Tatlo yung bahay sa residence ng tita ko. Yung una, kina mama't papa nya (lolo't lola), sunod yung bahay ni tita, at yung pangatlo wala ng nakatira doon matagal na rin kasi yung bahay na yon. Every weekend, andon kami natutulog ng kapatid ko kina tita kung wala asawa nya kasi dalawa lang sila ng anak nya natutulog sa bahay nila. Nung una, wala pa masyado akong nararamdaman pero habang tumatagal parang may kakaiba na.
Naglalaba ako ng mga damit that time, ako lang mag isa. Mga 5pm na ako natapos. Sa lumang bahay ako nagsampay ng mga damit. Ang tahimik. Tapos feeling ko parang may nakatingin sakin. Parang may nakamasid sakin mula sa gilid at likod ko. Ramdam ko talaga meron. Akala ko pa nun pinuntahan ako ng kapatid ko kasi ramdam ko may pumasok tapos pagharap ko sa pintuan, walang tao. Malapit ng magdilim kaya binilisan ko kasi di ako mapakali.
Tapos na kami magdinner, nauna na sa kwarto si tita, aayusin nya raw muna kasi don kami matutulog. Sa sala kami, nanonood yung kapatid ko ng tv tapos ako gumagamit ng laptop na katabi ng tv. Pasado 10pm pinatay na ng kapatid ko yung tv tapos pumasok na sa kwarto, ako na lang naiwan sa sala. Sabi ng tita ko patayin ko nalang yung ilaw sa sala. Kaya ayon pinatay ko. Madilim (syempre😆). Yung laptop na lamang umiilaw at yung sa gilid ng pintuan ng kwarto ni tita. Yung feeling ulit na may kasama ako, kahit nakaharap ako sa laptop feeling ko sa likod ko may nakaupo sa sofa. Imbis na maglaptop pa ako, in'off ko na agad. Natural lang yung kilos ko pero nagmamadali na akong pumasok sa kwarto!
Ready na yung higaan, pero di pa sila natutulog. Kahihiga ko lang tapos gusto ko magcr. Nagpapasama ako sa kapatid ko sa cr kaso ayaw nya kesyo malapit lang daw. I have no choice kaya lumabas ulit ako mag isa. Binuksan ko yung pintuan sa dining room pati ilaw. Nung pabalik na ko, pinatay ko na yung ilaw kaya madilim ulit. Pagkasara ko ng pinto sa kusina, saktong pagkaharap ko may nakita ako! Babae, nakaputi ng damit at nakalutang tapos may usok guys huhu. Bigla ako nilamig. Lumabas sya sa katabing kwarto ng tita ko. Walang natutulog don! At kaming apat lang sa bahay! Di ko maklaro yung itsura nya basta mahaba buhok. Patakbo syang lumabas galing kwarto diretso sa sala. Di naman talaga as in takbo, parang inihip sya ng hangin kasi may usok na kasama. Kaharap ng kwartong yon ang sala. Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at kaba.
Madali akong pumunta sa kwarto ng tita ko. Inuna ko muna yung paa ko ipasok sa pinto bago yung katawan ko kasi baka may humila sa paa ko huhu. Grabe pa rin yung kaba ko. Hindi ko sinabi kay tita yung nakita ko baka di siya maniwala. Pagkaumaga umuwi na kami sa bahay, kinuwento ko agad kina mama at papa. Kahit mismo si mama pag pupunta don sa bahay nila tita mabigat yung paa nya. Lalo na raw sa cr. Hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sa tita ko yung nakita ko sa bahay nila. Umpisa nun, di na ako nakikitulog sakanila.
Salamat sa pag babasa.
tagal mo ata nawala sis ah ehehe