Kandila

0 131
Avatar for mikaella27
3 years ago

Nangyari ito 4-taon na ang nakaraan, First year college ako noon at tapos na ang unang semestre(so sembreak na), nagyaya yung isa kong kaibigan na magbakasyon kaming magtotropa sa probinsya nila (Quezon province), lahat pumayag kaso ako alanganin nung una kasi nga bukod sa walang pamasahe, eh unang beses ko pa lang makalalabas ng Metro Manila. Hindi sa pag-iinarte, natatakot kasi ako noon dahil nga sa mga kwento-kwentong maraming mga aswang at mga mangkukulam "daw" sa mga probinsya.

Pero natuloy yung plano at nakasama ako dahil may sariling sasakyan tropa ko, at sa pangungumbinse niyang wala daw akong poproblemahing gastos.

October 31 ng madaling araw kami bumiyahe, 'yun daw kasi masarap na oras mag-roadtrip. Nakarating kami sa probinsya nila ng umaga, hindi na kami nagsayang ng oras, wala ng pahinga-pahinga. Agad kaming naligo sa beach at gumala. Unang araw pa lang sa kanila,masasabi kong na-enjoy ko kaagad ang buhay-probinsya kaso yun na rin pala yung huli dahil sa kalokohang ginawa naming magtotropa.

Dapithapon na noon, napagpasyahan naming gumala pa. Napansin ko yung mga kandila sa mga labas ng bahay ng mga tagaroon kasi nga ARAW NG PATAY kinabukasan. Hindi na bago yung ganoong kultura kasi pati sa Maynila ginagawa rin naman iyon, ang kaibahan nga lang doon sa probinsya, punong-puno ng mga kandila yung mga gilid ng kalsada kaya sobra akong natakot. Pero yung utak ng tropa ko may ubo, napagtripan niya yung mga kandila sa kalsada hanggang sa pati kami nakisali na rin. Huwag niyo sana kaming husgahan, hindi kami pamilyar sa mga pamahiin at wala kaming alam sa kung anong kahulugan at kahalagahan ng mga pagtutulos ng kandila tuwing araw ng patay.

Pinagsisipa namin yung ibang mga kandila at yung iba ginamit namin pangpatak sa mga langgam. Laking galit ng mga matatanda ng makita kaming pinaglalaruan ang mga kandila. Kumalat agad yung balita sa lugar nila kaya pag uwi namin sa bahay nila, sinalubong kami ng mga mura at sigaw ng mga kapitbahay nila. Hindi rin kami nakaligtas sa mga sermon ng magulang ng tropa ko lalo na dun sa lola niya.

Nang medyo mahimasmasan lola ng tropa ko, pinaliwanag niya sa amin yung kahulugan at kahalagahan ng pagtutulos ng kandila. Napakahalaga daw ng pagtutulos ng kandila sa lugar nila bukod sa paggalang at pagbibigay liwanag sa mga kaluluwang nasasadlak sa kadiliman, eh alay rin daw nila iyon sa mga napatay noong bumaha sa Quezon. Halatang malaki paniniwala ng pamilya ng tropa ko sa pamahiin pero hindi man lang kami nasabihan at napagpayuhan tungkol sa pwedeng mangyayari sa amin dahil sa paglalaro namin sa mga kandila.

Maaga kami natulog noon, hindi na rin kami naghapunan dahil sa sobra kaming nahiya sa ginawa namin. Perong bandang hatinggabi nang biglang bulabugin ng panglaw yung mga kabahayan sa lugar nila dahil sa mga animoy nagsisigawang tao na humihingi ng tulong. Walang halong biro, nagsipag-iyakan kaming lahat na magtotropa dahil sa takot ng marinig namin yung ingay na iyon. Nanginginig na kami sa takot ng sabihan kami ng lola ng tropa ko na magdasal lang daw kami ng magdasal. Naririnig ko rin yung mga pagdarasal ng mga kapitbahay.Tumagal rin ng ilang minuto yung ingay bago mawala, pero pagkatapos noon hindi na kami nakatulog.

Kinaumagahan, sinugod ng mga kapitbahay yung bahay ng tropa ko, sobrang nagagalit sila sa amin, natigil lang yung pagdumog sa bahay nung dumating yung kapitan nila. Napagdesisyunan ng buong barangay na magpatawag ng pari para ma-bless yung lugar. Noong araw ring iyon pinabalik agad kami ng Maynila ng mga tagaroon dahil sa inis at galit. Bakas sa mga mukha namin noon yung trauma dahil sa nakakatakot na karanasanan, walang balak ni isa sa amin na kumibo at magsalita.

PS. Pinabalik kami ng mga tagaroon (sinadya kong hindi banggitin yung pangalan ng mismong lugar para hindi makapaminsala sa mga taong nakatira doon) noong November 29 dahil iyon yung araw na nangyari yung pagbaha sa Quezon upang sumama sa isasagawang misa sa mismong lugar nila. Humingi kaming magtrotropa ng tawad sa mga tagaroon, gano'n na rin sa mga nagambala naming mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagtutulos ng mga kandila sa tabing kalsada.

Isa pang pahabol, yung kalsada kung saan pinaglaruan namin yung kandila ay dati pa lang pinagtambakan ng mga bangkay na nasawi sa baha.

Salamat sa pag babasa.

5
$ 0.18
$ 0.18 from @TheRandomRewarder
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty
Avatar for mikaella27
3 years ago

Comments

Wait, what? college graduate ka na sis? akala ko high school ka pa! ang bata mo tingnan sa picture mo! hahaha

$ 0.00
3 years ago