira na ang iba.

Bigla kong naalala,noong mga nakaraang araw nga pala bago ang araw na iyon ay may napanood ako sa tv tungkol sa sinasabi nilang 'satanic rosary' chuchu.Dahil mahilig nga ako sa ganoong mga usapin,tinandaan ko ang itsura ng rosaryong nasabi at inusisa ang bawat rosaryong nakapalupot sa poon.

Walang nakasulat na INRI sa itaas ni Hesus at may apat na araw sa bawat sulok ng krus at isa raw ahas sa paanan nito ay ang palatandaan ng satanic rosary.

Maya-maya ay inayos ko ang isang rosaryo,pigtas ito ngunit nakakabit ang krus,pinilit ko itong ihiwalay sa iba pang rosaryo ngunit tila nakakapit ito,para itong nakadikit sa poon.Marahil nga ayaw matanggal ay tiningnan ko na lang ang pinaka-krus nito.

Nang masuri ay hindi ko alam kung matatakot ba o mamamangha ako nang makita ko kung ano ito.Tinawag ko yung pinsan ko at pinakita ito,alam at tanda rin niya ang itsura nito.Pinilit ko itong tanggalin kahit pa makalas ang mga butil nito at tumungo kay lola.

Si lola ay abala sa pagpupunas ng poon kaya't inistorbo ko na muna ito saglit at kinuwento ang tungkol dito.Sinabi ko sa kaniya na sunugin na lamang namin pero ayaw niya pumayag dahil rosaryo nga ito.Kahit ako man ay nagtatangka pa lamang ay parang kakaiba na ang pakiramdam ko.Yung pakiramdam na malamig ang paligid mo pero mainit yung pwesto mo.

Nung una ay ayaw niya talaga pumayag pero kalaunan ay napilit siya ng pinsan ko.Baka nga naman kamalasan ang dala nito sa amin.

Ako mismo ang nagsilid nito sa kahon ngunit si lola ang naglagay nito sa apoy.Binantayan ko ito hanggang sa umamoy na ang mabaho na parang goma,tanda na nasusunog na ito kaya't umalis na ako at pumasok na sa loob.

Around 7pm,nasa labas kami at nagkakatuwaan.Galing si Angge sa loob namin,isa ko pang pinsan.

Nagtaka ako nang may inabot itong rosaryo sa lola ko.Buong-buo at parang bago.Tinanong ni lola kung saan ito nakuha,ang sabi nito ay sa ilalim ng papag.Kinuha ng kasama kong pinsan kanina ito at tiningnan,nagulat ito at biglang binitawan.Napamura siya at sinabi na iyon yung sinunog naming rosaryo kanina.Kinuha ko rin ito.

Bigla akong kinilabutan at nanlamig 'non.Iyon lang naman ang nagiisang kulay berdeng rosaryo roon kaya literal na mahihiwagaan ka talaga.

Pero natatandaan ko na nangamoy na ito at nagkulay itim na nang iwan ko bago ako pumasok.Pero ang hawak ko ay buong buo,walang pigtas at kumpleto ang butil.

Biglang nagsitayuan ang mga pinsan ko.Pati ang tita ko ay bigla raw nanlamig at kinilabutan.Mabilis ko itong hinulog sa lupa.Dahil naginit na naman ang pwesto ko at pinawisan ng malagkit.

Binalaan ko ang pinsan ko na itapon ito muli sa kalan at hintayin hanggang sa masunog.Nagdasal lamang ako na mawala na sana ito at huwag na bumalik.

Simula non,lalo kong kinatakutan iyong poon na hanggang ngayon ay nasa amin pa,dalaga pa lamang daw ang lola ay narito na ang poon na iyon at ang mga rosaryo,labing-anim pa lamang ako ngayon kaya deka-dekada ang tanda nito sa akin.

Marami na akong naexperience na paranormal events ngunit ito ang pinaka-kinatakutan ko,marahil siguro na hindi basta espirito ang bumahala sa amin kundi isang demonyo

Always pray to God na ilayo tayo sa masasama.Kapit tayo sa kaniya at hindi niya tayo pababayaan.

GOOD DAY!

1
$ 0.00
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
4 years ago

Comments

may nakukuha ka pa bang points? huhu

$ 0.00
4 years ago

wala din sis hahaha try ko lang kung ma featured yong commumity na ginawa ko. join kana po. gawa kana rin horror story

$ 0.00
4 years ago

may ganyan akong community eh

$ 0.00
4 years ago

Kakatakot yun 😱

$ 0.00
4 years ago