Hating gabi

9 24

2018, Debut ng barkada namin. Alas tres ng hapon palang ay umalis na ako sa bahay at dumiretso kami sa tambayan naming magbabarkada. (Kung nabasa nyo ang ibang storya ko, mahahalatang madalas akong nandito.) Pagdating ko sa tambayan namin nandoon na pala ang isa kong kaibigan ilagay natin sa pangalang ONE kasama ang may ari ng bahay naming kaibigan na si TWO. Doon kami nagplano sa surprise at doon na din ang hintayan naming lahat. Habang naghihintay kami sa iba, lumabas si ONE para bumili ng yosi. Pagbalik niya kinuwento niya na may bagong matandang babae daw silang nahahalata na madalas dumadaan sa harap ng tambayan namin. Mukhang baguhan daw ito kasi mula 2016 ay doon na kami nakatambay. Usap usapin daw na parang aswang daw yun sabi ni TWO na may ari ng tambayan, pero di naman namin pinansin kasi iniisip naming di naman makakagambala samin yun kasi madalas kaming madami at maingay sa loob. Nang makumpleto kami ay umalis na kami don. FF. Gabi na at inuman time na sa debut celebration ng barkada ko. Hating gabi na ng naisipang umalis ni ONE at TWO upang pumunta sa tambayan para magpahinga ng konti kasi maingay kami sa bahay ng debutant. Hinayaan naman namin sila kasi may motor naman si TWO at kaya naman nila kahit nakainom. Bandang alas tres ng madaling araw ay halos gising pa ang lahat ng biglang dumating si ONE at TWO. Takot na takot si ONE tsaka siya nagkwento.

Nakahiga daw sila sa tambayan at malapit ng makatulog ng may naramdaman silang kaluskos. Gawa sa kahoy lang kasi ang tambayan namin at may gate na gawa din sa kahoy at madalas pang hindi nilalock kasi pumapasok kami anytime doon. Hinayaan lang nila kasi akala nila pusa lang. Pero maya maya pa daw ay naramdaman nila na kinakaluskos nito gamit ang mahabang kuko ang pader na gawa sa kahoy lang at masakit daw ito sa tenga. Doon na kinabahan si ONE kaya sinilip ni TWO ang ilalim ng pintong nakasarado at may nakita siyang paa na parang matanda na kaya sumigaw daw si TWO. “Umalis ka diyan kung ayaw mong masaktan!” Hindi daw ito sumasagot at patuloy lang sa pagkaluskos ng pader sa gilid. Palipat lipat daw ang kaluskos at pabalik balik ang paang nakikita nila sa maliit na butas lamang. Hindi daw ito tumitigil kaya tumayo si TWO at kumuha ng matigas na bagay sa loob ng tambayan at ipinukpok sa sahig na gawa lang sa kahoy. “Umalis ka diyan kung hindi papatayin kita! Hindi kami natatakot sayo!” Sigaw ni TWO kahit takot na ito at niyakap si ONE. Tumigil daw ito sa paggawa ng nakakangilong kaluskos pero ng silipin ni ONE ay nandon parin ang paa nito. Sumigaw pa si TWO na bubuksan niya ang pinto at kung hindi pa siya aalis ay papatayin niya ito pero nandoon parin ang paa at nagkaluskos siya ulit. Tinapon daw ni TWO ang hawak niyang bagay sa pinto at niyakap ulit si ONE. Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil na ang kaluskos nito. Hindi nila muna tinignan ang ilalim ng pinto, pagkalipas ng ilang minuto ay wala na ito ng sinilip nila kaya di na sila nagdalawang isip na tumayo at umalis agad sa tambayan namin kahit hating gabi na.

Hindi daw nila alam kung tinakot lamang sila pero kilala naming lahat ang nasa palibot ng tambayan namin at walang ganon katandang tao doon na may kulubot na paa. Hindi din maatim ng normal na tao ang tuloy tuloy na pagkuskos ng mahaba niyang kuko kasi nakakangilo ito sa kamay pero ang nangyaring yon ay nagbigay takot sa aming manatili doon ng hating gabi na wala masyadong kasama. Maaring ito ang matandang pabalik balik sa harap ng tambayan namin, o maaaring isa sa mga naiingayan sa amin pag marami kaming nandoon. Pagkalipas ng ilang araw ay balik tambay na ulit kami doon at wala na rin ang baguhang matanda na madalas daw makita ng lahat na dumadaan doon.

Salamat sa pagbabasa.

2
$ 0.00
Sponsors of mikaella27
empty
empty
empty

Comments

ayan annaman si sis sa creepy na kwento hehehe... sis join ka sa community ko, tutal mahilig ka naman magpost ng thrillers ganun hehehe.. kaso ako palang member eh... let;s encourage people :) hehe

https://read.cash/c/thrillerhorror-stories-dc61

ayan sis :)

$ 0.00
4 years ago

sure sis hehe at sure rin ako marami mag jojoin dyan magaling na author ang admin eh hahaha

$ 0.00
4 years ago

ngek..w ala pa nga entry yan wala ako maisip ahahahaha

$ 0.00
4 years ago

sis lam mo ba hindi ko akalain na magaling ka talaga gumawa ka ng mga articles hehehe yung tatagal ka talaga dito

$ 0.00
4 years ago

ngek hahaha bakit naman sis? pero thanks ha haha

$ 0.00
4 years ago

Syempre nakikita ko eh hahaha mga cool articles mo. Dami nakakanotice na mga magagaling na writer din.

$ 0.00
4 years ago

nakaka touch naman sis hehe thank you! Ikaw din naman magaling ka mag kwento hehe.. di lang siguro sila makarelate kasi yung iabang foreigners syempre di nila maintindihan pero magaling ka din naman.. madami din namang Pilipino dito kaya keribels. :)

$ 0.00
4 years ago

Oo sis ganon na nga hehehe. Focus nalang ako sa mga Filipinos. Hindi ko keri ang mag english talaga ng bongga

$ 0.00
4 years ago

haha ok lang yan. madaming supporters na Filipinos dito.. hehe at maabait din sila.. hehe tulad ko wahaha

$ 0.00
4 years ago